PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline

From young gymnast to Olympic gold medalist...
by Mark Angelo Ching
Published Aug 8, 2024
Carlo Yulo and also photos of his girlfriend Chloe San Jose and mom Angelica Yulo
Netizens say the scene stealers in Carlo Yulo's double gold victory at the Paris Olympics 2024 are his mom Angelica Yulo and girlfriend Chloe San Jose.
PHOTO/S: Screen Grab from Smart Sports on YouTube, @chloeanjeleig on Instagram, Jocelyn Dimaculangan

Marami ang nagdiwang nang makamit ni Carlos Yulo ang una niyang Olympic gold medal noong Sabado ng gabi, August 3, 2024, sa Paris Olympics.

Ngunit kasabay nito ang pagputok ng isyu ng hidwaan sa gitna ng atleta at ng kanyang inang si Angelica Yulo.

Read: Carlos Yulo, may hidwaan sa kanyang sariling ina?

Napansin kasi ng mga netizens na tila hindi nagpapakita ng suporta ang ina ng Olympian sa kanyang anak.

Sa Facebook page nito, halimbawa, ay wala siyang pagbati sa anak.

At isa sa previous posts niya ay tungkol sa katunggali ni Caloy sa sports event.

“Japan pa din talaga…lakas,” komento ni Angelica matapos manalo ang East Asian country ng gold sa individual all-around finals sa men’s artistic gymnastics competition noong August 1.

Nasa 12th place ang kanyang anak sa kompetisyong ito.

Bukod pa riyan ang mga posts ni Angelica ng family photo na wala si Carlos.

Sa comments section nito ay may nagsabi na may kulang. Sagot naman ng ina, “As far as I know, we’re complete.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano nga ba ang naging mitsa ng paglayo ng damdamin ni Angelica sa kanyang sikat na anak? May kaugnayan ba ang relasyon ni Carlos with his girlfriend? May katotohanan ba ang sabi-sabing pera ang dahilan ng away?

Narito ang timeline ng career ni Carlos bilang gymnast, kasama na rin ang ilang highlights sa buhay niya.

Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

2008 TO 2013: CARLOS YULO AS A YOUNG GYMNAST

Lumaki si Carlos sa Malate, Manila.

Ipinanganak siya noong February 16, 2000. Travel agent ang ama niyang si Mark Andrew, at housewife naman ang kanyang ina.

Pangalawa siya sa apat na magkakapatid.

Bata pa lamang ay nakakitaan na si Carlos ng talento sa gymnastics.

Noong siya ay pitong taong gulang, nakita siya ng kanyang lolo na si Rodrigo Frisco na nagta-tumbling sa isang playground. Dinala siya sa Gymnastics Association of the Philippines para mag-training.

Taong 2008 noong una siyang sumali sa mga gymnastics competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2009, kasali siya sa elementary team na nanalo ng gold medal sa Palarong Pambansa sa Tacloban, Leyte.

Sa parehong patimpalak din ay nanalo siya ng silver sa floor exercise competition.

Dahil maganda ang resulta ng una niyang pagsali sa Palarong Pambansa ay sumali muli siya sa mga sumunod na taon, mula 2009 hanggang 2012, at nanalo ng mga gold medals.

Taong 2013 ang huling Palarong Pambansa na sinalihan ni Carlos. Dito ay naka-gold siya sa team event, individual all-around, at team exercise.

Sa taong ito niya rin unang nakilala ang kanyang magiging long-time coach na si Munehiro Kugiyima, noong pumunta ito sa Pilipinas para tumulong na sanayin ang Philippine national team.

2014 TO 2015: CARLOS YULO BEGAN COMPETING ABROAD

Noong 2014, nag-compete si Carlos sa ASEAN School Games, na ginanap sa Marikina. Nanalo siya ng gold medal sa floor exercise at parallel bars.

Ito rin ang taon ng una niyang international competition, ang Pacific Rim Gymnastics Championships sa British Columbia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi man siya naka-podium finish, naging makabuluhan ang karanasan niya rito dahil nakilala niya muli si Coach Kugiyima.

Noong sumunod na taon, sumali siya sa International Junior Competition sa Japan, kung saan nanalo siya ng bronze medal sa vault.

2016 TO 2019: TRAINING WITH COACH KUGIYIMA

Noong 2016 siya nagsimulang makipag-training with Coach Kugiyima.

Sa tulong ng MVP Sports Foundation, nakalipad siya sa Japan.

Sa taong ito rin nanalo si Carlos ng limang medal sa 2016 Pacific Rim Championships: gold sa floor exercise at vault, silver sa still rings at parallel bars, at bronze sa individual all-around.

Sa tulong ni Coach Kugiyima, tuluy-tuloy ang paghakot ni Carlos ng mga medals sa iba’t-ibang international competition.

Noong 2018, una siyang sumalang sa World Championships, kung saan nanalo siya ng bronze sa floor exercise.

Siya ang unang Southeast Asian gymnast na nagka-medal sa nasababing international competition.

Sa 2019 World Championships naman ay naka-gold siya sa floor exercise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang unang Pinoy at unang Southeast Asian na naging world champion sa larangan ng artistic gymnastics.

2020: CARLOS YULO MEETS CHLOE SAN JOSE

Noong 2020 ay 20 years old na si Carlos, at 12 years nang walang tigil sa pagte-training sa gymnastics.

Nagsimula rin ang COVID-19 pandemic, kaya’t natigil ang mga competition na pinaghahandaan ng atleta.

Dito niya nakilala si Chloe Anjeleigh San Jose, isang content creator na based sa Australia.

Read: Meet Chloe Anjeleigh San Jose, Carlos Yulo's girlfrien

Noong April 2020 ay nag-direct message si Chloe kay Carlos via Twitter.

"Hi I'm a fan po. Just came across your account and hindi na po kayo as active like before. I hope you're doing well po. Stay safe. God bless," ang simpleng message ng digital influencer.

Sinagot ni Carlos ang DM, at dito na nagsimula ang kanilang malalim na pag-uusap.

Six months later ay nagbigay sila ng clue sa publiko tungkol sa kanilang relasyon nang mag-upload si Chloe ng duet o splitscreen video sa Tiktok dancing with Carlos. Tinawag niya itong “mahal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2021 TO 2022: CARLOS YULO GETTING STEADY CHLOE SAN JOSE

Dahil nag-aaral si Chloe sa Australia at nagte-training pa rin si Carlos sa Japan ay long distance ang relasyon nilang dalawa.

Noong May 2022 sila finally nagkita. Lumipad si Chloe papuntang Vietnam, ang host ng Southeast Asian Games.

At that time, nakakuha si Carlos ng pitong medals .

Noong October to November 2022, lumaban muli si Carlos sa World Championships sa England, kung saan nanalo siya ng silver sa vault at bronze sa parallel bars.

2023: LEAVING COACH FOR CHLOE SAN JOSE

Marami ang nagulat noong September 2023 dahil sa desisyon ni Carlos na iwanan ang kanyang long-time Japanese coach.

Ayon sa mga ulat, hindi raw nagustuhan ni Coach Kugiyima na nagkaroon ng kasintahan ang male gymnast dahil nahati ang focus nito.

Sa pag-alis ni Carlos sa poder ng kanyang coach, mas nagkaroon ng pagkakataong magkasama sila ni Chloe.

Ngunit matapos ng coach split ay lumaban si Carlos sa 2023 World Artistic Championships sa Belgium noong October.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil walang nakuhang medal, lalong nasisi ang desisyon niya na pumasok sa relasyon.

2024: FAMILY PROBLEMS SURFACE

At ngayon ngang taon, nalaman ng publiko na may hinaharap na family problems ang bemadeled gymnast.

Sa una ay alingasngas pa lang ang sinasabing mga dahilan ng hindi pagkakaunawaan.

Una, may kinuha raw na pera ang ina ni Carlos.

Pangalawa, hindi raw sang-ayon ang ina ni Carlos sa pakikipagrelasyon ng anak.

CARLOS YULO'S MOM ANGELICA YULO ON CHLOE SAN JOSE

Nakumpirma lamang ang mga dahilang ito nang nagpaunlak ng panayam si Angelica sa Bombo Radyo noong August 4.

Dito ay inamin niyang may kinuha siyang salapi nang hindi alam ni Carlos.

Nagkakahalaga raw itong 70,000 pesos na cash incentive mula sa World Championships noong 2021 sa Japan.

Pahayag ni Angelica, sa kanya raw binigay ng isang “Ma’am Weng” ang nasabing halaga dahil “red flag” umano si Chloe, na siyang kasa-kasama na lagi ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ekis din, red flag din sa kanila yung girl. So sa akin binigay. Nararamdaman ko na bilang ina na baka maubos yung anak ko in the future,” sabi niya.

Dagdag pa ni Angelica, si Chloe raw talaga ang pinagsimulan ng pagtatampo niya sa anak.

“Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga.”

Hindi raw niya nagustuhan na pinili ni Carlos na mas makasama ang kasintahan lalo pa't nagte-training ito.

Dagdag pa ni Angelica, “Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy.

"Pero siyempre, kasi pamilya kami. Kumbaga, parang matagal din namin siyang hindi nakasama. Because of pandemic, di ba?

"So siyempre, kung siya gusto rin siyang makasama nung girl, how much more kami na pamilya niya na gusto rin siyang makasama?

"Even yung mga kapatid niya kasi talagang medyo nalulungkot lang kasi sobrang close silang magkakapatid."

Read: Chloe San Jose reacts to interview of Carlos Yulo's mother

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARLOS YULO AIRS HIS SIDE

Noong August 6, sinagot ni Carlos ang mga pahayag ng ina sa huli nitong panayam.

Sa video na in-upload sa Tiktok, nilinaw ni Carlos na ang perang kinuha umano ng kanyang ina ay hindi galing sa 2021 World Championships kundi incentives mula sa 2022 World Championships.

At hindi lang daw 70,000 pesos iyon.

“Alam ko six digits po yun dahil dalawa po yung nakuha kong medalya,” sabi ni Carlos.

Dagdag pa niya, umuwi raw siya noong December 2022 sa Pilipinas para makipagkita sa kaniyang pamilya.

Ngunit hindi sinabi ni Angelica sa kanya na nasa kanya na ang perang napanalunan.

“Hindi ko pa po malalaman na na-receive niya na po yung incentives ko kung hindi ko pa po hinanap.”

Hindi na raw niya nakuha ang nasabing pera, at hindi na raw niya hinihingi.

“Binigay ko na at wala na po yun sa akin.”

Pero nais pa rin daw niyang malaman kung saan napunta ang malaking halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Yung principle po kasi dito, wala po sa laki o liit ng amount po ng incentives po na ginalaw niya, kundi po sa pagtago at paggalaw niya na wala ko pong consent.”

Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother

Sinagot niya rin ang sinabi ng kanyang ina na “red flag” umano ang kanyang girlfriend dahil baka “maubos” nito si Carlos.

“Unang-una po, si Chloe po, may sarili po siyang income,” sabi ni Carlos.

“Lahat po ng nakikita niyang gamit, o pag-travel na sa kung saan-saan po, galing po yung sa pinagpaguran niya po.”

Hindi rin daw mauubos ni Chloe ang ipon ni Carlos noong 2022 dahil wala sa kanya ang kanyang mga bank account. Minsan pa nga raw ay ang kasintahan ang gumagastos para sa kanya.

“Lahat po ng bank account ko, nasa Mama ko po at may mga instances pa po talaga na si Chloe ang sumasalo sa akin that time po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bukod sa incentives po, nasa kanya din kasi yung bank account ko sa monthly allowances sa pagdyi-gymnastics ko.

“Ang nung nakuha ko na yung bank account ko po na yun, dun ko po nalaman na inuubos niya po yung laman nun.

“Nasa akin po yung mga bank statement ng withdrawal po na ginagawa niya.”

Sumang-ayon naman siya na si Chloe ang naging dahilan ng di pagkakasundo nilang mag-ina.

“Opo, totoo po yun. Dahil ever since, unang-una pa lang, ayaw na niya kay Chloe kahit di pa po niya nakikita or nakikilala in person.

"And mas nagkalabuan po kami nung naglagay po ako ng boundaries sa relationship kasi pinaglaban ko po si Chloe dahil gusto ko po siya e,” kuwento ni Carlos.

Pinabulaanan din ni Carlos ang isyu na hindi raw sang-ayon ang kanyang dating coach kay Chloe. Sa katunayan daw ay ang coach pa ang nag-i-invite sa kasintahan niya.

“Nung SEA Games pa lang po sa Vietnam, sinabihan kami na invite mo na lang si Chloe sa Japan and dun kayon mag-hang out,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din niya ang sinabi ng ina na na inilalayo raw siya ng babae sa kanyang pamilya.

Kinuwento ni Carlos na may pagkakataon pang nakipag-bonding si Chloe sa kanyang pamilya sa isang trip sa Baguio.

Nakipagkita na rin daw ang mga magulang ni Chloe sa mga magulang ni Carlos.

Nagkaroon pa nga raw ng group chat para subukang ayusin ang gusot ngunit nag-leave dito si Angelica.

Gayunpaman, nag-thank you si Carlos sa pag-congratulate ng ina sa kanya, kahit hindi pa sila totally okay.

“Kung genuine po talaga kayo, Ma, maraming-maraming salamat po. Ina-acknowledge ko po yung pagko-congratulate niyo sa akin. Pero nagpa-flashback pa rin po talaga yung masasakit niyong sinabi sa akin. At yung hindi niyo pag-wish well sa akin, tumatatak po sa akin talaga,” sabi niya.

Sa huli, may magandang mensahe si Carlos sa kanyang nanay.

“Ang message ko po sa inyo, Ma, na mag-heal kayo, mag-move on, at napatawad ko na kayo long time ago po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinagpe-pray ko na maging safe kayo palagi at nasa maayos kayong kalagay diyan lahat.

“Tigilan na natin ito at i-celebrate na lang po natin yung mga ginawa na paghihirap, pagsasakripisyo ng mga atletang Pilipino dito sa Olympics.”

ANGELICA YULO APOLOGIZES TO SON CARLOS

Sa presscon na ginanap noong August 7, madamdaming binasa ni Angelica ang kanyang pahayag.

Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son

Ang pinabuod nito ay ang paghingi niya ng tawad.

Aniya: “Patawad, anak.

“Naiintindihan ko na maaaring tingnan ng iba na kaya lamang ako nagsasalita ngayon ay dahil sa iyong tagumpay at kasaganaan. Ako ay nagsasalita para ilagay na sa katahimikan ang issue.

"Bukas ang pintuan para pag usapan ng personal na walang galit. Hindi man humantong sa pagkabuo ng pamilya naway, maipanatili natin ang respeto sa isat isa at sa dignidad ng pamilya."

Tungkol kay Chloe, sabi ni Angelica, "Ayokong sabihin kung ano yung gusto nilang gawin... Matatanda na sila. Alam nila ang dapat nilang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko puwedeng sabihin dahil siyempre, kapag sinabi ko, siyempre gagawin nila for sure.

"Gusto ko manggaling sa kanila mismo yung initiative kung pa-paano mai-ease yung pain at kung paano sila lalapit. Gusto ko sa kanila mismo manggaling."

At kapag naghilom na raw ang sugat sa kani-kanilang puso, hindi naman daw isinasara ni Angelica ang pintuan para kay Chloe.

Tungkol sa mga usaping pera, hindi na nagdetalye si Angelica.

Aniya, noong minor si Carlos, siya ang nagma-manage ng mga finances ng anak.

Pero ngayong "nasa tamang age" na ang gold medalist, sabi ng ina, “Sa bagay na iyan, wala akong masasabi kasi panalo niya iyan so kanya iyan."

Inamin din niyang naka-block si Carlos sa Facebook messenger, "In-unfriend ko siya for my peace of mind. Ayoko ko muna kasi siyang makita during that time na hindi namin pagkakaunawaan."

Pero nang tanungin kung i-a-unblock na niya si Carlos, sagot ng ina, ang matipid na sagot niya, "We'll see."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens say the scene stealers in Carlo Yulo's double gold victory at the Paris Olympics 2024 are his mom Angelica Yulo and girlfriend Chloe San Jose.
PHOTO/S: Screen Grab from Smart Sports on YouTube, @chloeanjeleig on Instagram, Jocelyn Dimaculangan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results