Isang prinsesa ang nakipag-break sa kanyang mister via social media.
Naging laman ng international media ang Dubai princess na si Sheikha Mahra bint Mohammed bin Rashid Al Maktoum, 30, dahil sa kanyang controversial Instagram post noong July 17, 2024.
Tungkol ito sa pakikipag-divorce niya sa asawang si Sheikh Mana Bin Mohammed Al Maktoum, 30, na miyembro rin maimpluwensiyang pamilya sa Dubai.

Ang woman of the hour ay anak ng pinuno ng Dubai at vice-president ng UAE—si Prime Minister Mohammed bin Rashid Al Maktoum.
Ang enggrandeng kasal nina Sheikha Mara at Sheikh Mana ay nangyari noong nakaraang taon, at naitampok ito sa glossy-magazines sa Middle East tulad ng Grazia at Harper's Bazaar Arabia.
Two months ago, ipinanganak ni Sheikha Mahra ang kanilang baby girl.
Pero nitong June 4, nag-post ang prinsesa ng larawan nila ng anak with the caption, "Just the two of us."

DUBAI PRINCESS' INSTAGRAM POST
Tila prelude iyon sa latest update ng prinsesa sa kanyang verified Instagram account.
Nakasaad dito:
Dear Husband, As you are occupied with other companions, I hereby declare our divorce. I divorce you, I divorce you, and I Divorce You.
Take care.
Your ex-wife.
Ginamit din ng prinsesa ang itinuturing na controversial practice sa ilang Muslim countries, kunsaan sinasambit ng lalaki ang "I divorce you" ng tatlong beses sa kanilang maybahay para magkaroon ng "instant divorce."
Banned ang practice na ito sa ibang bansa, at karaniwang lalaki—hindi babae—ang nagsasabi nito.
Mapapansin ding wala ni isa mang larawan sa feed ni Sheikha Mara ang kanyang mister at vice versa.
Aktibo ang prinsesa sa social media, at may higit sa 500,000 followers siya sa Instagram.
Kadalasan sa mga posts niya ay patungkol sa mga events na dinaluhan niya sa Dubai, interests niya, charitable activities, at features sa magazines.
May mga nagsuspetsang baka na-hack ang account ng prinsesa, pero two days after putting out the controversial declaration, makikita pa rin ito sa kanyang feed.
May mga media outlets na humingi ng reaksiyon sa kanyang kampo, pero wala pang nilalabas na anumang pahayag.
Read:
