May kasabihang, “When live gives you lemons, make lemonade," na ang ibig sabihin ay igaganda pa ang anumang sitwasyon.
Ito ang ginawa ng prinsesa ng Dubai na si Sheikha Mahra bint Mohammed bin Rashid Al Maktoum, 30, matapos makipag-divorce sa kanyang mister na si Sheikh Mana Bin Mohammed Al Maktoum, 30, sa pamamagitan ng Instagram.
Si Mahra ay anak ng pinuno ng Dubai at vice-president ng UAE—si Prime Minister Mohammed bin Rashid Al Maktoum.
Read: Suspected robber guilty of PHP146-M jewelry theft; posts on IG
Tulad ni Mahra, mula rin sa maimpluwensiyang pamilya sa Dubai ang kanyang mister.
Noong July 17, 2024, ganito ang post ni Mahra sa Instagram:
“Dear Husband,
As you are occupied with other companions, I hereby declare our divorce. I divorce you, I divorce you, and I Divorce You.
“Take care.
“Your ex-wife.”
Ginamit ng prinsesa ang itinuturing na controversial practice sa ilang Muslim countries, kunsaan sinasambit ng lalaki ang "I divorce you" tatlong beses sa asawa para magkaroon ng "instant divorce."
Karaniwang lalaki—hindi babae—ang nagsasabi nito.
Read: Princess of Dubai divorces husband via Instagram post
DUBAI PRINCESS LAUNCHES "DIVORCE"
Dalawang buwan matapos ang kontrobersiyal na divorce, ginamit ni Mahra ang karanasan para sa isang business venture.
Nag-launch siya ng sarili niyang perfume at personal care line na pinangalanan niyang Divorce.
Bukod sa pabango, meron din itong hair spray and body spray saka powder.
Ang pabango ay nagkakahalaga ng 1,000 AED (PHP15,300), ang hair and body spray ay 604 AED (PHP9,200), at ang powder ay 716 AED (PHP11,000).

Puwedeng mag-order ng products sa official website ni Mahram.
NETIZENS REACT
Kanya-kanyang reaksiyon ang netizens sa business ng Dubai princess.
Ang ibang netizens, hindi magustuhan ang pangalan. Anila, masyado raw itong bitter at mapaghiganti.
Parte ng komento ng isa: "No one is going to buy a perfume that signifies bitterness and revenge. That's a repellant."
Pagsang-ayon ng isa pang netizen: "Not a nice name."


Ang iba naman, natawa sa pangalan ng product line ng prinsesa.
Ang witty comment ng isa, “She is hoping that everyone will get divorce.”

Biro ng isang netizen, “Imagine husbands gifting that perfume to their wives on their wedding anniversary.”
Sabi naman ng isa pa, magandang gift idea ang pabango sa mga mag-asawang nagbabalak mag-divorce o dumadaan sa divorce.
Sundot ng isa pa, puwedeng gamitin ang pabango bilang simbolo sa pakikipag-divorce.


“I’m ordering a dozen,” sabi ng isang female netizen.
Joke ng isa pa, “Great gift for Happy Life.”
“Yes if ‘Poison’ can be a brand, why not ‘Divorce?’” pagsuporta ng isa pa na tinukoy ang perfume ng Christian Dior.



Supportive ang karamihan sa female netizens.
Sabi nila, ang ginawa ni Mahra ay pagpapakita na isa siyang independent at strong woman.
Komento ng isa: “Yes woman can divorce her husband and he cannot stop her. Let’s support women decide for themselves.”
Pagsuporta ng isa pa: “Well yes ! Women cry no more , we make money instead.”
“Creative and inspiring woman,” sabi ng isa pa niyang follower.


