Nanalong Miss Japan pero walang dugong Japanese?
Ito ngayon ang mainit na usapin sa Japan at sa pageant industry matapos koronahan ang isang Caucasian bilang Miss Nippon (Japan) Grand Prix noong January 22, 2024.
Ang “Miss Japan” edition na ito ay beauty pageant sa naghahanap ng goodwill ambassadors ng nasabing bansa.
Ang nanalo ay ang Ukrainian-born na si Karolina Shiino, 26.
Paano siya nakasali at nanalo sa pageant?
Read: Two siblings, aged 2 and 4, left alone by parents in tree house in Lapu-Lapu City

Not Japanese enough? Karolina Shiina (center) wins Miss Nippon Grand Prix 2024. She was born in Ukraine, but she has lived in Japan since she was five years old.
Nagsimulang manirahan sa Japan si Karolina at ang kanyang Ukrainian parents noong siya ay limang taong gulang.
Simula noon, niyakap na ni Karolina ang Japanese culture. Naging naturalized citizen siya noong 2022.
Kaya ani Karolina, Japanese siya sa puso at isipan kahit na wala ito sa kanyang itsura.
Para raw isang panaginip ang pagkapanalo niya bilang Miss Nippon 2024.
Hindi niya napigilan ang maluha matapos manalo.
“I’ve faced a racial barrier. Even though I’m Japanese, there have been times when I was not accepted. I’m full of gratitude today that I have been accepted as Japanese.
“I hope to contribute to building a society that respects diversity and is not judgmental about how people look.”
Read: 17-year-old becomes youngest bar passer in California
NOT JAPANESE ENOUGH?
Kung nagbubunyi si Karolina, hati ang reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagkapanalo.
Sa social media, may mga nagkomentong mali na koronahan si Karolina na wala namang dugong Hapon kahit na lumaki siya sa Japan.
Katuwiran naman ng kanyang supporters, ayos lang sa kanila dahil isa naman siyang Japanese citizen.
Hindi ito ang unang beses na pinuna ang pagka-“Japanese” ng isang beauty queen.
Matatandaang na-bash si Ariana Miyamoto, na siyang nanalo na Miss Japan-Universe 2015. Nakapasok siya Top 15 at Top 10 ng Miss Universe 2015.
Si Ariana ay taga-Nagasaki. Ang kanyang ina ay Japanese, habang ang kanyang ama ay isang African-American.
Aniya, “I may look different, but I have unwavering confidence that I am Japanese."
Read: Fil-Am content creator mourns passing of Grandma, the star of his videos

WHAT DO NETIZENS SAY?
Sabi ng isang netizen, kahit na naturalized citizen si Carolina ay hindi maikakaila sa kanyang itsura na hindi siya Japanese.
Sarkastiko naman ang comment ng isang male netizen na sinabing dapat ay proud si Karolina sa kanyang pagkapanalo kahit na isa siyang "Ukrainian."


May nanindigang hindi qualified si Carolina.
Subalit kinontra siya ng isang netizen, at sinabing may Japan passport ang beauty queen at naturalized citizen kaya't qualified siya.
Dagdag ng isa pa, mukha namang nakapasa sa criteria ng pageant si Karolina.


