Tututukan ni Jessy Mendiola ang kanyang showbiz career ngayong 2025, at isa sa pinaghahadaan niya ay ang series nila ni Gerald Anderson na Nobody.
Sabi ng celebrity mom, “Tuluy-tuloy pa rin, actually, kaka-meeting ko lang with Star Magic the other night, meron pang inaayos sa soap namin ni Gerald.
"But before I do that soap with Gerald, meron akong mga ibang show na papasukan, so abangan niyo na lang kung anong show yun.”
Ilan ang shows na gagawin niya?
“As of now, for this year, baka po dalawa. Pero yung amin ni Gerald, inaayos pa yung story.”
Magkakapareha silang muli ni Gerald na nakatrabaho niya sa Budoy, na umere sa ABS-CBN mula Oktubre 2011 hanggang Marso 2012.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa pagbubukas ng bagong branch ng Manila Diamond Studio nitong January 18, 2025, sa Evia Lifestyle Center sa Daang Hari, Las Piñas City.
Renewal rin iyon ng kontrata ni Jessy, na five years ng endorser ng jewelry store.

"Actually, I'm very, very happy and very grateful kasi ang totoo niyan, kaya din ako napalapit talaga sa mga taga-Diamond Studio, kasi nung 2020...ako ang unang lumapit sa kanila para magpagawa ng wedding bands namin ni Luis,” pagtukoy ni Jessy sa mister niyang si Luis Manzano.
“So ang nangyari, iyon, lumapit ako sa kanila, tapos ginawa nila yung wedding bands namin. Tapos doon nag-start yung relationship namin, so parang sabay pala, parang sabay, nung kinasal ako kay Luis, naging MDS endorser ako.”

Maging ang engagement ring daw nila ni Luis ay sa Manila Diamond Studio binili.
Read: A CLOSER LOOK: Jessy Mendiola and Luis Manzano's wedding rings!
JESSY MENDIOLA'S JEWELRY COLLECTION
MOST EXPENSIVE JEWELRY BOUGHT BY JESSY MENDIOLA
Ano ang pinakamahal niyang alahas?
“Oh my, ang hirap! Marami, addict ako sa alahas. Kung kaya ko lang bumili ng isang branch ng Manila Diamond Studio, gagawin ko talaga,” at tumawa si Jessy.
“But I really...itong suot ko ngayon na hikaw, four carats from here in Manila Diamond Studio.”
Puwede niya bang sabihin kung magkano ang naturang hikaw?
“Ayoko, pinaghirapan ko ito, nahihiya ako,” at muling tumawa si Jessy.
“Pero I mean, talagang pangarap ko ito simula nung nagsimula akong magtrabaho and sabi ko, okay, finally nakapag-ipon na ako, go ko na ito.”
Binili niya ang naturang pares ng hikaw.
“Yes. Actually, tinulungan ako ng Manila Diamond Studio to get these. Sila ang nag-source para sa akin, so best deal talaga ang nakuha ko.”
MOST EXPENSIVE JEWELRY given TO JESSY MENDIOLA by LUIS MANZANO
Ano naman ang pinakamahal na alahas na bigay sa kanya ni Luis?
“Yung engagement ring ko na nakakatawa, hindi ko suot ngayon kasi nagmamadali ako kanina.
“Ako pa yung nagpalit ng diaper ni bagets, e, siyempre, di ba nakakagasgas yun? So tinanggal ko muna.
"E, nakaganito na ako,” sabay-turo ni Jessy sa kanyang damit, “kaya ayan gusut-gusot na damit ko.
“Sabi ko, ‘Ah wait lang anak, kailangan kong umalis,’ Sabi niya, ‘Hmph!’
"Totoo, gumaganun na talaga siya,” ang tumatawang kuwento ni Jessy tungkol sa two-year-old daughter nila ni Luis na si Rosie o Peanut.

Kapag daw nakabihis si Jessy ay alam ni Rosie na aalis siya kaya sumisimangot ang bagets.
“One of these days, ipo-post ko yung video niya na gumaganun.”
FIRST JEWELRY BOUGHT BY JESSY MENDIOLA
Back to her love for jewelry, kailan ito nagsimula? Natatandaan pa ba niya kung ano ang unang alahas niya at kung sino ang nagbigay?
Aniya, “Oh my! Ano nga ba? I think my mom gave me a piece of jewelry, and it was a bracelet, and talagang I cherished it,and talagang suut-suot ko yun everyday sa school. Unfortunately, nawala siya.
"So nung lumaki na ako sabi ko, bibili ako ng katulad nun, so bumili ako,” ang nakangiting pagbabahagi pa ni Jessy.
JEWELRY PIECES THAT JESSY MENDIOLA wishes to buy
Ano pa ang mga klase ng alahas na gustong idagdag ni Jessy sa kanyang collection?
“Siguro isang statement necklace, tennis necklace talaga na maganda.
"Tapos meron pa ako isang favorite, yung multi-shaped na diamonds, as in merong iba't-ibang klase ng cuts ng diamonds, yun din, sobrang gusto ko yun.”
Ano paborito ni Jessy—kuwintas, singsing o bracelet?
“Earrings ako and necklace. Siguro out of the way siya kasi pag bracelet, di ba, yung parang sumasabit siya, or rings, nagagasgas si Rosie, so kaya hindi ko nasusuot yung rings ko lagi. '
“So yun, more of necklace and earrings.”
JEWELRY: FOR INVESTMENT?
Siya ba ay bumibili ng alahas bilang investment?
Sagot ng mestiza star, “I think more than an investment… yes, diamonds are investment, but for me, it’s more of the sentimental value.
"For me, ito,” sabay hawak sa hikaw niya, “Talagang ito yung big purchase ko talaga ng diamonds.
“Talagang I really value and alam kong ipapasa ko kay Rosie, so for me, it's more than… it is an investment, but, yes, mas importante pa rin yung sentimental value for me, kung ano ba yung symbolism ng isang piece for you, so yun.”
Biro namin kay Jessy, ang bongga naman ni Rosie dahil milyones na halaga ng alahas ang nakahanda niyang manahin.
“Grabe siya,” ang tumatawang reaksiyon ni Jessy sa sinabi namin. “Hindi naman, pero gusto ko din kasi siyang bigyan ng pieces na talagang forever na mag-i-stay sa kanya.
“So ako, siyempre din, hindi naman puwedeng kaliwa’t kanan bili ka ng ganyan, di ba? We really want to, you know, collect pieces na talagang importante for you and ako din, responsibly naman akong bumibili.
'“Hindi naman ako yung parang wala lang na bili nang bili.
“I mean, I really think about every purchase na iniisip ko, 'Okay this is for her.'”
Si Luis ba ay mahilig din sa jewelry?
"Ah, no, e. More of… what do you mean? For him? No, mahilig siya sa jewelry para ibigay sa akin. Hahaha. Pero for himself, not really, more of watches siya, e.
“Actually yun lang talaga yung pinakagusto niya, yun lang, hindi siya maluhong tao, e.”
Si Rosie nagsusot na rin ng alahas?
“Yes, bracelet siya and mayroon na rin siyang stud earrings from Manila Diamond Studio din.”
Ang mother-in-law niyang si Vilma Santos?
“Yes, mahilig siya sa jewelry. Ang favorite niyang pieces, mahilig siya sa… same kami, earrings and necklace.”
Si Ate Vi, may naibigay na kay Jessy na alahas? “Meron, pearl earrings.”
Biro naming muli kay Jessy, since walang anak na babae si Ate Vi, sa kanya ba nakatoka ang mga alahas ni Ate Vi?
“Hindi, I think kay Rosie. Sinasabi niya yun sa akin, sabi niya, ‘Naku mapupunta din naman ito sa apo ko’, ganun.
“She’s very loved and I’m really happy that she’s very loved.”
