Maugong na usap-usapan ngayon sa social media ang buhay pag-ibig ng Kapuso hunk na si David Licauco.
Ito’y matapos siyang maispatan sa isang kasal kasama ang kanya umanong non-showbiz girlfriend.
Sa larawan, makikita ang isang babaeng nakasuot ng pink gown na nakadantay sa dibdib ni David habang ito'y kumukuha ng litrato sa naghahalikang bride at groom.

Makikita rin sa kanilang tabi ang rumored couple na sina Magui Ford at Robbie Jaworski.

Kinilala ng ilang netizen ang kasama ni David sa larawan bilang si Alex Manalang, ang kasintahan umano ngayon ng aktor.
Isa pang litrato ang lumabas mula sa reception ng kasal, kung saan naaktuhan sina David at Alex na magkasamang kumukuha ng pagkain.

DAVID, ALEX SPOTTED IN SIARGAO
Hindi ito ang unang pagkakataong naispatan ang dalawa na magkasama.
Noong August 2025, isang netizen ang nag-upload ng video sa TikTok kung saan makikita sina David at Alex na magkasama at nag-uusap.

Ayon sa uploader, kuha ang naturang video sa isang bar sa Siargao.
Dahil sa mga sighting na ito, marami sa mga tagahanga ni David ang unti-unting nakukumbinsi na tila may espesyal ngang namamagitan sa aktor at kay Alex.
Lalo pa't si David ay pina-follow si Alex sa Instagram.
Noong January 2025, nakumpirma ang pagiging single ni David makaraan niyang mahiwalay sa kanyang mystery girlfriend.
Nakumpirma ito ilang araw lamang nang isapubliko ni Barbie Forteza na nagtapos na ang pitong taon nilang relasyon ni Jak Roberto.
Read: David Licauco respects Barbie Forteza's healing journey
Si Barbie ang ka-loveteam ni David.
Read: Vice Ganda teases David Licauco about courting a leading lady
Hindi lingid sa kaalaman ng iba ang pagiging pribado ni David sa kanyang mga nagiging kasintahan.
Noong June 25, 2024, una niyang inamin na siya ay may kasintahan.
Sa guest appearance niya sa Fast Talk With Boy Abunda, tinanong ang aktor kung siya ay single o taken.
Sumagot si David ng "taken."
Read: David Licauco no longer in a relationship
Gayunman, hindi niya pinangalanan kung sino ang kanyang karelasyon. Wala rin siyang ibinahaging post sa social media tungkol dito.
