Bukod kay Carlos Yulo, ipinagbunyi rin ng mga Pilipino ang pagkapanalo ng katunggali ni Carlos na may dugong Pilipino, ang Filipino-British gymnast na si Jake Jarman.
Si Jake, 22, ng Great Britain ang nakakuha ng bronze medal sa men’s floor exercise event sa Artistic Gymnastics sa 2024 Paris Olympics.
Sa kategoryang ito, si Carlos ang gold medalist, at si Artem Dolgopyat ng Israel ang silver medalist.
Mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino kay Jake na proud sa kanyang dugong Pinoy.

Read: Gearless Olympian shooter becomes overnight Internet sensation. Here’s why.
TEACHER IN CEBU REMEMBERS YOUNG JAKE
Kasunod ng kanyang tagumpay, tumanggap si Jake ng mainit na pagbati mula sa kanyang former preschool teacher sa Cebu.
Sa Facebook account ng dating preschool ni Jake sa Lahug, Cebu, ipinost ang message ng dati niyang teacher na si Anne Gallo-Sim, 42.
Inalala ni Teacher Anne ang personalidad ni Jake bilang estudyante noon. Aktibo raw ito sa kabila ng pagiging maliit.
Ayon sa mensahe, “Dear Jake, Remember those days in Sage & Cambridge (Lahug) Cebu preschool?
“Back then, you were always full of energy packed in a petite frame. But your mind and heart were b-i-i-i-g beyond measure.
“I am so proud of you! Keep up your hard work and achievements!
“Love, Ms. Anne Gallo-Sim your former Preschool Teacher”
Kalakip nito ang throwback photos ng guro at ng batang si Jake.
Sa ulat ng Cebu Daily News, nagkuwento ang gurong si Anne nung mga panahong estudyante niya si Jake sa Sage Prep Schoolhouse sa Lahug, Cebu, taong 2006.
Saglit lamang daw nag-aral ni Jake dahil bumalik na rin ang kanyang pamilya sa England.
Currently ay nagtuturo si Anne sa sister preschool center ng Sage Prep Schoolhouse.
Paglalarawan ni Teacher Anne, mahilig daw makipaglaro noon si Jake sa mga kaklase nito.
“He was full of energy and seemed to never get tired of being busy and physically active.”
Inalala rin ng guro ang hindi niya malilimutang karanasan sa batang si Jake. Minsan daw ay inuupuan niya sa pagtuturo ang bata.
Mabilis daw kasi itong natuto kapag focused at interesado ito sa pinag-aaralan.
Pagbabalik-tanaw ni Anne sa dating estudyante: “Jake was such a lovable student in my class, always curious, smiling and having a happy disposition.”

JAKE IS PROUD OF HIS FILIPINO ROOTS
Isang dahilan para ipagdiwang ng mga Pilipino ang pagkapanalo ni Jake sa Olympics ay dahil sa pagiging proud niya bilang isang Pilipino.
Nang manalo si Jake sa Olympics, sinagot niya sa Instagram ang tanong ng netizens tungkol sa kanyang lahi.
Kinumpirma niyang may dugong Pilipino na nananalaytay sa kanya.
Ang nanay ni Jake, si Ana Jarman, ay taga-Cebu.
Isinilang siya sa Peterborough, England, noong December 3, 2001, pero nanirahan siya sa Cebu for two years, noong siya ay three to five years old.
Bago siya nakakuha ng medalya sa 2024 Paris Olympics 2024, nagkaroon ng apat na gintong medalya si Jake sa Commonwealth Games sa Birmingham, England, sa mga sumusunod na kategorya: the men’s team all-around, individual all-around, floor exercise, and vault.
Read: British gymnast Jake Jarman is proud of his Pinoy roots
