Asawa ni Kristine Hermosa si Oyo Sotto, na anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto.
Kumusta si Dina bilang mother-in-law o biyenan?
“Nakakatuwa nga isipin kasi sa totoo lang, kung tatanungin, well, kung aalamin natin yung sasabihin ng mga ibang tao, feeling nila, si Mama D, supladita.
“Parang kung ano yung tingin nila sa akin, di ba, ganun?"
Pero dahil sa pagkakapareho ng ugali nila, maayos ang relasyon nila.
Sa pagpapatuloy ni Kristine: “So parang ako, nakakatawa lang, kasi she’s very blunt. Alam mo yung straightforward!
“E, ganun din ako, so nagkakasundo kami.
“Kaya minsan, pag merong mga, you know, mga parang, ‘Ay, bakit ganyan siya, very frank,’ very ganyan.
"Sabi ko, ‘Ay, just understand.’ Natatawa nga ako sa pagka-straightforward niya, e. Kasi totoo lang siya talaga.
“And ganun din ako, so, nagkakaintidihan kami ni Mama D,” ang nakangiting pahayag pa ni Kristine.
Read:
Vice Ganda recalls funding school's construction in Sorsogon
Angelica Panganiban recounts breakdown: “Iyak ako nang iyak....si Angelica, wala na."
DINA BONNEVIE AS MOTHER-IN-LAW
Samantala, sa panayam ni Dina Bonnevie kay Boy Abunda noong August 26, 2025, isang tip niya as a mother-in-law is to know that there are "certain boundaries," kapag nakikipag-usap sa mga manugang.
Hindi raw siya nangingialam.
Aniya, “Kay Tin, medyo hindi ko puwedeng pakialaman yung outfit niya. Tipong gano’n.
“Parang, ‘O, Danica, may mga kalat diyan, dapat maayos yung bahay, ganyan, ganyan.’ Hindi ko puwedeng gawin yun kay Tin."
Si Danica ang panganay na anak nina Dina at Vic at hipag ni Kristine.
Imbes na pagsabihan mismo si Kristine, ang kakausapin daw niya ay ang anak na si Oyo.
So far, sa 14 years na buhay mag-asawa nina Oyo at Kristine, wala pang napabalitang di pagkakaunawaan sa pagitan ng magbiyenan.
Hanga rin si Dina sa pagiging "hands-on mom" ni Kristine sa anim na anak nila Oyo.
Magkakasama sila—Kristine, Dina, Oyo, Danica, at Marc Pingris—bilang mga hosts sa YouTube show na House Of D.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristine sa grand opening ng Skinlandia beauty and wellness clinic nitong September 27, 2025, sa ground floor ng The Viceroy Residences sa Mckinley, Taguig City.
Si Kristine ang isa sa mga guests of honor para sa ribbon-cutting ceremony sa McKinley branch, na pag-aari ng GMA-7 talent na si Jess Martinez at mommy niyang si Jessieden Ali Martinez.
Franchisee sila ni Noreen Divina, ang Skinlandia owner and CEO.

