Na-in love ang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa ganda ng Siargao.
Kuwento niya: "I just fell in love with Siargao 'cause ang ganda talaga nung, ng lifestyle.
"Like it's super lax and people are nice. Walang judgment, di ba?
"So, actually, I kept on extending, e, when I was there supposedly one week, naging 10 days na naging 14 days."
Naniniwala ba siya sa claims ng mga turista na may "curse" daw ang kagandahan ng Siargao?
"It's really true. Kaya yung mga foreigners natin, di ba? Kaya sana talaga yung gobyerno ay mag-invest sa runway.
"Para magmura [airfare]. Para maraming Pilipino makapunta, hindi lang puro foreigners.
"Kasi andami talaga, mas maraming foreigners, e."
May mga celebrities na ring nakapagpundar at nagtayo ng bahay at bakasyunan doon katulad nina Nadine Lustre at Andi Eigenmann.
"Marami na ring lumilipat from abroad pupunta doon. Pati mga taga-Manila, pupunta doon because it's really nice. It's very peaceful. Food is good. People are nice, super nice."
Kahit naman daw makapagpatayo ng resort si David, pipiliin pa rin niyang sa Maynila nakabase.
"Of course, logistically, nandito yung negosyo natin. Nandito yung trabaho natin. So most likely, dito tayo."
Nakakuwentuhan ng media si David, kabilang na PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bagong primetime series ng GMA na Never Say Die.
Kasama niyang bida sa show si Jillian Ward at nakatakda na itong ipapalabas sa February 2, 8:55 ng gabi, sa GMA Prime.

Read: Gretchen Barretto attends wake of mother Inday Barretto
DAVID LICAUCO TO MANAGE CONSTRUCTION OF RESORT VILLA
Personal daw na pamamahalaan ni David ang construction ng kanyang planong resort villa.
Aniya: "So after this show, I plan to go there. Bantay ako ng construction dahil di naman puwedeng papabayaan mo lang, di ba?
"So, mag-stay ako doon, siguro pabalik-balik, back and forth kung walang trabaho."
May mga kahati ba siyang investor?
Saad niya, "Ako lang."
Magkano ang inilaan niyang budget?
Sagot niya: "It's not, it's not too big. Like villas lang siya. Mga siguro three to four villas.
"Ganun yung uso doon, e, di ba? Bali style. May sarili kang pool tapos meron kang sariling villa."
Nakabili na raw si David ng lupa doon.
"Yeah, bumili ako nung August."
Isa pang island ang next goal ni David: "So now, naghahanap ako sa Palawan."
Read: Kathryn Bernardo, Mayor Mark Alcala spotted sa Power Plant Mall
