Ate Gay realizes importance of ipon after recent hospitalization

by Nikko Tuazon
Jun 30, 2021
Ate Gay is grateful for having a sibling who paid for his medical bills and also for the financial help extended by fellow comedians. One thing he learns from his hospitalization: the importance of having an emergency fund.
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram

Ang pagkakaroon ng emergency fund ang isa sa mga natutunan ni Ate Gay matapos nitong maospital dahil sa rare and serious skin condition na toxic epidermal necrolysis (TEN).

Ayon sa healthline.com, ang sinumang magkaroon ng TEN ay makakaranas ng "severe skin peeling and blistering" na sanhi ng "adverse reaction to medication like anticonvulsants or antibiotics."

Ang laking pasasalamat ng comedian sa mga kaibigang agad na sumaklolo sa kanya at nagpadala ng pinansiyal na tulong. Sa isang interview para sa isang YouTube vlog, pinasalamatan niya sina Ogie Diaz, Vice Ganda, Paolo Ballesteros, at ang Beks Battalion members na sina Chad Kinis, Lassy, at MC.

Ang laking bagay din, aniya, kung meron sana siyang emergency fund.

Sabi niya sa kaibigan si Ogie, "Wala ako masyadong ipon kasi puro saya. Ano ako, e, yung walang natitira sa akin, kumbaga naibibigay ko sa lahat.

"Hindi ako yung maganun [ma-ipon] sa pera na dapat ganun. Pero huwag niyo pong gagayahin yun kasi hindi maganda yun."

Aniya, pagdating sa pera, maganda kung makaugalian ang mag-ipon.

Kasama sa mga realizations niya: Kahit may mga bagay na akong dapat ko i-save, hindi ko nase-save."

"Yung dapat talaga may ipon. Kung mahirap lang ako nitong panahon na iyon, nung nagkasakit ako, siguro patay na ako ngayon."

Base sa computation niya, humigit kumulang sa isang milyon ang hospital bill niya. Mabuti na lang daw at tinulungan rin siya ng kapatid na nasa Japan.

Aniya, "Siguro kung yung mga kapatid ko walang trabaho, siguro patay na ako ngayon.

"E, dahil wala akong pera, yung kapatid ko sa Japan ang nagbayad ng bills sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tatlo yun. Tatlong beses na hundred-hundred, two hundred [thousand]. Kaya sabi ko nung itong last, 'Ay, hindi na ako babalik dito [sa ospital], kawawa naman yung kapatid ko.' Yung kapatid ko sa Japan talaga ang nagbayad ng bills."

Bilang bahagi ng kanyang pagtitipid at pagpapakita na rin ng appreciation sa itinuturing niyang second life, itinigil na ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Noong May 22, 2021 niya inanunsiyo na okay na ang health niya.

Aniya, "Yeheyyy mataba na ako .. Skin nalang mahirap matanggal ang galing sa TOXIC EPIDERMAL NECROLYSIS.. lumaban ako ng todo.. masarap mabuhay with a hearth.. salamat sa inyong pagmamahal"

Sa vlog ni Ogie, inilarawan ni Ate Gay ang kanyang pinagdaanan: “Nagbabalat yung balat mo. Hindi mo kakayanin pag hindi ka malakas.

“Ang hirap ng pinagdaanan ko sa sakit na ito.

“Lahat, halos… hindi makatulog dahil baka mamaya diyan mawawala yung balat mo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay is grateful for having a sibling who paid for his medical bills and also for the financial help extended by fellow comedians. One thing he learns from his hospitalization: the importance of having an emergency fund.
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results