Hindi biro ang pinagdaanan ni Wilma Doesnt at ng kanyang pamilya maitawid lang ang pagmamay-ari nilang five-star karinderya na Chicks Ni Otit.
“Alam mo, ako, ha, for sure, yung mga nagre-restaurant can agree with me, ngayon, nakakalungkot, ang daming entitled na tao,” bungad ni Wilma sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.
Read: Wilma Doesnt's 5-Star carinderia, thriving and winning
WILMA DOESNT'S CHALLENGES AS BUSINESS OWNER
CUSTOMERS' CONCERNS
Ano ang ibig sabihin ni Wilma?
Paliwanag ng model-actress, “Okay, di ba sinabi ko naman sa iyo, karinderia, pero five-star kasi yung quality ko.
"Pero huwag kang maghanap sa akin ng aircon, huwag kang maghanap sa akin ng salad, huwag kang maghanap sa akin ng mga bagay na wala sa menu ko.
“May ganun, or minsan, I don't know how they do it, kakain, ubos na, sasabihin hilaw?"
Minsan, nasa-shock daw si Wilma sa mga reklamo ng diners.
“Paano mo… ako minsan, na-experience ko, paano yun? E, ubos na.
“Or minsan, sa dami ng customer, siyempre yung mga waiter ko, natataranta din. Hindi na makangiti, napapagod, ang gusto na lang ay mailagay yung mga pagkain niyo. Sasabihin ang susuplada ng mga waitress, padaan-daan lang.
“So, these are the things na sana yung mga customers, naiintindihan nila sa mga negosyanteng kagaya namin.
“Walang perfect na operations. Yung daily operations, walang perpekto. Kahit na sinong pinakamalaking kumpanya yan, walang perpekto sa operations natin.”
staffing issues
Hindi rin exempted si Wilma sa mga manpower issues.
Pagpapatuloy niya, “Like, for example, yung mga tauhan ko, nung nagbukas kami ng Tagaytay, dumating sa punto na yung mga tauhan ko na mga taga-Tagaytay, mga taga-upland, lahat sila sabay-sabay, hindi sila pumasok!
“Paano ang operations mo?”
Bakit hindi pumasok?
“Trip lang nila. Don't worry, pinag-tripan ko rin sila, tinerminate ko sila.”
Ilan?
“Madami.”
Sabay-sabay hindi pumasok?
“Oo, they abandoned my operations.”
Pero nagbukas pa raw sila ng kanilang karinderya.
“Yes, don't worry, magaling kami. Remember, I have four children, me and my husband. Akyat lang kami, ‘Let's go, children. Kaya namin ito.’
“Tatakbo kami.”
Si Wilma at ang mister niyang si Gerick Parin ay may apat na anak: sina Asiana, Harley, Svetlana at Araion.
Read: Wilma Doesnt gushes over daughter Asiana's prom look

Sa kasalukuyan ay may mahigit walumpung tauhan na sina Wilma at Gerick sa dalawang branches ng Chicks Ni Otit sa Tagaytay at Cavite.
“Sa General Trias, nasa 24, so yung the rest, nasa Tagaytay na lahat kasi sa Tagaytay, may tatlong shift ako. Morning, mid-shift, saka closing.”
Read: More dreamy details from Wilma Doesnt and Gerick Livelo Parin's wedding
WILMA DOESNT'S five-star-quality meals
Nakatuwaang tanungin si Wilma ng writer na ito tungkol sa klase ng pagkain sa kanyang karinderya, ano siya at bakit?
“Ako siguro yung tuna panga. Bakit? Masarap, simple, pero masustansya,” ang tumatawang reaksiyon ni Wilma.
“Tuna panga, at saka malayo pinanggalingan nun, General Santos City pa, pinapa-freight-in ko yun.
“Well, mura ko naman siya nakukuha, bumabayad ako ng freight.
"Kaya ko nga siya tinatawag na five-star karinderya, e, because I make sure na yung mga ingredients ko, kung saan siya dapat nakukuha.
“Like, for example, yung tuna panga ko, galing talaga siya ng GenSan, yung mga chicken ko, fresh yung chicken namin, katay, hindi siya frozen.
“Kaya lahat ng inasal ko, masarap. Masarap ang inasal namin, you should try it.”

Ang mga longganisa niya ay sa mga maliliit na tindahan sa Lucban niya binibili.
“Yes. Alam mo hanggang ngayon, kung sino yung mga supplier ko noon na mga maliliit na supplier ko ng mga bawang, yung mga dahon ng saging, sila pa rin yung supplier ko,” sambit ni Wilma.
“And then, nakikita ko rin yung growth nila. Imagine, may nagsu-supply sa akin ng miso, ang miso ko, eight hours niluluto, ha.
“Yung paste, hindi kasi kami gumagamit ng instant, e.
“So, miso is made of yellow soy. So eight hours niluluto yun, so ipe-paste namin yun bago pa siya makarating dun sa mismong sinigang sa miso namin.
“So yung quality, I make sure yung tamang proseso.
“Kaya ko siya tinawag na five-star. Kaya ko rin siya tinawag na karinderya because gusto ko lahat ng tao matikman yung pagkain namin."
Napagkatuwaan ding itinanong na kung si Gerick ay isang klase ng pagkain sa menu ng Chicks ni Otit, ano siya at bakit?
“Puwede inasal? Kasi bakit? Fresh, juicy, masarap, iyan ang asawa ko, bagets, 45 days. Yes, that's my honey,” ang muling tumatawang sambit ni Wilma.
NO DISCRIMINATION AT Chicks Ni Otit
Ang bentahe ni Wilma ay pantay-pantay ang lahat sa kanyang karinderya.
Aniya, “Hindi dahil mayaman ka, ikaw lang papakainin ko? No.
“Sa restaurant namin, ke naka-tsinelas ka diyan, naka-sando ka, basta may pambayad ka, hindi mo mararamdamang ano ka, male-left out ka.
“Walang dress code, and then, pag nandun din ako, walang mayaman dito, walang mahirap, dahil karinderya ko ito, at ako ang may-ari. Lahat tayo dito, pantay-pantay.
“Everybody happy,” ang nakangiting sambit pa ni Wilma.
Allowed din ang pets sa Chicks Ni Otit.
“Of course, kasi I have dogs also. Huwag namang Giraffe, ha, kasi baka hindi kasya yung leeg dun sa bubong ko,” at humagalpak ng tawa si Wilma.
rented spaces for business
Aminado naman si Wilma na hindi nila pagmamay-ari ang lupang kinatatayuan ng Chicks Ni Otit.
“Nagre-rent ako. Mabait ang Diyos sa akin, I always get the pinakamagandang spot, even in Tagaytay.
“And then yung mga landlord ko, mababait din sila, kasi they know na pag ako nagtatayo ng business, ang iha-hire ko din is someone that I can help also.”
Mayroon na ba silang usapan na someday, bilhin na nila ni Gerick ang lupa?
“Hindi, sabi nila, i-renew lang daw nila, kasi pag umalis daw ako doon, mawawala na daw yung value nung lupa nila.”
Ayaw raw ipagbili ng may-ari ang lupa, pero ani Wilma, "Okay lang yun. Okay lang yun.”
Nagre-rent din daw si Wilma sa lupang kinatatayuan ng kanyang carinderia sa General Trias.
“Pero yung commissary ko, that's my own, somewhere in General Trias.
“Malayo sa restaurant. Yes, kasi we're planning to mag-branch out, magpa-franchise.”
tips for food business entrepreneurs
Ano ang payo ni Wilma sa mga gustong magkaroon ng food business?
“Una, ang payo ko diyan, lagi ko sinasabi, dapat yung puso mo, yung isip mo, yung oras mo.
“Dapat may tiwala ka sa supplier mo, at higit sa lahat, dapat tinututukan mo yung sarili mong negosyo.
“Huwag mo mong ipaubaya. Dahil kumikita ka, ipapaubaya mo sa iba? No.
"Always remember, that's your business, that's your money, at ikaw ang nagtayo niyan, you have to take good care of it.”
Sa sobrang hands-on ni Wilma ay nag-leave siya sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap noong binubuksan pa lamang nila ang Chicks Ni Otit.
“Yes, para magbukas ako ng Tagaytay, oo. Nagpaalam ako.
“Two and a half months.”
Hindi siya natakot na baka patayin ang character niya sa show sa tagal na wala siya bilang si Josa?
“Hindi, kasi kaibigan ko si Lyneth e,” ang tumatawang pagtukoy ni Wilma sa karakter ni Carmina Villarroel sa show.
“So hindi, walang kausap si Lyneth, tigilan niyo ako. Hahahaha."

balancing showbiz and resto business
Sa ngayon ay pinagsasabay na ni Wilma ang taping ng Abot Kamay Na Pangarap at pag-manage sa Chicks Ni Otit.
Kapag may taping siya, paano siya pumupunta sa restaurant?
“Basta pag wala akong taping, I make sure na magbibisita ako ng branch. So pag weekdays, Wednesday, nasa General Trias ako.
“Weekends, Sabado-Linggo, kasi mas maraming pumupunta sa Tagaytay, at maraming nag-expect sa akin.
“That's why, nag-i-stay ako doon para… madali kasi siyang puntahan, e, ng lahat.”
May pagkakataon ba na kinakabahan sila kapag nag-a-alburoto ang Taal Volcano sa Tagaytay?
“Nagdadasal ako,” bulalas ni Wilma. “And have faith also.
“Yung negosyo pinagdarasal iyan, ipinagtitirik ng kandila iyan."
wilma's secret to building staff's loyalty
Mayroon namang secret to success si Wilma.
Aniya, “Feeling ko iyon yung nakakadagdag ng suwerte sa akin, e, yung mga tao na feeling mo, less yung opportunity nila to work, hire them, kasi alam mo kung bakit?
“Sila ang may puso at may loyalty.”
May mga employee siya na ex-convict.
“Meron! Dumadami na sila!”
Mga lumaya na ang mga ito.
“Ano na sila, kumbaga nakalaya na sila. Okay na sila, tapos na yung kaso nila.
“Nakalaya na sila. Kaya lang, of course, pag nakitang, ‘Ay, ex-con, tatawagan na lang natin.’
"Ako hindi. 'Tanggapin mo iyan para magbago.'”
Ano ang puwesto ng mga ito?
“Cook, fryer ko sila.”
At saka malay naman niya magbago naman, di ba?
“Ay, hindi malay, nagbago talaga. I mean, these are the things na little… kaya ako proud na proud ako sa business namin, kasi ito yung mga little things na talagang syet,” at muling humalakhak si Wilma.
“Pag nakita ako ni Papa Jesus, baka i-handpick ako.
“So, dumadami sila, in fairness, dati isa lang yun, e, ngayon tatlo na yata. Hahahaha.
“Baka nagtatawag na, ‘Alam mo na, may trabaho dito.’ So puwede naman yun.”
