Nakatrabaho na ng seasoned actress na si Jean Garcia ang dalawang prime stars ng GMA Network na sina Alden Richards at Ruru Madrid sa magkakaibang proyekto.
Si Alden ay nakasama ni Jean sa The Gift (2019); at si Ruru naman ay sa Book 1 ng Lolong (2022) at sa Book 2 nitong Lolong: Bayani ng Bayan ngayong 2025.
Puro papuri ang namutawi sa bibig ni Jean nang mausisa tungkol sa dalawang Kapuso actor.
Read: Jean Garcia's son Kotaro to be launched as member of boy group
JEAN GARCIA: no comparison between Alden AND RurU
Sa grand presscon ng Lolong: Bayani ng Bayan noong January 13, 2025, puring-puri ni Jean ang co-star niyang si Ruru, lalo pa't kakapanalo lang nito bilang best supporting actor sa Metro Manila Film Festival 2024 para sa Green Bones.
Tinanong si Jean kung maaari na bang isunod si Ruru sa pangalan ni Alden, na itinuturing na isa sa prime stars ng Kapuso network. O magka-level na ang dalawa?
Sagot ni Jean, "Magka-level na. Oo, oo naman. Oo naman.
"Mahal ko si Alden, pero mahal ko rin si Ruru.
"Kasi pareho silang mabuting tao."
Ayon pa sa aktres, hindi niya nakitaan ng pagbabago sa ugali si Alden mula nang nagsisimula pa lamang ito hanggang ngayong sikat na sikat na.
Saad ni Jean: "Kasi si Alden, walang pagbabago.
"Si Alden, ang pagbabago lang, dumami lang ang pera. Hindi ba?
"Pero same. Kaya nga, di ba, level na, di ba? Same.
"Hindi ko naman sinasabi na, 'Ay, dun tao sa may pera. No.'
"Ang ibig kong sabihin, naging very successful.
"Pero despite that, nakatapak sa lupa."
Sabi pa niya tungkol kina Alden at Ruru, "Mabuting mga tao. Mabuting mga bata."

Jean Garcia and Ruru Madrid at Lolong: Bayani ng Bayan presscon held recently at Gatewat Mall in Cubao, Quezon City
Read: Jean Garcia all praises for Lolong co-star Ruru Madrid
JEAN GARCIA ON DISRESPECTFUL STARS, NEWBIE
Sa kabilang banda, sino naman yung mga artistang "hindi nakatapak ang paa sa lupa?"
Biro ni Jean, "Itago natin sa pangalang... Ay, hindi ko na alam. Ayoko magsalita!"
Seryosong dagdag ng aktres, "Pero ngayon kasi, alam mo, sa totoo lang, hindi na kasi uso yung pasaway.
"Ngayon kasi, ang uso ngayon is..."
Naputol na ang pagsasalita ni Jean, kaya tinanong ulit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Allan Diones ang aktres kung meron na ba siyang natalakan o napagsabihang co-star.
Tugon niya, "Di naman, di ako pumapatol sa mga ganyan.
"Alam mo, ayoko mag-effort na ano, madagdagan ang wrinkles o ano. Hindi nakakaganda.
"So, pag may problema, production na bahala dun, hindi na ako nakikialam.
"Hindi na ako nakikialam sa mga... kayo ng production ang ano, di ba?"
So, umiiwas na siya sa stress?
Sabi ni Jean, "Hindi na, unless siguro close to me, pagsasabihan ko. Kung close sa akin.
"Pero kung hindi naman close sa akin, hindi na ako mag-e-effort, kasi hindi ko naman na trabaho yan.
"So, kung close sa akin, pagsasabihan ko in a very nice way. Na parang pamilya talaga.
"Maraming ganyan, 'Oh, beh, huwag magrereklamo.' 'Ayos tayo, beh, nakakalimot tayo, beh.'"
Ngumiti lang si Jean nang sabihin naming hindi pala siya mataray sa likod ng kamera.
Read: Jennica Garcia recounts sampalan scene with mom Jean Garcia
