Naka-survive ng pandemya ang Chicks Ni Otit, ang five-star carinderia na pag-aari ni Wilma Doesnt.
Nagbukas ito noong September 1, 2019, ngunit makalipas ang anim na buwan, noong March 2020 ay huminto ang ikot ng mundo dahil sa COVID-19.

“Nag-lockdown, yes,” pagbabalik-tanaw ni Wilma sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.
At ang una raw niyang naisip noong nag-lockdown: “Ano ang gagawin ko sa lahat ng stocks? Ang dami kong stocks.”
Read:
Zeus Collins turns PHP50K savings into food business with 43 branches
23 Female Celebrities, Social Media Personalities with Beauty Businesses
Matatandaang ipinasara ang lahat ng negosyo at mga pampublikong lugar dahil sa lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na coronavirus.
“Oo. Ano yun, e, March 15 pinasara. March 17, meron kaming 60th birthday. So, nakapamili ka ng mga baka mo, lahat, pang-ano mo… yung dinown sa iyo.
“Of course, cancelled! So, kahit kami cancel din. Pero yung si Ate, mabait siya, kasi alam niya na ready na kami,” pagtukoy ni Wilma sa kliyente niya na may birthday party sana sa Chicks Ni Otit.
Pagpapatuloy pa ni Wilma, “Yung binayad niya sa amin, yung downpayment niya is pinambili na namin ng mga gamit.”
Hindi na raw binawi ng naturang custuomer ang downpayment nito kay Wilma.
“So plan B kami. Good thing dahil food business kami, meron kaming opportunity na puwede kami sa labas, puwede kaming mag-deliver kasi food nga kami.
“So ang ginawa ko nung first week ng lockdown, yung mga pagkain namin, kesa matira, ang ginawa namin, pinack namin siya, pinamigay namin sa lahat ng mga nagbabantay na mga pulis, mga barangay.”
Sa kasagsagan ng lockdown ay may mga itinayong checkpoint upang masiguro ang pagsunod sa health and safety protocols ng publiko.
Hindi ibinenta nina Wilma ang mga niluto nilang pagkain mula sa downpayment ng sana’y magbi-birthday sa five-star carinderia niya.
“Hindi namin binenta, pinamigay namin siya.
“Kesa mapanis, yes, pinamigay namin sa mga frontliners.”
Tulad ng mga doctor at nurses during the pandemic, frontliners ang tawag sa mga pulis at militar na nakadestino sa mga checkpoints.
Read:
Wilma Doesnt marries partner Gerick Parin after 15 years
More dreamy details from Wilma Doesnt and Gerick Livelo Parin's wedding
CHICKS NI OTIT: family BUSINESS, FAMILY effort
Hindi raw muna naisip ni Wilma na ibenta ang mga pagkain. Pero sa kalaunan, inisip na niya ang kanilang survival bilang isang pamilya.
Kuwento ni Wilma, "So after a while, ‘Hindi, kailangan natin [magbenta], we have to survive.’
“I have four children. I have to survive.
"So, ginawa namin, okay, namili kami ulit, yung natitira naming money, nagbukas kami ulit, nag-open kami.
"And then ito na, wala na kaming empleyado, kami na lang pamilya.”
Buwan na raw ng Mayo, taong 2020 iyon.
Pagpapatuloy pa ni Wilma, “We have to survive. So, nag-open kami, then we decided na, ‘Huwag na tayong mag-empleyado, kaya na nating pamilya ito.’”
Ikinasal si Wilma sa kanyang mister na si Gerick Parin noong March 24, 2022, sa Aquila Crystal Palace Tagaytay Events Place.

May apat silang anak: sina Asiana, Svetlana, at Araion; at si Harley na anak ni Gerick mula sa una nitong relasyon.

“Yung asawa ko tagaluto, ako taga-market, si Asiana ang bahala sa online. Wala kaming empleyado.
"Si Kuya [Harley] ang taga-motor namin, taga-deliver namin siya. Si Araion, taga-sticker siya, yung isang anak ko [Svetlana] siya ang dishwasher.”
Pinasok nila ang delivery at wala silang dine-in customers "kasi ito yung talagang kasagsagan ng lockdown."
Ipinagpasalamat nina Wilma na kahit may pandemya noong panahon na iyon ay dagsa ang orders nila.
Lahad ng model/actress, “Because again, yung mga tao, nasa bahay lang sila. So, parang mamamalengke pa sila?
“Affordable at masarap naman yung pagkain yung Chicks Ni Otit, order sila sa amin.
"Kaya kami lalong nakilala, so dahil yun, e, lockdown, lockdown."
Read:
More dreamy details from Wilma Doesnt and Gerick Livelo Parin's wedding
Filipino restaurant in Chicago gets Michelin Star
WILMA DOESNT'S new raket during lockdown
Nang maging uso ang mga intimate gatherings sa gitna ng pandemya, nakaisip si Wilma ng panibagong raket para sa kanilang five-star carinderia.
Paglahad niya, “Lumipas ang isang taon ng lockdown, so kailangan ko rin makaisip ng raket para sa Chicks Ni Otit namin.
“Again, we're still struggling and surviving back then.
“So, ginawa ko, parang kung may birthday party ka doon sa inyo, puwede ka mag-order sa amin, pero may ano ako, amount.
“Pag ganitong amount yung in-order mo, ako ang magde-deliver, ako na magkakanta ng happy birthday sa iyo. Yes!”
Ginawa niya iyon?
“Yes!”
Mga ilang birthdays ang napuntahan niya?
“Marami-rami din naman. Hahaha!
May libreng artista na ang mga birthday parties ng um-order sa kanila.
“Libre na artista, may singer na sila, dala ko na yung pagkain nila. Ngayon kung halimbawa, isu-surprise… for example, yung isang nag-order sa amin, yung anak nasa States, birthday ng nanay, walang bisita, pero gusto yung Chicks Ni Otit.
“So ang ginawa namin, dineliver namin yung Chicks Ni Otit, kasama ko yung mga anak ko, kami pa rin yung bisita niya, para maging masaya lang si nanay.”
May song number pa si Wilma…
“Super sing ako!”
Ano ang kinakanta niya?
“Happy birthday lang, Diyos ko ang ganda-ganda ng boses ko, di ba? Ano pa ba namang kakantahin natin? Hahaha!
CHICK NI OTIT'S transition to dine-in experience
Tatlong taon matapos magbukas ang Chicks Ni Otit ay doon pa lang sila nakapagsimulang tumanggap ng dine-in customers.
Mula sa pagdeklara ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan naka-lockdown ang lahat, unti-unting nagluwag ang health protocols noong taong 2022.
Ani Wilma, “Nung mga nag-aano na… ECQ, yung mga nagluluwag na sila, 2022, nung latter part, last quarter, medyo lumuluwag na sila, nagpapa-dine in na sila."
Malaking bagay din daw na open air ang kanilang carinderia.
“E naka-al fresco kami, so ibig sabihin, puwede sila sa amin. Safe kami, wala kaming aircon. So, mas doon kami lalong sumikat,” bulalas pa ni Wilma.
home-cooked meals at chicks ni otit
Mismong sina Wilma at Gerick ang pumili ng mga lutong bahay na nasa menu ng Chicks Ni Otit.
Aniya, “Oo, yung mga pagkain namin ngayon sa Chicks Ni Otit, iyan talaga yung pagkain namin, na normal food namin sa bahay namin, because ano talaga kami, home-cooked kami.
“Pagkaing Pinoy at saka yung proseso kung paano namin niluluto sa bahay, dinala rin lang namin siya sa restaurant.
“Like for example, yung kaldereta, di ba usually mga baka, ipe-pressure cooker mo iyan para mabilis siyang maluto, right?
“Sa amin hindi, six hours kung six hours. Ganun siya. Kaya hindi siya yung madali siyang magsebo, maganda yung ano niya, kasi hindi mo pinilit yung baka.”
Ano ang bestseller nilang mga pagkain?
“Ako,” at humalakhak si Wilma. “Ako talaga yung gusto nila lahat makita.
Pagseseryoso niya, “Okay, ang top five, crispy pata, kaldereta, tuna panga, sinigang sa miso, and for some reason, yung aking ensaladang talong, mangga na may bagoong, ay paborito nila.”

Mabenta rin ang kanilang Pancit Habhab na si Araion mismo ang nagluluto.
“Pancit habhab, yes!”
clean space for healthy meals
Ilang beses nang naipakita sa mga vlogs, kabilang na ang YouTube channel ni Richard Gomez, ang kusina ng Chicks Ni Otit na maganda, napakalinis, at organisado.
“Always,” ang mabilis na reaksiyon ni Wilma. “Kasi ganun kasi talaga yun, e, makikita mo yung personality ng owner sa kitchen, sa banyo.
“So, like ako, partikular ako sa banyo, kasi every time, yung lahat ng frustration naming mag-asawa pag nagda-dine out kami, kinorek namin sa restaurant namin.
"So, malinis yung aming kitchen, we have to make sure na malinis yun."
Sinisiguro rin ni Wilma na healthy ang dishes at generous ang servings nito.
“Pag pinansin mo rin, malalaki ang serving ko, marami, kasi katuwiran ko food naman iyan, e, ibigay niyo na, so ganun siya.
“Kasi una, hindi kasi kami gumagamit ng mga extenders. So hindi kami gumagamit ng mga pang-umami, yung mga ganyan, yung MSG [monosodium glutamate], yung mga instant na pampasarap, so hindi kami gumagamit nun. Wala,” pakli pa ni Wilma.
“Kung anong lasa ng kaldereta na baka, iyon na yun.
“That's why, I have a lot of condiments sa table. Ikaw na lang yung magtimpla, kasi like ako, personally, matabang talaga ako magtimpla.
“So may mga taong mataas ang timpla, maalat kumain, you can ask patis or toyo, whatever you want, bibigyan ka namin, ikaw na magtimpla.
“Basta ang sa akin is, yung healthy talaga dapat, kasi kinakain din ng mga anak ko yun.”
Bukud-bukod pa ang station o prituhan ng isda, ng baboy, ng baka, at lutuan ng mga pagkaing may sabaw sa five-star carinderia nina Wilma.
“But of course! Yes. Iba-iba siya, kasi, di ba, for example, ikaw, malalaman mo sa isang restaurant, kapag, excuse my word, kapag luma na yung mantika.
“Ayaw ko nun. Ang katwiran ko lagi, may pambili ako ng mantika, huwag nating tipirin ang mantika, kasi siya yung nagbibigay ng freshness ng lahat ng pina-fry namin.
“Dapat laging maayos yung mantika. Bukod yung pang-fish na fry, bukod yung pang-chicken, bukod yung pang-baboy, bukod yung pang-tapsilog ko, bukod yung lalagyanan. Bukud-bukod siya.
“Kung pang-miso, pang-miso ka lang, kung pang-sinigang, pang-sinigang na baboy ka lang.
"Kasi the reason kung bakit ko siya ginanon is, gusto ko rin kasi mag-cater ng mga Muslim brothers.
“Iyon talaga yun. Kasi doon pa lang sa General Trias, doon sa palengke namin, may mga tropa akong Muslim doon, e.
"So sabi ko sa kanila, bakit hindi kayo kumakain sa amin?’ ‘Hindi, baka sama-sama yung ganun.’ ‘Hindi!’
“So pinapasok ko sila sa kusina ko, pinatunayan ko sa kanila na yung mga fry ko ay iba-iba. Kasi imagine mo, nag-fry ka ng baboy, tapos nag-fry ka ng isda, anong lasa nun?”
Na ginagawa ng iba?
“Ay, hindi ko alam, pero ayoko.”
May iba na sa bahay nila, ganoon ang ginagawa.
“Ay, sa bahay namin hindi rin,” bulalas ni Wilma, “Hindi. Isda, isda, baboy, baboy. Tapos pagtapos nung mantika na yun, sa bahay, personal, yung asawa ko, itatapon na niya yun. Hindi niya na gagamitin yun, so another na naman, so lagi siyang ganun.”
Ibinahagi naman ni Wilma kung bakit Chicks Ni Otit ang pangalan ng kanilang food business.
“Kaya siya Chicks Ni Otit, dahil sa pamilya nung asawa ko, puro dominant sila ng lalaki. Noong nag-live together kami, puro babae naman ang dala ko. So, mga chicks kami,” pagtukoy ni Wilma sa sarili niya, kay Asiana at Svetlana.
“And then Otit, iyon kasi yung tawag nung anak kong babae sa kanya, Tito.”
Matatagpuan ang Chicks ni Otit sa Mahogany Avenue sa Tagaytay at sa General Trias sa Cavite.
