Naglabas ang World Population Review ng listahan ng mga bansa na may “highest and shortest average height” sa buong mundo para sa year 2023.
Sa artikulong inilathala ng Jakarta news website na tempo.co last January 21, 2024, ang Indonesia ang nangunguna bilang bansa na may shortest average height sa buong mundo.
Read: Mas type nga ba ng mga babae ang matangkad na lalaki?
Samantala, ang Netherlands naman ang nasa top position bilang bansa na may highest average height.
Ang mga Caucasian people sa Europe, America, Australia, at New Zealand ay kilala na mas matatangkad kumpara sa ibang lahi sa daigdig.
Gayunpaman, walang mga bansa na magkakapareho ang average height.
Read: Babae nag-text sa phone ng namayapang ama, may nag-reply

Read: Hermes files case against bookstore using its brand name
Ang Netherlands, na originally ay mas mababa kumpara sa ibang European countries, ang siya ngayong nasa unahan ng listahan ng mga bansang may pinakamataas na average height tao.
Sa kabilang banda, kung ikukumpara sa mga taga-Europe, ang mga tao sa mga bansa sa Southeast Asia—kabilang ang Indonesia, Pilipinas, Vietnam, at Cambodia—ay karaniwang hindi matatangkad.
Read: Meet "average student" Janelle Fauni, Top 1 in midwifery exam
Mula sa talaan ng World Population Review, narito ang 10 countries na may highest average height (in millimeters and feet) sa buong mundo batay sa isinagawang survey noong 2023:
- Netherlands - 1.838 m o 6.03 feet
- Montenegro - 1.832 m o 6.01 feet
- Denmark - 1.826 m o 5.99 feet
- Norway - 1.824 m o 5.98 feet
- Serbia - 1.82 m o 5.97 feet
- Germany - 1.81 m o 5.93 feet
- Iceland - 1.81 m o 5.93 feet
- Croatia - 1.80 m or 5.90 feet
- Czech Republic - 1.80 m or 5.90 inches
- Slovenia - 1.80 m or 5.90 inches
Read: VIRAL: Mga taong may kahawig na obra sa museum; reincarnation o may scientific explanation?
Naririto naman ng 10 bansa na may shortest average height:
- Indonesia - 1.58 m o 5.18 feet
- Bolivia - 1.6 m o 5.24 feet
- Philippines - 1.6 m o 5.24 feet
- Vietnam - 1.621 m o 5.31.feet
- Cambodia - 1.625 m o 5.33 feet
- Nepal - 1.63 m o 5.34 feet
- Ecuador - 1.635 m o 5.36 feet
- Sri Lanka - 1.636 m o 5.36 feet
- Nigeria - 1.638 m o 5.37 feet
- Peru - 1.64 m o 5.38 feet
Read: Gen Z TikToker gets real about challenges of job hunting
Isa sa mga main factors na nakaka-impluwensiya sa height ng isang tao ay heredity o genetics.
Kapag ang parents ay parehong hindi matangkad, malamang na mamana ng kanilang magiging anak ang kanilang body characteristics, at malaki ang posibilidad na hindi rin ito maging matangkad.
Kahit naman may isang matangkad sa parents, kung malakas ang genes ng hindi matangkad, puwedeng dito magmana ang magiging anak.
Read: Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero
