Maituturing na fitness inspiration si Samantha Lopez.
Sa kanyang latest video sa Instagram, makikita ang 53-year-old actress na nakasuot ng swimsuit habang ginagawa ang kanyang fitness routine.
Matatanaw bilang backdrop ng aktres ang ganda ng beaches sa Pilipinas.

Naitampok rin ang isa pa niyang hobby: ang mag-motor habang nakasuot ng leather ensemble na karaniwang suot ng bikers.
Ang background music ng naturang video ay ang kantang "Flowers" ni Miley Cyrus.
Kuwento ni Samantha sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Women empowerment is what inspired me to do this video. Yung workout and dance videos plus the beat kaya napili ko ang music ni Miley na 'Flowers.'
“And just like Miley, I like to constantly reinvent myself.”
May hashtag na fun, fierce, fearless, at fervent ang naturang video.
“I’m always FUN to be with,” pagpapaliwanag ng actress/host. “My experiences in life. I am fierce and fearless sa pagharap ko sa mga pagsubok ko sa buhay.
“Fervent in everything I do—my career, my passion [golf and dancing], and with my family and friends.”
coming back to the philippines
Maraming taong nanirahan sa Amerika si Samantha.
Pero ngayon ay desidido na siya na maglagi sa Pilipinas para harapin ang kanyang acting career at pagiging influencer.
Ano pa ang mga aspeto na nag-udyok sa kanyang mamalagi na sa bansa?
“Initially, the number one factor was my daughter—she got pregnant, gave birth, and got married. She needed me and I want to be there for her.
“Tapos nagkaroon ako ng teleserye [First Lady ng GMA], then nag-pandemic and I got stuck here in the Philippines.
“Dun ko na-realize how I’ve missed acting and being in front of the camera.”
Pero kahit na uso ngayon ang sexy films at sexy naman si Samantha, mukhang wala sa plano niya ang magpaka-daring sa harap ng camera.
“It doesn’t interest me at this point in my life,” simpleng tugon niya.
Wala ring interes si Samantha sa love life ngayon, at masaya siya kahit walang relasyon.
Ang sikreto? ”Self love. Being busy. Single AND complete.”
May mga plano rin siya sa kanyang career na hindi konektado sa pag-aartista.
“I have several business investments, at magkakaroon din ako ng restaurant,” patikim na sagot ni Samantha sa mga business venture na bubuksan niya.
SAMANTHA'S FITNESS TIPS
Simple lang ang sikreto ni Samantha to staying fit.
“For food, everything in moderation,sleep well, eat well, drink a lot of water, exercise regularly.”
Ano ang advice na maibibigay niya sa mga kababaihan, particular sa mga ka-edad niya na passion din ang fitness, health, at well-being?
“Age is just about your mindset. You are what you eat. We gotta move because move is the lube. Live and laugh.”

At dahil tampok sa kanyang video ang ilang magagandang lugar sa bansa, tinanong namin si Samantha kung paano niya hihikayatin ang mga turista na pumunta at i-explore ang Pilipinas.
“Beauty is something, but they have to experience our warmth because it’s something else.”
Nakausap ng PEP.ph si Samantha sa pamamagitan ng Viber messaging nitong Biyernes ng gabi, March 10, 2023.
reaction to eat bulaga! issue
Naging malaking bahagi ng career ni Samantha ang Eat Bulaga!, kung saan siya sumikat bilang si Graciaaa.
Ano ang kanyang opinion tungkol sa isyung kinakaharap ng naturang top-rating noontime variety show?
“I am concerned, pero wala pa akong nakakausap sa kanila.”
Kung matuloy na may bagong programang papalit sa Eat Bulaga! at kukunin si Samantha na maging parte ng bagong show, papayag ba siya?
“Nobody knows the future. Let’s cross the bridge when we get there. Hoping for the best for all parties na involved."
Pahabaol pa niyang pahayag, “I’m an artist and a professional, whatever work is given to me, I’ll surely do my best.”
