Nadagdagan ng isa pa ang listahan ng super commuters—mga taong bumibiyahe nang napakalayo para pumasok sa trabaho o paaralan.
Siya si Shao Chun Chen, 39, naninirahan sa Thailand, pero nagtatrabaho sa Singapore.
CURRENT WORK SETUP
Si Chen ay kasalukuyang adjunct lecturer o part-time professor sa National University of Singapore (NUS).
Nagtuturo siya ng digital marketing isang beses sa isang linggo, at ang kanyang klase ay tumatagal lamang ng tatlong oras.
Mula Chiang Mai, bumibiyahe siya ng 2,000 kilometers via plane patungong Singapore once a week.
Pero sa napakaluwag niyang part-time teaching job, kumikita siya ng 2,000 hanggang 4,000 Singapore dollars kada buwan.
Katumbas ito ng PHP86,000-PHP172,000—at sapat na para ang kanyang pamilya ay mamuhay nang masagana sa Chiang Mai.
“Three hours of working in Singapore can sustain my entire expenditure in Thailand,” paliwanag ni Chen sa CNBC noong May 14, 2025.

LAID-OFF EMPLOYEE FROM GOOGLE
Si Chen ay taga-Singapore at nagtatrabaho dati sa Google. Isa siya sa mga na-lay off noong February 2024.
Higit isang dekada siyang nagtrabaho sa kilalang tech company.
Kung tutuusin, hindi na kailangang mangamba ni Chen sa pagkaka-lay off dahil may ipon siyang $2 million o PHP111 million.
Pero dinibdib niya ang nangyari.
Pag-amin ni Chen: “I’ve been working for the last 14 years of my life, and because of the layoff, I was forced to take a break.
“It was very devastating, it was a huge blow to my ego, my identity.
"But it turns out, with time ... it sort of mandated me to think what I really wanted in life.”
Inilagak niya ang ipon sa investment para magkaroon ng passive income.
Sa kabila nito, naging praktikal si Chen at nagdesisyong magtrabaho uli para magkaroon ng active income.
Kumikita rin siya mula sa content creation.
Si Chen ay nagtuturo at nagko-coach sa pamamagitan ng YouTube videos.
Noong November 2024, dinala niya ang kanyang pamilya sa Chiang Mai, kung saan mas mababa ang cost of living.
Read: Lone senior high school graduate is also summa cum laude
LIVING IN THAILAND
Pag-amin ni Chen, ang kanyang lifestyle ay naging “so much better” nung nanirahan siya sa mountainous city ng Thailand, kahit pa kailangan niyang lumipad sa Singapore once a week para magturo.
“I’m also conscious that not everyone can do it, and the locals are not making as much as we are. [We are] earning in dollars, spending in baht.
“I no longer feel the need to ... be on that hamster wheel or to always be producing.”
Apat hanggang walong oras kada linggo lamang ang ginugugol niya sa pagiging part-time teacher sa NUS.
Nagagawa raw niyang makapiling ang pamilya at ipagluto ang asawa, hindi gaya dati na lagi siyang nagmamadali dahil sa trabaho.
Noong naninirahan siya sa Singapore, nagbabayad siya ng Singaporean $2,450 (PHP106,000)/ month para sa two-bedroom condo unit.
Ngayon ay nagbabayad lamang siya ng Singaporean $450 (PHP19,000)/ month sa inuupahang unit sa isang condo na mayroong multiple pools, gym, at sariling Pilates studio.
Kada buwan, gumagastos siya ng Singaporean $300 (PHP13,000)-$500 (PHP21,000) para sa pagkain at groceries at Singaporean $200 (PHP8,600) para sa pamasahe.
Umaabot naman sa Singaporean $250 (PHP10,800) ang round-trip ticket niya tuwing Biyernes.
Ibig sabihin nito, ang kabuuang gastos kada buwan ni Chen ay tinatayang PHP60,000.
Samantala, kung sa Singapore siya titira, ang monthly income niyang PHP106,000 ay para sa condo unit lamang—wala pang pagkain, groceries, at transportation expenses.
Kuwento ni Chen: “Everything made in Thailand is cheap, but the moment you want to buy international options, like wine from France… it’s more expensive."
Ang tanging downside: malubha raw ang traffic sa Thailand.
Nanibago rin siya sa bagong work set-up dahil mas nakasanayan niya ang sistema sa corporate world sa matagal na panahon.
Sa kabila nito, sinabi ni Chen na masaya siyang nakapamumuhay nang maayos at may oras pa sa ibang bagay.
Pero hindi niya isinasarado ang sarili sa posibilidad na bumalik sa Singapore kapag may dumating na magandang pagkakataon.
Read: Miss World Somalia, survivor of female genitalia mutilation
SUPER COMMUTERS in the spotlight
Nito lamang Abril 2025, naitampok sa news sites si Racheal Kaur, isang airline employee, na araw-araw bumibiyahe pahimpapawid mula Penang patungong Kuala Lumpur sa Malaysia at vice-versa.
Mas nakakatipid daw siya sa ganitong set-up kesa magrenta ng apartment malapit sa kanyang opisina.
Mas may time pa siya sa pamilya.
Read: Employee commutes by plane daily for work; saves PHP8K monthly
February 2024 naman nung ibinalita ang super-commuter art student na si Tim Chen.
Dalawang beses sa isang linggo kung mag-air commute si Tim na taga-Calgary para pumasok sa University of British Columbia sa Vancouver.
Mas mura raw airline tickets kesa apartment rental sa Calgary.
Read: College Student Flies to School Instead of Renting Nearby
Napaulat naman noong September 2024 ang pagbibiyahe ni Starbucks Chief Executive Officer Brian Niccol.
Nakatira siya sa Newport Beach, California, at bumibiyahe sa Seattle, Washington, para pumasok sa trabaho.
Private jet ang gamit ni Niccol kapag bumibiyahe papunta sa trabaho.
