Bumili ng bago niyang sasakyan si Ion Perez.
Kahit ito ay second-hand BMW lamang, napa-wow daw si Ion dahil maayos ang pag-alaga ng dati nitong may-ari.
Ayon kay Ion, gusto sana niya ng brand new car pero hindi kaya ng budget niya.
Lahad niya sa kanyang vlog noong June 7, 2022, “May naipon ako na konti para sa gusto kong sasakyan.
"Although, second-hand lang siya.
"Gusto ko sana mag-brand new kaso hindi pa kaya ng budget. So, magsi-second hand muna ako, tumingin ako sa Marketplace.
“Tapos, 2013 model lang siya, pero napakasariwa. Tapos yung itinakbo niya ay 12,000 pa lang.
“Tumingin ako sa iba pero 'yon yung pinakamababang nakita ko. Ang sabi ko nung una, 'Ang taas naman,' pero pinakamababa na pala yun.
"As in kaya ko siya nagustuhan kasi napaka-fresh niya at mukhang maalaga yung may-ari.”
Hindi binanggit ni Ion kung magkano niya nabili ang sasakyan.
Kilala sa pagiging mahilig sa motor ni Ion dahil nagmo-motocross ito, pero pahinga muna siya dahil minsan ay nagka-injury siya.
Saad niya, “Pero babalik ako sa motocross pero hindi na ganun yung ano, siguro puro flat track na lang.”
Kinakabahan din daw lagi ang partner niyang si Vice Ganda tuwing sumasalang siya sa motocross.
Aprubado naman kay Vice ang bagong sasakyan ni Ion

Nag-test drive ito sa village nila matapos iuwi ni Ion ang kanyang tsikot.
Masayang sabi ni Vice, “Congratulations, I’m so proud of you. Ang katas ng Kumu. Ang katas ng Kumu niya, BMW niya.”
Nagpasalamat naman si Ion sa mga nanonood at mga sumusuporta sa kanya sa Kumu dahil nakaipon aniya siya.
May lagpas sa 1 million views na ang vlog ni Ion sa YouTube na may pamagat na “Bagong Tsikot.”
