Si Andrea Brillantes ang calendar girl ng Tanduay para sa 2026.
Ipinakilala siya sa engrandeng media launch na ginanap sa isang events place sa Quezon City ngayong Biyernes ng gabi, Nobyembre 14, 2025.
Ikinuwento ni Andrea na nagulat siya nang matanggap ang alok na mag-pose nang sexy para sa kalendaryo ng popular alcoholic beverage dahil isinaalang-alang daw niya ang mararamdaman ng kanyang pamilya at mga taga-hanga.
Saad ng 22-year-old actress: “I was shocked at first as in napaisip ako. Weh, talaga ba?
"Nung napaisip ulit ako, wait, ready na ba ako? Ready na ba yung mama ko, yung lola ko na nandito sila ngayon. Sorry Mama, hi!
“Ready na ba yung fans ko? Kasi siyempre lumaki ako, like, sa screen. Nakita nila ako bagets pa.
"So, inisip ko, ready ba talaga sila?
“But then, I got very super excited kasi I knew that this is something that I can do and I also wanted to do.
"I knew that I was ready. I am really happy to be here. This is such an honor and a huge milestone for me.”
Read: NEW ENDORSER ALERT: Alden Richards is the face of CDO corned beef
ANDREA BRILLANTES SEXY PICTORIAL
Pinaghandaan nang mabuti ni Andrea ang kanyang sexy pictorial para sa kalendaryo, pero hindi niya naitodo ang paghahanda dahil nagkaroon siya ng karamdaman.
Lahad niya: “I had to prepare physically and mentally.
"Gusto ko pa talagang itodo yung preparations ko but, unfortunately, I got hospitalized a month before the shoot, so hindi ako nakapag-workout at all kasi I was too weak.
“I just stayed disciplined with my new plans. Hindi ko na rin sinagad yung sarili ko kasi I also didn’t wanna push this idea na you have to look a certain way or a specific body shape para maging calendar girl ka.
“Also, love ko naman yung body ko. Hinayaan ko na lang.
"Sabi ko, unahin natin yung health ko at saka gusto ko ngang maging mas body positive tayo, kumbaga.
“Hindi yung kailangan talaga na super payat, yung super toned.
"Gusto ko kasi talaga may muscles ako pero hindi kinaya. Naospital ang girl.
“And also, I studied the concept with my team. Gusto ko talagang maging kakaiba ang mga maipapakita ko sa inyong lahat.”
Pinakapaborito raw ni Andrea ang kanyang larawang nakahiga sa mga talulot ng bulaklak na pula. Ipinaglaban niya ang konsepto kaya nagkaroon ng katuparan.

Read: TWICE members Jihyo and Tzuyu reveal their skincare secrets