A CLOSER LOOK: Jessy Mendiola and Luis Manzano's wedding rings!

by Julie E. Bonifacio
Apr 4, 2021
Luis Manzano and Jessy Mendiola's wedding rings were designed by Manila Diamond Studio, the same jeweler that designed the five-million-peso engagement ring of the bride.
PHOTO/S: courtesy of Luis Manzano and Jessy Mendiola

Kung ang civil wedding nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay may three-week preparation, mas mabusisi ang pagpaplano para sa kanilang "full wedding" sa December.

"Yes, nag-umpisa na ang planning kasi siyempre hindi naman madali magplano ng kasal," ang sabi ni Luis Manzano sa email interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 3, 2021.

Unang-una, gusto nila talagang sa Palawan ang location.

Dagdag ni Luis, "Gusto namin sa tabing dagat sana, kasi parehas kami mahilig sa beach."

Paano kung may pandemya pa rin sa bansa sa December?

Ang sagot ng 39-year-old host, "Tignan natin, nothing is certain talaga, e. Kaya we are also keeping the beach wedding intimate din, ang importante, andon buong families namin.

"Pero hopefully talagang makauwi ang parents ni Jessy for the full wedding."

Ang Lebanese dad ni Jessy na si Roger Tawile ay nakatira sa Bahrain.

Samantala, hindi nakadalo sa civil wedding ang ina ni Jessy na si Didith Garvida, na nakausap ang newlyweds at balae na si Vilma Santos sa pamamagitan ng video call.

Continue reading below ↓

JVilma Santos talks to Jessy mom Didith Garcia via videocall

Ang wedding gown ni Jessy at suit ni Luis ay gagawin ng "same designers"—sina Patricia Santos at Paulo Lazaro, respectively.

Kung ang engagement ring ni Jessy ay almost PHP5 million ang halaga, ganun rin ba ang cost ng kanilang wedding rings?

Continue reading below ↓

Hindi sinagot ni Luis ang tanong, pero parehong set of rings daw ang gagamitin nila for the civil and the "full" wedding.

Aniya, "Yes, ang wedding bands namin ay same lang sa gagamitin namin sa full wedding namin."

Simpleng wedding gold band ang kay Luis, habang may pitong diamonds in shared-prong setting ang kay Jessy.

Continue reading below ↓

May stunning detail sa ring ng bride: tatlo sa pitong diamonds ay kulay pink.

Luis Manzano, Jessy Mendiola wedding rings

Same jeweler ang gumawa ng engagement ring na binigay ni Luis kay Jessy at ng kanilang wedding rings.

Ang maikling kuwento ni Luis, "Manila Diamond Studio ang gumawa ng rings namin at sila ang nakaisip ng unique na design na pink diamonds ang ilagay sa wedding band ni Jessy."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano and Jessy Mendiola's wedding rings were designed by Manila Diamond Studio, the same jeweler that designed the five-million-peso engagement ring of the bride.
PHOTO/S: courtesy of Luis Manzano and Jessy Mendiola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results