Wowie de Guzman: From UMD's lead dancer to Zumba instructor

by Bernie V. Franco
Jun 23, 2020
Dancer-turned-actor Wowie de Guzman recounts his journey from being a member of a popular dance group in the '90s to a Zumba dance instructor.
PHOTO/S: @wowskie on Instagram / Facebook (Wowie de Guzman)

Tatlong taon nang Zumba instructor si Wowie de Guzman, 43.

Mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang anim-na-anyos na anak na babae, si Raff.

Bagama’t sumikat noong ‘90s bilang miyembro ng kilalang dance group na Universal Motion Dancers (UMD), hindi raw inakala ni Wowie na magugustuhan niya ang pagiging dance instructor.

Nang makilala ang kinabibilangang dance group, napasok sa pag-aartista si Wowie at sumikat dahil sa tambalan nila ni Judy Ann Santos.

Higit sa limang taong namayagpag ang tambalan nila ng dramatic actress.

Nagkaroon din sila ng young romantic relationship.

Pagpasok ng 2000, iniwan ni Wowie ang mainstream showbiz at nag-focus sa theatre plays.

HOW WOWIE BECAME A ZUMBA INSTRUCTOR

Hanggang mahikayat nga siyang subukan ang pagiging dance instructor ng Zumba, na inamin niyang hindi raw sumagi sa isip na gagawin niya.

“Nung una, hindi ko siya pinapansin kasi nai-intimidate ako because hindi ako sanay magturo ng one hour,” lahad ni Wowie sa video na in-upload ng OneMusicPH sa YouTube noong June 21.

Continue reading below ↓

Sanay raw si Wowie na sumasayaw sa entablado pero hindi ang magturo.

Nagsimula ang lahat noong 2017, nang naimbitahan siya sa mga Zumba event.

“Akala ko mahirap, nakita ko ganun din pala.

“It’s just that nagsasayaw ka lang, simple lang, hindi kailangan ng mahirap.

“So 2017 nang nagsimula ako.”

Nag-umpisa si Wowie sa paggi-guest sa mga Zumba event.

“Papahapyaw-hapyaw lang, na naggi-guest ako.

“For example, may mga kakilala ako na naging Zumba instructor, nag-e-event sila, so ini-invite nila ako.

“Sabi ko, ‘Ano’ng gagawin ko, hindi nga ako marunong?’”

Ang payo raw sa kanya, sayawin ang mga dance step na pinasikat ng UMD noong dekada '90.

Pag-akyat pa lang ng entablado, naging mainit daw agad ang pagtanggap sa kanya.

“So, nagulat nga ako na, 'Ganito pala ‘to,'” pagbabalik-tanaw ni Wowie.

“Nung unang sampa ko pa, nagtataka ako bakit nakapang-exercise kasi akala ko ang Zumba, para siyang ballroom.

“Siguro dahil nga performer ako, nung time na umakyat na ako ng stage, siyempre nagsigawan, nung sinayaw ko na iyong ‘Dying Inside,’ iyong mga tumatak sa amin,” pagtukoy sa mga pinasikat na '90s songs ng UMD.

Continue reading below ↓

Muli raw nagising ang diwa ni Wowie sa pagpe-perform.

"So, parang alam mo iyon, iyong pagiging performer mo nagising."

Mga kapwa artista na naging instructor ang humikayat sa kanya na maging dance instructor—sina Joshua Zamora at Regine Tolentino.

“Sila ang nagsabi sa akin, ‘Subukan mo because magugustuhan mo siya.’

“True enough, nagustuhan ko talaga siya.”

Continue reading below ↓

WOWIE ON BEING A ZUMBA INSTRUCTOR

Dahil sa kasikatan ng Zumba, maraming oportunidad ang nagbukas para sa actor-dancer bilang isang instructor ng pagsasayaw.

“Hindi ko akalain na ganoon kalaki iyong community nung Zumba.

“And then fast forward, ngayon almost three years na halos.

“Nalibot ko na iyong buong sulok ng Pilipinas.

“And ngayon, pre-COVID, talagang lumalabas na ako ng ibang bansa.”

Ikinatutuwa rin daw niya na maraming participants ang excited na makita at makahalubilo siya.

“Nakaka-overwhelm siya at first kasi, unang-una, hindi naman na ako nakikita sa TV for the longest time, di ba?

“Nakaka-overwhelm kapag lumapit sila sa iyo, especially iyong mga may edad na, at sasabihin nila, ‘Naku, buti nag-Zumba ka. Akala namin mapapanood ka lang namin sa TV. Ngayon ikaw pa nagtuturo sa amin.’”

Dito na raw naramdaman ni Wowie na makabuluhan ang pagiging dance instructor.

“So iyong mga iyon, iyon ang nakakapagbigay sa iyo ng… nai-inspire ka lalo na gumawa ng maraming sayaw.

Continue reading below ↓

“And at the same time, mas pagbutihin mo pa iyong ginagawa mo because na-realize ko, nakakatulong ka rin because fitness din ang Zumba, e.

“Kahit na sabihin mo na sayaw siya, nakakatulong siya sa elderly, kasi mostly iyong mga talagang nag-a-attend sa amin are 40 pataas, may mga 80s pa talaga.

“So, nakakapag-inspire kami, so may responsibility na rin kahit papano.”

Pagpapasalamat ni Wowie: “I guess I’m very thankful na-introduce sa akin ito dahil dancer din naman talaga ako, and napakalaking bagay.”

HOT STORIES

Dahil nga may pandemic ngayon, at ipinagbabawal ang mga mass gathering, idinadaan ni Wowie ang pagtuturo ng sayaw via online.

Bumuo raw siya ng grupo ng Zumba instructors na mga taga-Norte at tinawag niyang The North Connection.

“Gumawa kami ng YouTube para sa mga attendees and students namin kasi para pag hindi makaka-attend ng class, puwede silang manood sa bahay.”

Aktibo raw ngayon si Wowie sa social media para makipag-ugnayan sa kanyang supporters.

Continue reading below ↓

“Ngayon, lagi kong sinasagot iyong mga message sa akin sa Facebook page ko.”

Hinihimok daw siyang patuloy na gumawa ng mga video.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dancer-turned-actor Wowie de Guzman recounts his journey from being a member of a popular dance group in the '90s to a Zumba dance instructor.
PHOTO/S: @wowskie on Instagram / Facebook (Wowie de Guzman)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results