Ang French national na si Bernard Arnault, owner ng pinakamalaking luxury goods company na LVMH (Louis Vuitton, Moët, Hennessy) ang nakakuha ng top spot sa final 2022 Richest People in the World’s list ng Forbes.com.
Malaking kaibahan ito sa ilang taong nakalipas kung saan laging namamayagpag ang technology CEOs at innovators, tulad nina Elon Musk ng Tesla Inc., Bill Gates ng Microsoft Corporation, at Jeff Bezos ng Amazon.com Inc.
Sa pinakahuling listahan, naungusan ni Arnault with his $182.4 billion (PHP10 T) net worth ang electric carmaker na si Musk, who held on to the top position simula January 2021 hanggang sa unang bahagi ng December 2022.
Bumagsak ang net worth ni Musk sa $169.1 billion (PHP9.3 T) dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng Tesla shares at sa kanyang pag-acquire ng Twitter sa halagang $44 billion (PHP2.4 T).
Samantala, ang LVMH ni Arnault ay patuloy ang pamamayagpag bilang parent company ng humigit-kumulang 75 elite fashion brands, kabilang ang Marc Jacobs, Fendi, Givenchy, Tag Heuer, Sephora, Hennessey, Bulgari, Tiffany & Co., Louis Vuitton, at Christian Dior.
Base sa ulat, malaking boost ang nakuha ng 73-year-old billionnaire mula sa kanyang shares sa Christian Dior SE.
Espesyal kay Arnault ang brand at inalagaan niya itong mabuti sa mga nakalipas na taon dahil ang kanyang ina diumano ay may notable “fascination with Dior.”
ENGINEER TURNED FASHION MAGNATE
Isang engineer-by-training, nagsimula si Arnault magpatakbo ng Ferret-Savinel, ang construction firm ng kanyang ama, noong 1971.
Noong 1979, binago niya ito at ginawang real estate business under the company name Férinel Inc.
Noong 1984 ay pinasok ni Arnault ang luxury goods business sa pag-acquire ng Financière Agache.
Ibinenta niya ang halos lahat ng shareholdings nito bukod sa Christian Dior at Le Bon Marché.
Three years after that, he invested in LVMH, and he soon became its majority shareholder, CEO, and chairman of the board.
The rest, as they say, is history.
TECH TAKES THE BACKSEAT
Sa nakalipas na dalawang dekada ay halos pagharian na ng mga nasa industriya ng teknolohiya ang Richest People in the World list.
Pinakamaraming beses na naluklok sa top spot si Bill Gates ng Microsoft Corporation, whose reign started noong 1997.
Labing anim na beses pinangunahan ng Harvard University dropout ang listahan, simula nang maging successful ang software development project nila ng kanyang childhood friend na si Paul Allen.
Bukod sa paggawa ng software para sa mga pinaka-unang microcomputers, kilala din ang Microsoft sa pag-produce ng personal computers, email services, at video game systems.
Mayroon din silang investment sa patok ngayong cloud services.
Mula sa pagiging frontrunner ay kontento ang ngayon ay 67-year-old na si Gates sa kanyang puwesto bilang ika-anim na pinakamayamang tao sa buong mundo with $104.2 billion (PHP5.7 T) net worth.
Isa pa sa mga na-take over ni Arnault sa listahan ay ang may ari ng Amazon.com, ang pinakamalaking e-commerce website na nagsimula sa pagbebenta lamang ng mga libro online.
Mula sa ika-limang puwesto noong 2016 nang magsimula siyang mapabilang sa Top 10, patuloy na umakyat si Bezos, hanggang maging number 1 noong 2018.
Ilang beses pang nasa top spot si Bezos bago ito nakuha ni Musk.
Sa ngayon ay nasa ikaapat na puwesto si Bezos with a net worth of $111.1 billion.
Bukod sa Amazon, ilan pa sa kanyang pagmamay-ari ay ang The Washington Post at ang aerospace company na Blue Origin.
Sa kabuuan, anim sa sampung pinakamataas pwesto sa listahan ay inookupa pa din ng mga tech CEOs.
Si Mark Zuckerberg, owner ng Meta Platforms na dating Facebook Inc., ay pang-lima sa ranking noong nakaraang taon, ngunit sa top 10 list at ngayon ay nasa pang-25 na puwesto with a net worth of $43.5 billion (PHP2.3 T).