Natatandaan niyo pa ba ang kuwento ng magkaibigang Tom Sawyer at Huckleberry Finn na tumira sa isang tree house?
Parang ganito ang kuwento ng dalawang musmos na nakatira sa isang tree house sa Lapu-Lapu City.
Pero hindi tulad nina Tom at Huck, ang dalawang magkapatid—edad 2 at 4—ay hindi piniling tumira nang walang kasama.
Tila pinabayaan sila ng kanilang mga magulang.
Read: 17-year-old becomes youngest bar passer in California
Isang concerned citizen ang nagbigay-alam sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng local government unit ukol sa kalagayan ng magkapatid.
Sinaklolohan ang dalawang bata, at ang ipinost ang iba pang detalye sa CSWDO Facebook page noong January 29, 2024.
Inilahad sa caption kung bakit walang kumakalinga sa dalawang magkapatid, at kung gaano kapanganib para sa kanila na manirahan nang walang kasamang matanda sa tree house.
“Natutulog sila sa gilid ng palayok na may matutulis na patpat. Minsan ay natutulog sila sa silid-kainan ng kanilang kapitbahay na walang unan at kumot.”
May iba pang mga panganib, tulad ng mga delikadong hayop, at ang posibilidad na mahulog sila mula sa tree house.
Sa mga larawang ibinahagi, makikitang mataas ang kinalalagyan nito. Gawa sa kahoy, at may mga bahagi na walang harang.
May sharp objects din sa paligid, tulad ng yero at mga matutulis na kahoy, na maaaring ikapahamok ng mga bata.
Read: These netizens find look-alikes in old paintings; they all believe in reincarnation


(Top photo) Ang isang bahagi ng tree house na walang harang. (Bottom photo) Ang dalawang musmos na magkapatid na sinaklolohan ng LGU ng Lapu-Lapu city.
Nasaan nga ba ang mga magulang ng magkapatid?
Ang kanilang ina raw ay lumuwas sa Maynila, at nagtatrabaho roon bilang kasambahay.
Ang dapat sanang nag-aalaga at nagbabantay sa magkapatid ay ang kanilang ama, subalit madalas daw itong umaalis at inaabot nang matagal bago bumalik.
Iniiwan daw niya ang mga anak sa mga kapitbahay nang walang abiso.
Nabibigyan ng pagkain ang dalawang musmos subalit hindi ito sapat.
“Kasalukuyan naming inilalagay ang mga bata sa aming Home Care Center,” ayon sa CSWDO.
Katuwang ng CSWDO ang LGU officials ng Violence Against Women and their Children.
