Araw-araw, bumibiyahe sa himpapawid ang isang empleyado para pumasok sa kanyang trabaho.
Si Racheal Kaur ay taga-Penang, Malaysia, at ang kanyang opisina ay nasa Kuala Lumpur.
Kung bibiyahe siya by car, back and forth, at least six hours sa daan si Racheal.
Kaya mas pabor daw sa kanya ang travelling by air.
Bukod sa mas nakakatipid siya, nakikita pa niya ang mga anak araw-araw.
Read: 3 types of food to avoid, according to an Olympic nutrition coach
DAILY ROUTINE
Si Racheal ay isang assistant manager sa AirAsia.
Ang pasok niya sa trabaho ay 9:00 A.M., kaya madaling araw siya nagigising.
“I don’t take the bus or drive to work. I actually fly to KL [Kuala Lumpur] every day,” ani Racheal sa interview ng Channel News Asia Insider, February 2025.
Gising na raw siya ng 4:00 A.M. para mag-ayos. Pagsapit ng 5:00 A.M., aalis na siya ng bahay at bibiyahe papuntang airport para sa 5:55 A.M. boarding.
Malapit lamang ang airport kaya’t hindi niya kailangang magmadali sa pagda-drive.
“It gives me plenty of time to park my car, put on my shoes, walk over, get myself boarded, check in to the flight…”
Ang flight niya papuntang Kuala Lumpur ay tumatagal lamang ng 30-40 minutes.
Mula sa airport sa Kuala Lumpur, maglalakad siya ng lima hanggang pitong minuto para makarating sa kanyang place of work.
“And I’m in the office no later than 7:45,” sabi ni Racheal.
Ibig sabihin, mayroon pa siyang higit isang oras na libre bago magsimula ang trabaho.
Read: The Pope Dies: What happens next in the Vatican?
REASON FOR HER CURRENT SETUP
Dati ay nagrerenta ng apartment na malapit sa opisina si Racheal.
Umuuwi siya sa Penang tuwing weekends.
Pero nagdesisyon siyang umuwi at mag-commute via plane araw-araw—na tinatawag ding super commute—para sa kanyang mga anak.
“I have two kids. Both are growing,” aniya sa Channel News Asia Insider.
“With them growing, I feel that the need for the mother to be around more often.
“And with this arrangement, I’m able to go home every day. I’m able to see them at night, help out with any last-minute homework.”
Bagama’t nagtatrabaho siya sa isang airline carrier, binabayaran ni Racheal ang kanyang ticket, pero nakaka-avail siya ng employee's discount.
Kada araw, ang gastos niya ay nasa 50 Ringgit o $11 (katumbas ng higit PHP600) para sa back-and-forth flights.
Noong nagrerenta pa siya sa Kuala Lumpur, ang total monthly expenses niya para sa rent at pagkain ay 2,100 Ringgit o $474, na ang katumbas ay tinatayang PHP26,500.
Ngayong nakatira siya sa Penang, ang ginagastos niya monthly para sa plane tickets at lunch ay umaabot lamang ng 1,400 Ringgit o $316. Tinatayang katumbas nito ay PHP17,700.
Ibig sabihin, mas nakakatipid si Racheal ng higit PHP8,000 kada buwan ngayon. Nakakasama pa niya ang kanyang pamilya.
Ang flight ay itinuturing din niyang me-time.
Sabi niya, “[I]ts first 10-15 minutes will be on a little bit of prayer, a little bit of self-reflection...
“And then the rest of the journey, I listen to music while admiring the nature outside.”
Sinimulan ni Racheal ang air commuting noong nakaraang taon.
Malaki ang pasasalamat niyang pinayagan ng kanyang employer ang ganitong set-up.
Mas pabor daw talaga ito para kay Racheal dahil mas mabilis niyang natatapos ang trabaho.
“When I’m here, I’m able to focus a hundred percent on my work,” aniya, patukoy sa Kuala Lumpur office.
“And when I’m home, I can achieve a hundred percent focus with my family.”
Usually, nakakauwi siya ng 7:30 P.M. mula sa trabaho.
May dalawa pang officemates si Racheal na nag-i-air commute din papasok sa work.
Aminado si Racheal na marami pa ang namamangha kapag nalalaman nila ang kanyang current set-up.
Bagama’t nakakapagod, sulit naman ang lahat para kay Racheal.
Sabi niya, “It is exhausting to wake up every day at 4:00 A.M. The moment I reach home, I get to see my kids, all that exhaustion it is gone. It’s just wonderful.”
SUPER COMMUTERS IN 2024
Noong February 2024, iniulat ang regular flights ng art student na si Tim Chen, residente ng Calgary, Canada.
Twice a week ay pumapasok siya sa University of British Columbia, na nasa Vancouver, na 10 to 12 hours ang layo mula sa bahay nila.
Imbes na magrenta malapit sa university, nagpasyang mag-air commute si Tim.
Read: College Student Flies to School Instead of Renting Nearby
September 2024 naman nung napaulat ang three-times-a week na biyahe ng noon ay newly-appointed Starbucks Chief Executive Officer na si Brian Niccol.
Si Niccol ay nakatira sa Newport Beach, California, samantalang nasa Seattle, Washington naman ang punong tanggapan ng Starbucks.
Private jet ang gamit ni Niccol para sa kanyang regular flights.
Read: Starbucks CEO to use private jet for regular office commutes
