PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina & Dave Almarinez Launch Holding Co.

Ara Mina on having a baby: "Darating na lang yun kumbaga huwag na nating i-pressure."
by Arniel C. Serato
Published Apr 6, 2023
Ara Mina and Dave Almarinez discuss about their new business
Actress Ara Mina (right) and husband Dave Almarinez (left) join forces in their latest business, A Force Ventures, which aims to help small and medium entrepreneurs.
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi lang partner sa buhay bilang mag-asawa kundi pati sa negosyo.

Magkasamang pinaghirapang ipinundar nina Ara Mina at Dave Almarinez ang kanilang bagong kumpanya, ang A Force Ventures.

Isa itong holding company na tutulong sa maliliit na negosyante na palakihin at palaguin ang kanilang negosyo.

Si Dave ang founder at CEO, samantalang si Ara naman ang co-founder ng kanilang bagong tayong kumpanya.

Kasosyo rin nila ang kapatid ni Dave na isang doktora.

A Force Ventures blessing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong taong nabinbin ang pagsisimula ng nasabing negosyo dahil naging abala sila sa kani-kanilang karera: si Ara sa negosyo niyang Hazelberry at mga projects bilang aktres, at si Dave ay sinubukang pasukin ang pulitika.

Dumagdag pa ang problema sa COVID-19 pandemic, kaya nitong March 2023 lamang nila pormal na pinasinayaan ang kanilang bonggang opisina sa Bonifacio Global City, Taguig City.

A Force Ventures ribbon cutting

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Dave, “Hinintay namin kasi kailangan kasi dito focus, e. So dahil na-busy kami, siya na-busy, especially during pandemic.”

Dagdag pa niya, “Hindi ganun kadali dahil yung umpisa namin, maraming challenges. Hanggang ngayon, maraming challenges. But we manage to really overcome yung mga challenges na yun.”

Layunin ng kanilang kumpanya ang makatulong sa mga nangangarap na magkaroon ng matagumpay na negosyo.

Hinahayaan lamang ni Ara na si Dave muna ang magpapaliwanag dahil masyadong teknikal aniya ang mga termino ng negosyo.

Kuwento ni Dave, "So nahati sa dalawa [ang trabaho] namin.

"Una, yung sa mga existing companies na established na that we do joint ventures, na they’re a foreign company, na they wish to actually do business in the Philippines, na naghahanap sila ng partner to actually grow with them and guide them at the same time.

“With the experience that we have, me, in the business, siya [Ara] sa media, lifestyle, entertainment, and beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My sister, si Doc Geraldine, so in charge of the health technology.

"So combining those with several other partners of A Force Ventures na mga seasoned entrepreneurs na, mga talagang may track record na, yun ang bitbit namin para sa kanila to guide them.

"Not only that, the other half is actually yung mga start-ups. Mainly Filipinos ang focus.

“But siyempre, minsan may mga opportunities abroad like sa Southeast Asia or sa America or Europe, we went. Kaya kami nagta-travel ni Ara. Like, we went in Hungary.

“Ang gusto namin, mabigyan ng opportunities to partner with Filipino entrepreneurs na makilala rin hindi lang sa Pilipinas, but also to become regional players in Southeast Asia or Asian region, and even potentially to become global players sa mga concepts or ideas na meron sila."

Sa simpleng salita, ayon kay Dave: “Naghahanap tayo ng mga konsepto ng mga potential businesses na puwedeng palakihin. So, either we invest, or we actually partner, or we provide our experience.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating din sa office blessing nila ang aktor na si Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes at A Force Ventures launching

Isa ang negosyo ng Kapuso Prime-time King sa initial local partner ng couple.

Ang kumpanya nitong DingDong PH ay may nakaplano nang gawing super app this year.

Paliwanag ni Dave, "Parang ganito, may Food Panda, may Grab, nagpapabili ka paisa-isa. Yung application na ito, puwede mo nang ipabili lahat, dadaanan na niya lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARA’S ROLE

Hindi na bago kay Ara ang pagninegosyo dahil ilang taon na siyang nakikipagsapalaran dito.

At isa nga sa pinakamatagumpay niyang negosyo ngayon ay ang Hazelberry Café.

Sa A Force Ventures, pangangasiwaan ni Ara ang usapin tungkol sa entertainment and lifestyle.

Lahad niya, “Well, sa akin ang role ko, ako naman sa side ng lifestyle and beauty. So we're always on the lookout and interested sa innovation ng lifestyle and beauty. Doon naman ako sa side na yun."

Bilang magkasosyo, lagi silang nagbibiyahe sa ibang bansa, na para sa kanila ay mixing business with pleasure.

Saad ni Ara, “Actually, lagi akong nakakasama sa mga dealings. So we were in Hungary, sinasabay lang yung mga honeymoon.

"So Hungary, nag-Hong Kong din kami dahil yung isang partner niya nandun din. And then nag-Korea din kami.”

Ikinagalak daw ni Ara na well-represented ang lahat ng aspeto ng kanilang kumpanya.

Aniya, “Actually, maganda nga yung combination kasi si Ate, yung elder sister ni Dave, sa ano naman siya, sa health kasi she’s a doctor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I’m in entertainment, lifestyle, beauty. Siya [Dave] naman sa mga mahihirap na transaction.”

Ano naman ang natutunan niya sa bagong business nila?

Lahad niya, “Well, nag-i-input siya ng mga hindi ko alam. Nag-i-input rin ako ng sa tingin ko ay nakakabuti rin for him, for the business. Kahit hindi ako masyadong skilled, but natututo ako, para na akong nag-aral.”

Paano naman ang pagkakaroon nila ng anak kung puro negosyo ang nasa isip nila?

Ara Mina and Dave Almarinez discuss about their new business

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa dalawa, kung darating ay darating naman daw ito.

Sabi ni Ara, “Darating na lang yun, kumbaga huwag na nating i-pressure, di ba? The more na i-pressure mo, hindi ano, e.

“Kasi ano kumbaga, sabi ni Baby, ‘Sige, i-launch niyo muna iyang business, establish niyo muna, saka ako lalabas.’”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ara Mina (right) and husband Dave Almarinez (left) join forces in their latest business, A Force Ventures, which aims to help small and medium entrepreneurs.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results