Ang discarded vapes ay maaaring gawing lantern o power bank.
Ito ang naging project ni Mark Hopgood, 55, ng Sevenoaks, England: ang pag-repurpose ng mga itinapong disposable vapes na napupulot niya sa kalye.
Nagawa niya ang mga ito na rechargeable lanterns na ang ilaw ay tumatagal nang hanggang dalawang linggo.
Bukod dito, nai-convert din niya ang mga ito bilang portable power banks para sa kanyang electronic gadgets and musical instruments.
Read: Passenger smoking vape causes airplane alarm to go off

Isang software engineer at musician si Mark.
Naisip niya ang idea matapos makakita ng “bright light” sa gutter.
Nang damputin niya iyon, nalaman niyang disposable vape pala. Nagulungan na rin ito ng sasakyan.
Iniuwi niya sa bahay ang disposable vape, at naobserbahan niyang umilaw pa iyon nang hanggang limang araw.
Matapos i-disassemble, natuklasan niyang ang ilaw ay dahil sa lithium-ion rechargeable battery at sa brainwave.
Read: Kathryn Bernardo addresses viral vaping video
PROJECT OUT OF DISCARDED VAPES' BATTERIES
Ani Mark sa panayam ng Kent Live, isang local media sa kanilang area, “If you think about a Tesla, that uses the same type of battery that you get in big, chunky vapes.
"So, in theory, you could power a Tesla with it, but that level power could be dangerous because it would heat up.”
Naisip niya, magagamit niya ang lithium battery ng disposable vape.
Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor
Mula noon, namulot na siya ng mga itinapong disposable vape at sinimulan ang kanyang naisip na project.
Kinalas niya ang mga lithium battery mula sa disposable vapes at pinagsama-sama sa pamamagitan ng idinisenyo niyang battery management system.

Bumili siya ng battery case at power bank shell at doon inilagay ang mga naka-assemble na bateryang nakolekta mula sa mga disposable vapes.
Kinabitan din niya iyon ng electronic chip na awtomatikong isa-shutdown ang mga naka-assemble na batteries kapag sobrang mainit na ang temperature ng mga ito.
Gumastos lang siya ng 10 pounds o PHP 714.90 sa kanyang project.
Read: Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill
VAPE PROJECT IS WORKING!
Nang mabuo na ni Mark ang project, sinubukan niyang i-charge ang kanyang gadget gamit iyon—at gumana naman.
Ang maganda pa rito, puwede rin niyang i-charge iyon para paulit-ulit na magamit.
Ani Mark, “Apparently you can recharge them 400 times, although I suspect it's more than that.”

Ang kanyang na-assemble na power bank ay binubuo ng limang 3.7-volt batteries mula sa disposable vapes.
Nakakaya nitong i-power on ang Casio toy keyboard ni Mark via a USB cable, gayundin ang kanyang music machine na ginagamit niya para mag-produce ng backing track.
Kaya rin nitong i-charge ang kanyang iPhone 8.
Read: Couple travels to Switzerland, charged with PH8M phone bill
Para naman sa kanyang lantern project, bumili siya ng electronic components at ini-integrate niya roon ang LED lights na nakuha rin niya sa old disposable vapes.
Sa isang charge ng power bank na kanyang nabuo, tumatagal naman ng ilang linggo ang mga ilaw ng lantern.
“It's quite enchanting in a way, because you've got this dinky little light and you just think, this is something that came free.”
Read: Meet Leonardo Muylaert: The Brazilian Superman
NEXT PROJECT: e-BIKE USING BATTERIES OF OLD DISPOSABLE VAPES
Ang ultimate goal ngayon ni Mark ay mag-assemble na e-bike na pinapatakbo ng batteries mula sa old disposable vapes.
Kumpara sa mga nauna niyang project, mas complicated aniya ito.
"I measured how much power you would need and it's quite a lot of cells.
“It's definitely doable, but you would need something like 80 vapes to make it work.”
Kailangan aniya ang maingat na pagsukat kung gaano kalaki ang power na gagamitin sa e-bike para matiyak na hindi mag-o-overheat ang mga baterya mula sa old disposable vapes.
“If you try and get more power out of them too quickly, they will heat up.”
Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package
Paalala naman niya sa mga disposable vape users, maging responsable sa pagtatapon ng mga iyon.
Babala niya, ang powerful battery ng disposable vapes ay maaaring mag-explode pag nagulungan ng sasakyan.
Posible rin itong pagmulan ng sunog.
Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?
