Ipinaliwanag ng sports occupational therapist na si Hazel Calawod kung paano siya nakatulong sa pagko-coach kay Carlos “Caloy” Yulo.
Si Caloy ay ipinagbubunyi ngayon ng mga Pilipino dahil sa dalawang gintong medalyang nasungkit sa Paris Olympics 2024.
Ang gold medals ng gymnast ay mula sa kategoryang men’s floor exercise at men’s vault.
Dahil sa kanyang tagumpay, naging interesado ang mga tao sa team ni Caloy na nakatulong para sa kanyang Olympic success.
Isa na rito Hazel.
Pero ano nga ba ang ginagawa ng isang sports occupational therapist?
Read: Inside Carlos Yulo's PHP32-million condo unit
HOW HAZEL CALAWOD HELPED CALOY
Paliwanag ng coach sa interview ng Unang Hirit nitong August 16, 2024, “Pag OT [occupational therapist] po in sports, ang gagawin namin would be to assess kung ano yung physical mental functions…
“Spiritual functions, lifestyle, belief system and anything that comes into play na puwedeng makaapekto doon sa goal niya."
In short, overall o holistic ang assistance ng isang sports occupational therapist sa atleta.

Read: Carlos Yulo gifted with third house and lot worth PHP6 million
Ang hinahangaan daw ni Hazel kay Caloy ay ang “sobrang dedication” nito sa ginagawa.
“Sobrang mabilis po siyang mag-absorb ng lessons," ani Hazel.
“The moment na sabihin mo sa kanya, magko-concentrate siya, ‘tapos ita-try niya yung best niya na gawin agad.”
Nang magtungo ang team ni Caloy sa South Korea para sa one-month training noong February 2024, araw-araw raw silang magkakasama noon.
Naging vocal din daw noon si Caloy sa pagsasabing kailangan pa niya ng mental work, at ito raw ang isa sa tinutukan ni Hazel
Aniya, “So I started doing workshops about mental toughness sa kanya, discussing the sports, psychological skills from a scientific perspective, para malaman niya, ‘Olympian ka na, pero what will make you better na ma-outperform mo yung mga opponents mo?’"
Ayon pa kay Hazel, nag-focus sila noon sa pagpapatindi sa “attention, concentration, grit” ng gymnast.
“And then we would process how he feels about himself. And then when he’s self-reflecting na, dun na nag-e-expand yung mind niya.”

Isang taon nang coach ni Caloy si Hazel.
Inusisa rin si Hazel kung ano ang madalas niyang sabihin kay Caloy nang magtungo sila sa Paris Olympics.
Sagot ni Hazel, “Ang lagi ko pong nire-remind sa kanya, especially during the early times ng training namin…
“Kasi don talaga medyo kabado, kasi hindi pa niya alam kung paano papunta ng Olympics.
“Sinasabi ko sa kanya kahit nasa field of play kami, would be, ‘Nagawa mo na ito, i-replicate mo na lang.
"It doesn’t matter kung competition or training. Kung nagawa mo na, kaya mo nang ulitin.”
Ano naman ang pakiramdam niya na nakadalawang gintong medalya si Carlos?
“Sobrang fulfilled po kasi ang dami po naming pinag-aralan at ang dami naming sakripisyo,” sagot ni Hazel.
“So, nung nangyari iyon parang, wow, kung ano yung ini-magine namin, nangyari nga talaga.”

