PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo says Jennylyn Mercado is "maasikaso" at home

"Imbes na iniisip mo yung kumpitensiya, kailangan magtulungan kayo..."
by Julie E. Bonifacio
Published Jun 12, 2024
Dennis Trillo on Jennylyn Mercado looking after his needs at home
Dennis Trillo on wife Jennylyn Mercado: "Si Jen, siya pa talaga yung nag-aayos ng gamit ko papunta sa taping. Sinisigurado niya na kumpleto lahat. Wala akong maiiwan. So, gano’ng level ng pagsusuporta talaga." The couple is seen with their daughter Dylan Jade.
PHOTO/S: @dennistrillo / @mercadojenny / @donniemagbanua (family photo)

Parehong award-winning actors ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, at busy rin sila sa kani-kanilang respective careers.

Pareho rin silang competitive sa indibidwal nilang trabaho.

May pagkakataon bang nagkaroon ng kompetisyon sa kanila ni Jennylyn?

"Siguro nangyayari lang yun pagka...," nabiting pahayag ni Dennis.

Sandali siyang nag-isip saka nagsabing, "Paano ko kaya sasabihin ito? Kasi siyempre, pag mag-partner, nagtutulungan nga, e.

"Hindi mo dapat talaga iniisip yung kumpitensiya.

"Imbes na iniisip mo yung kumpitensiya, kailangan magtulungan kayo kung paano niyo i-improve ang mga sarili."

Ganoon daw ang dynamics nila ni Jennylyn.

Kuwento pa ni Dennis, "So kami, lalo na nung kinasal kami, wala kaming ginawa kundi suportahan lang yung isa’t isa sa mga gustong gawin, sa mga planong gawin, sa mga currently na ginagawa.

"So naging ugali na namin yun na talagang maging supportive sa isa’t isa."

Read: Drama King Dennis Trillo atop his mountain retreat

JENNYLYN MERCADO AS SUPPORTIVE WIFE

Bilang asawa at ina, likas na maasikaso raw si Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Jen, siya pa talaga yung nag-aayos ng gamit ko papunta sa taping. Sinisigurado niya na kumpleto lahat. Wala akong maiiwan.

"So, ganoong level ng pagsusuporta talaga," proud na sabi ni Dennis.

Kahit na may aspetong glamoroso ang buhay-artista, domesticated wife raw si Jen pagdating sa tahanan nila ni Dennis.

"Oo naman," diin ni Dennis. "Siya talaga ang gumagawa. Wala na akong ginagawa. Itse-tsek ko na lang, 'Okay naman.'

"Pero siya talaga ang may gusto nun, alam mo yun.

"Siyempre gamit mo, ikaw dapat ang nag-aayos. Gusto niya siya, e. Kaya hinahayaan ko na lang siya."

Read: Jennylyn Mercado on second child birth versus when she had Alex Jazz: "Ngayon, meron akong katuwang."

DENNIS TRILLO, A HANDS-ON DAD

Inamin ni Dennis na hands-on dad siya sa first baby nila ni Jennylyn.

Dalawang taong gulang na ang anak nilang si Dylan Jade.

Na-enjoy daw ni Dennis ang pag-aalaga sa anak.

Ang kuwento ni Dennis, "Yung pagiging hands-on na dad naman, malaki din yung epekto noon sa mga work habits ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, bilang hands-on, nandun yung responsibility mo. Kumbaga, lahat ng mga good traits mo as hands-on dad, nadadala mo rin dun sa trabaho.

"At the same time, masarap yung feeling na ginagawa mo dun sa pagiging tatay, nagre-reflect din yun sa trabaho na ginagawa natin."

Nagbibigay talaga siya ng oras at panahon para sa anak nila ni Jennylyn.

Kamakailan lang daw sila kumuha ni Jennylyn ng yaya para kay Dylan.

"Pero noon talaga, sobrang hands-on," diin ni Dennis.

"Pero ngayon, siyempre, may trabaho na, sa kanila naiiwan.

"But as much as possible, gusto namin ma-cherish lahat ng moments na yun. At nandun kami palagi pa sa kanila," dagdag ni Dennis.

Dylan Jade Trillo
Photo/s: Nice Print Photo
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa Kasalang Bayan ni Bacoor City Mayor Strike Revilla, na ginanap sa Strike Gym sa Bacoor Government Center (BGC), Molino Boulevard sa Cavite City.

Naimbitahan si Dennis ni Mayor Strike na magdagdag-saya sa mga bagong kasal sa Bacoor City, Cavite.

Read: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo: No drama, just love

DENNIS TRILLO'S SHOWBIZ CAREER

Kinumusta rin ng PEP si Dennis pagdating sa kanyang karera.

Bilang aktor, di maitatangging nakagawa na ng sarili niyang marka sa industriya si Dennis.

Paano mo ba gusto maalala bilang aktor?

"Siguro, gusto ko maalala nila ako bilang isang respetadong aktor," saad ni Dennis.

Paliwanag niya, "Dahil buong karir ko, yun talaga yung binibigay ko.

"Ma-earn ko yung respect ng mga tao sa pagtrato ko sa kanila, sa trabaho na binibigay ko sa kanila.

"Basta sa lahat ng aspeto ng bagay siyempre. Gusto ko lang yun.

"Balang araw, maaalala lang nila na nirerespeto ang isang Dennis Trillo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang legacy na gusto niyang iwan sa publiko?

"Wala naman. Wala naman," napangiting sabi ni Dennis.

"Gusto ko matandaan lang nila na nagawa ko nang maayos ang mga trabaho ko.

"As a person naman, ano ba?"

Saglit na nag-isip si Dennis.

"Well, katulad ng ginagawa ko palagi—na maalaala ako ng mga taong natulungan ko. Gusto ko iyon,” tugon niya.

May pace ba siya sa takbo ng kanyang showbiz career?

"Well, meron po. Kasi siyempre, minamabuti ko na gawing iba-iba yung ginagawa ko.

"Gusto ko lang na nag-e-effort ako na mas improved at mas maging iba siya sa previous ko na mga ginawa."

Siya ba ang namimili ng gagawin niyang proyekto o hinahayaan niya ang TV network at manager na magdesisyon?

"Tungkol naman dun sa career, siyempre, sa mga buhay natin, ayaw natin ng monotonous, di ba?

"Ganon din sa ating careers bilang artista. Gusto natin laging iba.

"Laging kang mahihirapan. Laging kang matsa-challenge. Laging magigising yung dugo mo para ma-ignite yung passion mo talaga palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And sa tingin ko, napaka-importante yun na mag-seek out ng mga kakaiba, mas mahihirap ng proyekto na talagang mas magpapalabas pa nung best," paliwanag ni Dennis.

Inamin ni Dennis na may mga pagkakataong tinatanggihan niya ang offer.

"Meron naman pong choice. Siyempre po, bago matuloy yung mga projects na yun, meron mga drafts na pinapabasa muna.

"So siyempre, kailangan niyo muna mag-agree dun kung gusto ba talaga, kung maganda ba, kung bagay ba, kung akma ba dun sa estado nung career niyo ngayon."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on wife Jennylyn Mercado: "Si Jen, siya pa talaga yung nag-aayos ng gamit ko papunta sa taping. Sinisigurado niya na kumpleto lahat. Wala akong maiiwan. So, gano’ng level ng pagsusuporta talaga." The couple is seen with their daughter Dylan Jade.
PHOTO/S: @dennistrillo / @mercadojenny / @donniemagbanua (family photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results