PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Jean Garcia prepares for showbiz retirement

"Todo-kayod tayo parati para makapag-ipon."
by Ruel J. Mendoza
Published Feb 22, 2025
jean Garcia showbiz retirement
Jean Garcia plans to retire from showbiz within the next five to ten years. She says, "Kaya todo-kayod tayo parati para makapag-ipon..."
PHOTO/S: @chic2garcia on Instagram

Ang pagtanggap ni Jean Garcia ng back-to-back projects sa TV ay parte ng paghahanda niya para sa retirement sa showbiz.

"Totoo naman, I'm giving myself mga five to ten years pa siguro. Sa mundo natin, madali na lang yung pagdaan ng taon, di ba?

"Kaya todo-kayod tayo parati para makapag-ipon para ma-enjoy ko naman ang mga pinagtrabahuan ko kasama ko ang mga anak at mga apo ko," sabi ni Jean sa mediacon ng Lolong: Bayani Ng Bayan na ginanap noong January 13, 2025, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Ayon sa 55-year-old na aktres, since 2021 ay humataw na siya sa pagtanggap ng mga teleserye tulad ng First Yaya (2021), First Lady (2022), Lolong (2022), Nakarehas Na Puso (2023), Maging Sino Ka Man (2023), at Widows' War (2024).

This year, nagbabalik si Jean bilang si Doña Banson sa Lolong: Bayani Ng Bayan ng GMA Public Affairs.

Read: Jean Garcia heaps high praises on Alden Richards and Ruru Madrid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jean Garcia plays Dona Banson in Lolong: Bayani Ng Bayan
Jean Garcia plays Dona Banson in Lolong: Bayani Ng Bayan.
Photo/s: PR

Para kay aktres, mainam na paghandaan ang retirement nang maaga para hindi siya ma-stress pagdating ng panahon.

Aniya, "Saka noon ko pa nga naisip yung panahon na magre-retire na ako sa pag-arte.

"Darating din kasi ang time na I need to slow down na rin and think about something else, tulad ng kalusugan ko, ang mga apo ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It's nice to know lang na prepared ka at hindi ka ma-i-stress kung paano na ang pang-araw-araw na gastusin kung retired ka na.

"Lahat tayo, kailangan isipin na iyan and maghanda na tayo habang maaga pa."

Read: Jennica Garcia recounts sampalan scene with mom Jean Garcia

jean garcia: work is a blessing

Blessing ang mga trabahong dumarating sa kanya.

Aniya, kahit na hindi siya nakapagpahinga o nagbakasyon pagkatapos ng isang teleserye, okay lang dahil marami siyang pagkakataong magpahinga kapag nakapagretiro na siya.

"Hindi na tayo bumabata at marami nang bago mga artista na puwede nang pumalit sa puwesto natin.

"So, it's nice to retire na alam mong wala kang magiging problema. I just want to enjoy the rest of my years with my family."

Kahit pa noong newbie pa lamang siya, ganoon na lang ang pagpapahalaga niya sa trabaho.

Breadwinner kasi siya ng kanyang pamilya.

Kaya tuwing nagdarasal siya, ang lagi niyang hiling ay hindi siya mawalan ng trabaho sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The Lord has been good to me and my family. Lahat ng nangyaring maganda sa buhay namin, biyaya ni Lord.

"Kaya magkasunud-sunod man ang trabaho ko, I consider it a blessing at hindi pasanin.

"Sa totoo lang, ang dami nating kasabayan noon na walang mga trabaho. Kaya anuman ang dumating, basta kaya ng schedule natin, tanggapin natin, di ba?"

jean garcia prefers to stay single

Akala naman ng iba, ready nang mag-retire si Jean ay dahil nahanap na nito ang kanyang Mr. Right.

Pero paglilinaw ng aktres, wala siyang love life at mas gusto niyang single siya.

"Naku, ayoko na ng love life. Yung huli ko was 11 years ago. Mas na-enjoy ko ang pagiging single.

"Kapag single ka kasi, mas marami kang magagawa. Lalo na ako, mas gusto kong kasama ang mga anak at apo ko. Sila ang mga loves ko sa buhay.

"Kaya may plano na rin kami na mag-travel, yung kaming pamilya lang. Parang mas masaya kasi iyon, 'di ba?" pagtiyak ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jean garcia returns to lolong

Sa muling pagbalik ni Jean sa Lolong bilang si Doña Banson, mas mapanganib daw siya ngayon dahil paghihiganti ang gusto niyang makamit laban sa mga Atubaw.

"Kung baliw si Aurora Palacios, siguro ten times ang pagiging ganoon ni Doña dito sa Lolong 2.

"Nasa puso at utak ni Dona ay ang maghiganti sa mga Atubaw at makakahanap siya ng mga kakampi para matupad ang kagustuhan niya.

"Kung kinamuhian nila si Aurora sa Widows' War, sobra-sobra ang magiging galit nila kay Dona."

Kung may na-miss daw si Jean sa production ng Lolong, ito ay ang magandang samahan ng buong cast at ang maayos na pag-execute ng mga malalaking eksena ng direktor nilang si Rommel Penesa.

"Mas pinalaki at mas siksik sa drama at aksiyon ang season two.

"Hanga kaming lahat sa buong production ng Lolong dahil they always want to give the audience the best.

"At ang na-miss ko noong panahon na naka-lock in pa kami sa taping location ay ang magandang pagsasama naming lahat. Nagtutulungan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang happiness ng isa, happiness ng lahat. Ang problema ng isa, problema din ng lahat.

"And thank God, walang nabago sa mga iyon. Maasikaso pa rin ang buong production sa amin at kahit hindi na kami lock in, gusto pa rin nila na safe kaming lahat sa set.

"Ang sarap lang makasama sa isang show na kahit nakakapagod, masaya ka dahil naging maayos ang lahat at walang naging problema."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jean Garcia plans to retire from showbiz within the next five to ten years. She says, "Kaya todo-kayod tayo parati para makapag-ipon..."
PHOTO/S: @chic2garcia on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results