PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paano yumaman? Gawin ang money-saving tips ni Vice Ganda!

"Kung meron kang sampung piso, hindi ka puwedeng gumastos ng kinse pesos."
Published Apr 20, 2020
Vice Ganda is now one of the country's top-earning stars, thanks to his pagpapatawa, pagpupursigi, and words of wisdom that will tell us paano yumaman.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

How to be rich like Vice Ganda?

Alam ng showbiz fans na gumanda ang buhay ng stand-up comedian dahil sa pagpapatawa at pagpupursige,

Pero higit sa lahat, masinop ito sa kanyang kita dahil alam niya kung gaano kahirap mamuhay nang salat sa pera.

Nagsimulang magtrabaho si Vice Ganda bilang singer at stand-up comedian sa mga comedy bars.

Ang kuwento niya sa isang episode ng Magandang Buhay noong 2016, "Iyong kabataan ko ay malala, kasi iyong mga magulang ko, walang kongkretong trabaho, iyong nira-raket lang nila, para hindi kami sumala sa araw.

"Minsan darating kami sa oras na sasabihan ako ng nanay ko, 'Tawagin mo iyong tatay mo, sabihin mo kakain na tayo.'

"Pero wala pa kaming pagkain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy niya, "'Tapos pupuntahan ko iyong tatay ko sa musoleo. Kasi may musoleo sa amin, kasi iyong lugar namin, sementeryo.

"Sementeryo na nilagyan ng bahay. Nag-squat doon iyong mga tao.

"'Tapos sasabihin ko sa tatay ko, 'Tay, kain na tayo,' 'tapos sasabihin niya, 'Sige sunod ako.'

"'Tapos pagsunod niya, may dala na siyang pagkain—mga lomi, ganoon."

Naranasan niya ang mamuhay na walang kaseguruhan kung makakakain siya ng tatlong beses sa isang araw. Kaya naman, nung nagsimula siyang kumita ay nagsimula rin siyang magtipid at mag-save.

Inilista ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga success at money-saving tips na ibinahagi ng 44-year-old Kapamilya sa kanyang mga intevriews at shows.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TIP #1: MAGTRABAHO NANG HUSTO HABANG BATA PA

Habang bata ka kasi, mas marami kang oportunidad. May panahon ka para pumili ng path na gusto mong tahakin, ng career na gusto mong i-pursue.

May panahon ka rin para itama ang mistakes na gagawin mo along the way.

Higit sa lahat, mas may energy ka rin kaya sayang naman kung magpepetiks ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ni Vice sa isang episode ng It's Showtime noong 2019, "Mas maganda iyong pagkatapos mo mag-aral o sa maagang edad, nag-iipon ka na...

"Kasi meron akong nabasa, at the age of 22 to 30, diyan ka daw talaga nagtatrabahao nang nagtatrabahao nang nagtatrabaho...

"Mag-ipon ka nang mag-ipon...

"Para pagdating mo ng 30 to 40, onti-onti ka nang nagbabawas ng trabaho.

"Para pagdating mo ng 40 to 60, nagre-relax ka nalang—secured ka na kasi nakapag-ipon ka na.

"Hindi ka na nag-aapura na kung kailan ka na kuwarenta, saka ka palang nag-iipon, di ba.

"Kasi mas mahirap kasi mahina na iyong katawan mo."

TIP #2: SAVINGS MUNA BAGO SEAT SALE

Marami ang nahihilig sa pagta-travel, lalo't maraming seat sales at affordable tour packages na mahahanap sa internet ngayon.

Hindi masamang mag-enjoy sa iba't-ibang lugar every once in a while, pero ang advice ni Vice, gawin ito kapag ikaw ay may ipon na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang pag-iipon ang paulit-ulit na sinasabi ni Vice sa kanyang mga "anak-anakan," na itinatabi for travel ang kinikita nila.

Kaya nung napansin ng unkabogable star na hindi sila nakikinig, nagtampo siya, sabay udyok na basahin ang ipon tips ng financial expert na si Chinkee Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Vice, "So isang buwan, hindi ko sila kinausap, 'tapos sabi ko, kikibuin ko kayo [kapag] bumili kayo ng libro, iyong Diary ng Pulubi ni Chinkee Tan... one hundred plus lang iyong diary, ang nipis lang, ang bilis lang basahin, may learnings.

"Meron doon iyong travel ngayon, pulubi bukas; shopping ngayon, pulubi bukas.

"Ang dami kasing ganyang problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kuwentong ito ay ibinahagi ni Vice sa isang episode ng It's Showtime, na ini-upload ni Chinkee Tan sa kanyang YouTube channel noong July 2018.

TIP #3: HUWAG GAWING HOBBY ANG MANGUTANG

Huwag mangutang lalo na kung alam mong hindi mo ito mababayaran.

Ito ang payo ni Vice Ganda sa isang kalahok ng show segment na "It's Showtime adVice," kung saan ang host ay nagbibigay ng payo sa mga taong may problema.

Sa episode na ini-upload sa ABS-CBN YouTube channel noong March 16, 2015, tampok ang isang ginang na walang pambili ng mga pagkain para sa isang okasyon ng kanilang pamilya.

Ang sabi ni Vice sa ginang: "Ang daming estudyanteng maya't maya nangungutang sa mga kakilala para makabili ng ganito, makarampa nang naka-ganito, makabili ng ticket sa mga events, maka-party-party.

"Noong umpisa, nangungutang kasi kailangan nila, pero eventually, nangungutang kasi nasanay na sila 'tapos nagtatago.

"Marami kasi akong kilala, iyong nagsimula sa paonti-onti, hanggang naging ugali na nila iyong mangutang nang mangutang, hanggang hindi na nila alam, naging estapadora na sila, iyong uutang 'tapos nagtatago 'tapos hindi magbabayad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ang payo ni Vice sa ginang: ipagpaliban na lang ang pagpa-party kung uutangin lang niya ang panggastos.

Pagpapatuloy niya, "Mauunawaan ka naman ng mga kapitbahay mo kung wala kang handa dahil alam mo, hindi lang naman ikaw.

"Kami, hindi namin ugali ang paghahanda kasi wala rin naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi maaring masaya ka ngayon kasi may pang-handa ka, pero bukas wala kang pambayad. Mai-stress ka...

"Ang daming mga may utang na hindi na kayang magbayad, nadi-depress, nai-stress, hindi nakakakain, nagtatago, namamayat...

"Kung wala, wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #4: LIVE WITHIN YOUR MEANS

Sa parehong episode ng It's Showtime, sinabi ni Vice na imbes na mangutang, mag-ipon na lang.

Aniya, "At saka, di ba, kung talagang ugali na natin ang maghanda... alam naman nating taon-taon may piyesta, paghandaan na natin para hindi ka mangutang."

Mainam daw na isipin, "Ay, next month na pala iyong piyesta.

"Mag-iipon-ipon ako ng mga ilang daan para makapagluto ako."

Pinayuhan rin ng Kapamilya star ang ginang na kalahok na matutong mamuhay nang ayon sa kinikita nila.

In fact, kahit pa isa na siya sa highest-paid stars sa showbiz ngayon, may dala-dala pa ring calculator si Vice kapag nagsa-shopping. Alam niya kasi ang value ng pera.

Alam niya kasi na dapat gastusin mo lang kung ano ang kasya sa pera mo, at siguraduhing may maititira ka pa para sa oras ng pangangailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Vice, "Sabi nga nila, don't live beyond your means.

"Kung meron kang sampung piso, hindi ka puwedeng gumastos ng kinse pesos.

"Dapat nga hindi mo gastusin iyong sampu, e.

"Kung may sampung piso ka, gastusin mo lang iyong lima.

"Iyong [natirang] lima, i-save mo para bukas meron ka pang huhugutin," sabi ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #5: HUMANAP NG MGA OPORTUNIDAD PARA KUMITA NG PERA

Sa video na ini-upload ni Bianca Gonzalez sa YouTube noong January 15, 2018, sinabi ni Vice Ganda sa kanya ang sikreto sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

“You have to work doubly hard," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginawa ko iyon. Ang dami kong ginawa, ang dami kong ginawa...

"Kailangan mas matalino ka, humanap ka ng maraming-maraming oportunidad at kunin mo lahat iyon para mas marami kang ma-achieve.

"Mas marami kang achievement, mas marami kang blessing na puwede ma-share sa mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong higit na mas marami na siyang naipong pera, mas marami na rin ang mga taong tinutulungan ni Vice Ganda, bukod pa sa kanyang pamilya.

Isa siya sa mga showbiz celebrities na nagbigay ng ayuda sa mga nangangailangan sa panahong ito ng COVID-19 crisis.

Nitong March 18, inanunsiyo ni Vice sa kanyang Instagram account ang pagbibigay ng "non-conditional cash assistance program" and other benefits sa 400-plus na empleyado ng kanyang cosmetics brand, VICE Cosmetics.

Nag-abot rin siya ng kahon-kahong personal protective equipment (PPE) sa COVID-19 frontliners sa apat na ospital sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo rin ni Vice na sa tuwing ipapamahagi mo ang iyong ipon sa iba, ito ay dapat bukal sa iyon puso.

Sinabi niya ito sa video ni Bianca: "Hayaan mo lang ibigay, wag ka mag-expect.

"Kasi pag nag-expect, walang sincerity.

"It has to be genuine, it has to be authentic."

Noon pa man, ito na ang ginagawa ni Vice Ganda kaya hindi nakapagtataka na patuloy ang pamamayagpag niya sa showbiz.

RECOMMENDED ARTICLES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda is now one of the country's top-earning stars, thanks to his pagpapatawa, pagpupursigi, and words of wisdom that will tell us paano yumaman.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results