Maraming Pinoy netizens—usually, mga babae—ang naaaliw at sinusubaybayan ang isang female Thai content creator na napakahilig mag-shopping ng luxury items.
Sa katunayan, ang ibang netizens—kabilang ang Pinoy content creators—ginagaya ang Thai socialite social-media star dahil sa kanyang colorful persona at distinct voice.
Siya ay si Aon Somrutai, isang Thai influencer at isang businesswoman sa luxury fashion industry.
May huge following si Aon: 5.4 million followers sa TikTok at 1.4 million followers sa Instagram.
Millions ang views ng bawat isa sa TikTok post niya dahilan para bansagan siyang “social media sensation in Thailand.”

Ang
Read: Small Laude gifts Lotlot with a lot to build her dream house on
AON GETS MILLIONS OF VIEWS FOR EACH VIDEO
Karamihan sa kanyang content, iisa ang tema: pagpapakita ng kanyang lavish lifestyle.
Napaka-bubbly ng kanyang personality (think of Small Laude) at bongga parati ang kanyang OOTD (think of Tessa Prieto).
At sa kanyang shopping sprees, kasama ang bodyguard niyang si Kateyki (sometimes referred to as "Kuteyki" at personal assistant na si Khun Noi.
Ang madalas na senaryo: Bababa siya sa kanyang fancy car, gaya ng Tesla Cybertruck at Porsche, iaabot ang kanyang luxury bag kay Kateyki, rarampa siya in her OOTD papunta sa store, then mamimili siya ng expensive items, tulad ng branded bags, perfumes, jewelry, at iba pa.
Naging catchphrase sa Thailand ang line niya in high-pitched voice: "I want this one, this one, this one."
Pero ang pagsa-shopping niya ay hindi lang isang hobby.
Si Aon kasi ang chief executive officer ng SF Brandname at ng luxury online shop na Perrine Porter.
Isang dekada na siyang nagba-buy and sell ng second-hand luxury items, at ang goal niya ay gawing accessible at sustainable ang fashion kahit kanino.
Hindi pagpapanggap ang kanyang pamimili.
At kung papansining maigi, ang ilan sa shopping videos niya ay kuha mismo sa kanyang stores.
WHO IS AON SOMRUTAI?
Ang tunay na pangalan ni Aon Somrutai ay Somrutai Sangchaiphum.
Agaw-pansin ang kanyang content, na minsan ay exaggerated. Halimbawa na lang ang video niya na habang nagdya-jogging na nakasunod sa kanya si Kateyki, na dala-dala ang payong. May nakasunod din Porsche.
Huli niya ang kiliti ng netizens dahil ang approach niya sa videos ay light at aspirational.
Ang kanyang persona ay maganda at mayamang babae na nag-e-enjoy sa pagsa-shopping sa high-end shops at binibili kung anuman ang bagay na magustuhan.
Appealing din ang kanyang attitude at maayos na pakikitungo sa mga saleslady, sa kanyang security personnel, assistants, at mga kasambahay.
Sa katunayan, sumikat na ang kanyang bodyguard na si Khun Taeki (o Kateyki) na laging nakabuntot at nakaalalay kay Aon.
Maging si Lisa Manoban ng Blackpink ay kilala si Kateyki.
Sa videos ay ipinaparanas ni Aon ang marangyang pamumuhay sa kanyang mga alalay.
Kaya may mga Pilipinong nagkokomento na inihahambing siya kay Small Laude, ang Filipina socialite na naging social media star.
Naging celebrity nga rin ang alalay ni Small na si Yaya Lot dahil madalas siyang isama ni Small sa kanyang adventures.
Read: Small Laude's Yaya Lotlot gets a taste of celebrity life
A SKILLED BUSINESSWOMAN
Bago nakilala si ni Aon bilang social-media sensation, isa na siyang successful businesswoman.
Base sa skills niya sa LinkedIn, experienced siya sa business management and operations.
Nabanggit din na siya ay graduate sa Rangsit University sa Pathum Tani, Thailand, at sa Karlstad University sa Sweden.
Strength din niya ang marketing, at sinasabing she created her Tiktok persona for her business.
Walang duda, alam niya kung paano i-market ang sarili.

AON’S PERSONAL LIFE
Isa ring prominent figure sa Thailand ang mister ni Aon, na nagka-cameo rin sa kanyang Tiktok videos.
Siya si Doctor Nopparat "Mor Song" Rattanawara, isang kilalang plastic surgeon sa Thailand.
Ikinasal sila noong February 15, 2025.
Si Dr. Nopparat ay owner ng Nopparat Cosmetic Clinic sa Bangkok, Thailand.
Isa siyang plastic surgery specialist at dating medical professor. Isang dekada na siyang nasa cosmetic surgery field.

Nag-aral si Dr. Nopparat sa Chulalongkorn University sa Bangkotk at may kinuha rin siyang courses sa Australia.
Napaulat din si Dr. Nopparat noong 2016 dahil sa breakup niya sa dating presenter-model wife.
Batay sa post ni Aon, saksi sa marital blessing nila si Princess Maha Chakri Sirindhorn mula sa Thai royal family.

Ang request ng mga Pinoy netizens, sana mag-video collab daw sila ni Small.
