PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Struggling to save? Avoid these 3 mistakes

...and check your purchases ASAP.
by Bernie V. Franco
Published Jan 11, 2025
piggy bank
Income has no room for savings? Then check your expenses, see where you can downsize or what can be delayed.
PHOTO/S: Canva

Kung sakto lang ang kita para sa mga gastusin, may puwang pa ba sa ipon?

Posible.

Pero kelangang malaman kung saan at paano makakatipid.

Ayon sa financial planner at entrepreneur na si Charizze Villaruel, may three common mistakes na karaniwang dahilan kaya hirap ang iba na makaipon.

WHAT TO PURCHASE

Una, kelangan bang mahal ang presyo ng bibilhin?

Sa interview ni Charizze sa Rise and Shine, Pilipinas, nitong January 7, 2025, aniya, “Magpapadala tayo sa mga bagay na uso lang, sa mga bagay na bago, pero panandaliang happiness lang yung na maibibigay sa atin."

Pasok dito ang mga mamahaling damit at sapatos, at iba pang materyal na bagay na fad o trendy.

Kung kailangan mo ng damit para sa isang okasyon, tandaan na napakaraming options na maganda ang quality at reasonable ang price.

Kung gusto mo naman na investment piece iyan at magagamit nang matagalan, make sure na pasok sa budget.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung kaya ng suweldo, okay. Pero kung hindi, mag-ipon na lang.

Sabi pa ni Villaruel, “Madali ring pagsasawaan. Konti lang yung added value.”

Read: Practical tips to be financially capable this 2025

WHEN TO PURCHASE

Kung ang isang appliance brand ay may bagong model, kelangan na bang mag-upgrade.

Related dito ang pangalawang mistake: ang pagbili ng mga bagay na puwede namang i-delay dahil hindi naman talaga agarang kailangan.

Ani Villaruel, “Inuunang pag-ipunan yung mga bagay na puwede namang ipagpaliban muna.

"Dapat doon muna tayo sa foundation ng finances natin, sa security natin.

"Importanteng ma-determine natin ang ating priorities.

“Dahil kapag prepared tayo sa emergency, lalo na sa usapin ng health natin, handa tayo sa retirement, hindi tayo mahihirapan kapag dumating ang oras na iyon.”

Read: Here are tips to save and be debt-free this 2025

WHY PURCHASE?

Pangatlo, huwag maging impulsive sa paggastos.

May iba kasi na hindi raw pinag-iisipang mabuti kung kailangan ba talaga o dahil lang sa kagustuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May simpleng computation si Villaruel para ma-justify ang pag-purchase.

“Para malaman kung sulit ba yung bagay o hindi bago bilhin, alamin natin kung ilang oras ang kailangan nating gugulin para mabili natin.

“Kung ikaw ay kumikita ng PHP20,000 na may 22 days na pasok..

“Kung idi-divide natin iyon, nasa PHP900 yung kinikita sa isang araw.

“Sa isang araw may walong oras na shift, so pumapatak na PHP114 ang binabayad sa iyo kada oras… ang value na binibigay ng kumpanya sa iyo.

“Kung gusto mo ng latest iPhone, pero maayos pa naman ang phone mo, sulit ba siya sa oras ng pagtatrabaho mo?”

piggy bank
Wanting to save means knowing your priorities.
Photo/s: Canva
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ADDITIONAL SAVING TIPS

Nagdagdag ng ilang tips si Villaruel pagdating sa pag-iipon para sa short-term at long-term goals.

Ang mga short-term goals ay may shorter period para sa pag-iipon.

Ipinapayo ni Villaruel ang paggamit ng digital banks na makapagbibigay ng mas mataas na interes.

Tiyakin lamang daw na rehistrado ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Deposit Insurance Corporation.

Mas matagal naman ang pagtatago ng pera sa medium-to-long-term plans. Karaniwang lima hanggang sampung taon ang inilalaan dito.

in this case, hindi inirerekomenda ang savings account.

“Dahil kailangan lumalago yung pera natin at hindi natutulog lang sa bangko,” ani Villaruel.

Mas maganda raw kung i-invest ang pera sa mutual funds, stocks, o mga unit investment trust funds (UITF) na ino-offer ng mga malalaking bangko.

Pero ang reminder ni Villaruel, kailangang maging mabusisi sa pagpili ng kumpanya o korporasyon.

This is another topic that deserves another set of tips from finance experts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In the meantime, ipon-ipon muna then invest later.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Income has no room for savings? Then check your expenses, see where you can downsize or what can be delayed.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results