Jane De Leon ipinag-grocery ang rider na bitbit ang baby sa trabaho

by Bernie V. Franco
Nov 15, 2021
hershey manuel jane de leon
Actress Jane De Leon (insert photo) personally delivers to rider Hershey Manuel the grocery items for his baby's needs. A photo of Hershey delivering food with his baby went viral last month.
PHOTO/S: Facebook (Jeremiel Flores Quinto) / @imjanedeleon instagram

Bumuhos ang tulong para sa sa food-delivery rider na si Hershey Manuel matapos siyang mag-viral dahil bitbit nito ang kanyang limang-buwang sanggol sa trabaho.

Personal pa siyang sinadya ng ABS-CBN artist at Darna actress na si Jane De Leon para mag-abot ng tulong.

Noong October 29, 2021 ipinost ni Hershey ang personal na pagdalaw sa kanila ni Jane.

Yup, si Jane mismo ang nakipag-ugnayan sa kanya para sa tulong na iaabot.

Post ni Hershey (published as is): “Maraming maraming salamat po Darna Jane De Leon at sa buong team po nila.

“Hinding hindi ko po malilimutan to na pinuntahan nyo pa po kami at kayo po mismo nagchat sakin para matulungan kami kahit sobrang busy nyo po.”

Nabanggit din ng rider na kinuha niyang ninang ng kanyang anak si Jane.

“May Ninang na Darna na ang anak ko,” sundot pa ng rider.

Sa video na ipinost niya, makikita si Hershey na karga-karga ang kanyang anak at nakikipag-usap si Hershey at asawa nito kay Jane na naka-face mask at face shield.

Continue reading below ↓

Base sa mga larawang ipinost, grocery items ang ibinigay ni Jane sa delivery rider.

jane de leon viral delivery rider

Isa-isa ring pinasalamatan ni Hershey ang mga pulitiko at private individuals and businesses na nag-offer din ng tulong.

Nag-viral si Hershey, 18, noong nakaraang buwan matapos kumalat ang kanyang mga litrato na nag-deliver ng food gamit ang isang bisikleta.

Continue reading below ↓

Pero agaw-atensiyon sa mga larawan niya ang kanyang sanggol na nakalulan sa basket ng bisikleta.

Nakunan pa si Hershey na pinapadede ng feeding bottle ang kanyang baby.

Wala raw mapag-iwanan si Hershey sa kanyang baby, kaya binitbit na lang niya ito sa trabaho.

Mixed reactions ang natanggap ni Hershey, pero sa kabila nito ay bumuhos ang tulong sa kanya.

Karamihan, mga grocery items, baby necessities, gaya ng gatas at diapers, cash, at mga laruan, ang ibinigay kay Hershey.

May mga pulitiko ring nag-abot ng tulong.

Samantala, makikitang nag-venture ngayon si Hershey sa online selling sa pamamagitan ng Facebook Marketplace

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Jane De Leon (insert photo) personally delivers to rider Hershey Manuel the grocery items for his baby's needs. A photo of Hershey delivering food with his baby went viral last month.
PHOTO/S: Facebook (Jeremiel Flores Quinto) / @imjanedeleon instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results