Tuwing kaarawan ni Luis "Chavit" Singson, nagpapamigay siya ng pera.
At ngayong taon, sa kanyang business venture na E-Gracia app—isang online E-wallet na maihahambing sa GoTyme, GCash, at Maya—gaganapin ang birthday raffle.
“Last year, nagpa-raffle ako ng three million five. This year, seven million...
"Pero ang premyo, six hundred [na tao], na tig-te-ten thousand.
"Pero ang last, yung one million, ang mananalo, isa lang, so seven million lahat,” ang umpisang kuwento ni Chavit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa selebrasyon ng kaarawan niya sa June 21, 2024.
Read: Chavit Singson recalls spending US$12 million for Miss Universe 2016
CHAVIT SINGSON'S BIRTHDAY RAFFLE: MECHANICS
Walang kailangang gawin ang kahit na sino kundi mag-download ng E-Gracia app sa iOS App Store, Google Play, at sa Facebook page mismo ni Chavit na Luis Chavit Singson, kung saan matatagpuan rdin ang kumpletong mechanics.
International ang sakop ng E-Gracia, kaya kahit nasa ibang bansa ay maaari itong gamitin.
Lahad ng veteran politician ng Ilocos, “Dahil ang company ko, meron akong local bank, meron ding digital bank na national. Meron akong bangko kasi sa U.S., yung Vigan Banco International.
“So dito sa Pilipinas, VBank National dahil Hapon ang gumawa.”
Bakit taun-taon siyang namimigay ng pera sa kaarawan niya?
“Para masaya lang, happy life. Maliban na lang kung malugi na ako,” at tumawa si Chavit.
“Basta habang may kinikita ako, doble-doble.”
Sa 2017 article na nilathala ng website ng Entrepreneur.ph, isiniwalat ni Chavit na ang "net revenues" niya ay 120 million pesos every month.
Read: How rich is Chavit Singson? "My net revenues amount to about PHP120 million a month."

CHAVIT SINGSON'S BIRTHDAY WISH
At dahil kaarawan niya sa June 21, ano ang birthday wish ni Chavit?
“Mamaya,” ang una niyang sagot, mag-iisip muna raw siya.
Follow-up na tanong namin, may nais pa ba siyang makamit sa buhay?
“Ah, wala naman, wala na."
Good health, ang suhestiyon namin.
“Good health,” pag-sang-ayon niya.
Aniya pa, habang nakatawa, “Sana makapag-asawa na, hanggang ngayon binata, e."
Ano ba ang hinahanap niya sa isang babae?
“Yung mabait, not necessarily maganda basta mabait.”
May crush ba siyang artista, yung nagagandahan siya?
“Ahhh, marami tayong magaganda pero…”
Sino ang naiisip niya agad-agad?
“Hindi ako pang-artista, e,” pakli niya.
Read: Chavit Singson nag-react sa Miss Universe age requirement, pagkaka-link sa beauty queens
Nakapanayam ng PEP at iba pang miyembro ng media si Chavit noong Huwebes, June 13, sa tahanan nito sa isang eksklusibong village sa Ortigas.
Ang birthday presscon ay nagsilbi na ring soft launch ng E-Gracia app, na maaaring ipambayad sa mga bills tulad ng Meralco, Manila Water, Manulife, Cignal, Sky, Globe, Smart, pati na rin sa credit card bills ng halos lahat ng bangko.
