PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manilyn Reynes reveals finance set-up with husband Aljon Jimenez

Manilyn and Aljon have been married for 29 years.
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 12, 2025
Manilyn Reynes and husband Aljon Jimemez
Manilyn Reynes and Aljon Jimenez have been married for 29 years and have never had any disagreement related to money.
PHOTO/S: @manilynreyenes27 on Instagram

Twenty-nine years na ang marriage nina Manilyn Reynes at Aljon Jimenez.

At isa sa maipagmamalaki ni Manilyn ay hindi raw naging issue ang pera sa pagsasama nila ni Aljon.

Ito ang ni-reveal niya sa vodcast na Your Honor noong September 24, 2025.

Isa sa mga tanong kay Mane (palayaw ng aktres) ng hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar ay tungkol sa family finances.

Paano ang hatian nila ni Aljon? Fifty-fifty ba?

MANILYN REYNES ON FINANCE SET-UP AT HOME

Sagot ng 53-year-old singer-comedian, wala raw fixed percentage o amount.

“Kasi alam mo, puwede naman kung sino yung kumikita ngayon, maglagay ka dito.

“Malay mo ako naman, wala akong kita today. O, e, di hindi muna. Tapos, siya naman.

"Kaya nga kayo magkatuwang, e, hindi naman kailangan 50-50.

“Para sa akin, we don't have anything against people or couples na nag-a-agree na ganun dapat, 50-50. Kasi iyan naman ang agreement niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, sa amin ni Aljon, kahit na ano. Ano maibigay mo, magkano, maibigay mo.”

May exclusive tip na ibinahagi ang Pepito Manaloto star, mas maganda raw na merong iba't ibang account for their specific needs.

Read: TIPS: The 50-20-30 rule for saving money

Sa pagpapatuloy ng Kapuso star: "Meron kayong matutulog na money, hindi niyo ita-touch. Meron kayong money na panggastos lang talaga para sa bills niyo and all.

“That way kasi, alam niyo saan napunta. Wala kayong tanungan, because you know and you never, never, never fight about money, sa totoo lang,” diin pa ng aktres.

MANILYN REYNES AND ALJON JIMENEZ'S LOVE STORY

Inusisa rin nina Chariz at Buboy kung paano nagsimula ang love story nina Manilyn at Aljon?

Kahit daw naging successful ang love team nila noon ni Janno Gibbs, at si Aljon naman ay naipareha kay Ruffa Gutierrez, silang dalawa raw ang itinadhana para sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa set ng isang horror film daw umusbong ang lahat.

Kuwento ni Mane: “Noong pumasok si Aljon sa showbiz, 1990s na yun. Nagkikita kami sa That's. Kasi madalas pa akong pumupunta nun. Pero hindi pa naman kami nagpapansinan.

“Until nag-Shake, Rattle & Roll 2 ako, kasi kami yung magka-partner dun."

Ang tinutukoy na pelikula ni Manilyn ay ipinalabas noong 1990. Naging bida si Manilyn sa "Aswang" episode.

Paano niya ilalarawan at that time si Aljon?

"Talagang super tahimik yun. Tahimik lang talaga siya. Siya yung tingin lang.

“Ako ang bangka, so magkukuwento ako sa staff, sa crew. Siya naman titingin lang.

"Pero, siyempre, yung tingin na, 'Ay!,'" sabay kinilig si Mane.

Very spontaneous daw ang nangyari.

"Alam na namin na we had feelings for each other nung sa Shake pa lang. Kasi may isang eksena doon na nasa sasakyan kami, tapos ang tagal naming naka-stay sa car.

"So, ewan namin for some reason, nasa driver's seat siya, ako sa front seat. Tapos bigla na lang kaming nag-holding hands. Tapos alam mo yung after nun, hindi mo na alam yung gagawin mo, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Aminin niyo iyan. Nakakahiya na. So, hindi ka na makatingin,” tawa pa ng aktres.

Nagpanggap pa raw si Manilyn noon na nakadungaw sa bintana dahil hindi siya makatingin kay Aljon, pero halata sa kanya na kinikilig siya.

Okay na raw ang lahat, hanggang sa biglang naputol ang communication nila ni Aljon sa isa’t isa.

“Nagtatawagan na kami. Nag-I love-you-han kami pero hindi pa kami.

“One year, nawala iyan. Nawala yung calls. Nawala lahat.

"Tapos sabi ko, ‘Ibig sabihin siguro, hindi, di ba? Kasi nawala, e,” diin pa niya.

Sa 19th birthday ni Manilyn noong 1991, binisita siya ni Aljon.

Dahil matagal na hindi nagparamdam, malamig ang naging pagtrato niya sa aktor.

Hindi raw kinausap ni Manilyn si Aljon, hanggang sa nagsiuwian na ang mga tao at muli silang nagkausap. Pa-madaling araw na nun.

“So, mga 2 A.M. na. Eto na. Wala ng tao, siguro mga iilan, mga dalawa, tatlo. Tapos sabi niya sa akin, tipsy. ‘Aalis na ako.’ Sabi ko. ‘A, andito ka pala!’ Siyempre, kailangan natin, drama!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bigla raw napamura si Aljon, at hindi nagustuhan yun ni Mane.

“Ano? Talagang nagpanting yung tenga ko kasi ano ito, di ba? One year kang wala tapos pagdating mo dito may ganyan? Ano ito?”

Yun pala ay nagseselos si Aljon na may mga bagong manliligaw si Manilyn. Doon na raw nagtapat si Aljon ng kanyang pag-ibig sa aktres.

“May pagseselos pang nagaganap, di ba? So ako parang, 'Ano ito? Nasaan ako?'

“Biglang sabi sa akin, ‘Alis na ako, I love you!’

“Siyempre mainit ang ulo ko, galit na ako, e, di ba? Pero napasagot ako ng, 'I love you, too!’”

Ikinasal ang dalawa noong 1996 sa Reno, Nevada.

May tatlong anak ang couple—sina Kyle, Kirk, at Kael.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manilyn Reynes and Aljon Jimenez have been married for 29 years and have never had any disagreement related to money.
PHOTO/S: @manilynreyenes27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results