PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to prepare for your retirement

Why the best time to start is now.
by Bernie V. Franco
Published 4 days ago
retirement
If retirement is on your mind, these four tips can help you prepare.
PHOTO/S: Canva

Ang pagpaplano ng retirement ay hindi dapat ipagsawalang-bahala dahil dito nakasalalay ang iyong financial security kapag nagkakaedad na at hindi na makapagtrabaho bilang empleyado.

Nagbigay ng ilang tips si Salve Ibañez, kilalang business journalist, registered financial planner, at financial literacy advocate, sa kanyang programa sa DZMM Teleradyo noong April 5, 2026.

Aniya, ang pag-iipon ngayon ay paghahanda sa magiging expenses sa hinaharap.

Kelan ba dapat magsimula? Base sa kanyang four tips, the best time to start is now.

Planning Your Retirement

HOW MUCH DO YOU NEED IN THE FUTURE?

Tukuyin ang projected expenses by the time you retire.

Ikunsidera ang food, bills, healthcare, at daily needs para magkaroon ng idea.

“Ano ba kasing lifestyle ang gusto mo? Doon po sa lifestyle kasi papasok. Dapat kapag yun ang sinet mo, sure ka na yun ang gusto mo.”

Huwag kalimutang nagde-depreciate ang halaga ng pera sa paglipas ng panahon.

“Kaya naman ako, sinasabi ko, simple lang ang buhay mo, konti lang din ang iipunin mo for your future,” punto ni Ibañez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PRC explains “Name Withheld” in 2026 Physician Licensure Exam

KNOW YOUR INCOME SOURCES

Payo ni Ibañez, “Alamin kung magkano ang papasok na pera mula sa pension, savings o passive income para masiguro ang cash flow.”

Ang nakikita raw niyang problema ng mga Pinoy ay wala silang passive income.

Dapat daw na pagtuunan din ito ng pansin, hindi lamang ang active income o ang suweldong nakukuha mula sa regular na trabaho at negosyo.

Ang passive income ay ang interes mula sa mga investments at insurance.

Isang halimbawa nito ay ang real estate na ginawang paupahan, na nakakatanggap ng kita buwan-buwan, pati na rin ang interes mula sa Pag-IBIG MP2.

“Para pag hindi mo na kaya ang active work, puwede ka nang mag-depend sa iyong passive income: properties, stocks, investments, bond investments."

SAVE AND INVEST

Mag-ipon at mag-invest nang maaga

“Habang maaga kang magsisimula, mas lumalaki ang pera mo dahil sa interest at investments.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May tip ding ibinigay ang financial planner kung paano ma-maximize ang nakukuhang interes sa investments.

“Yung kinikita mo diyan, kunwari sabihin natin PHP5,000 kada buwan. Kung iyon ay idadagdag mo sa grocery budget mo, magdi-disappear na iyon.

“Pero kung ang kinikita mong PHP5,000, doon sa negosyo ay ini-invest mo ulit sa ibang negosyo o kaya sa bonds, sa stocks, sa mutual funds o sa digital bank, at kumikita ulit yung interes...

“Yung interes na kumikita ulit ng interes. Iyan po ang sikreto ng mga bilyonaryo.

“Yung kita, ginagawan ng paraan para kumita ulit.”

ADJUST YOUR LIFESTYLE

Mag-set ng budget at mag-stick dito.

Dapat daw na matutong mag-prioritize ng needs over wants para makapag-ipon para sa retirement.

Pag dumadami raw kasi ang wants, mas lumiliit ang budget.

Sundot niya, "Kung kulang ang income, e, di, simplehan lang natin [ang lifestyle]."

Pagtatapos ni Ibañez, makakamit ang komportableng buhay after retirement kapag may tamang pagpaplano at disiplina sa pagma-manage ng pera mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: British couple that attacked Pinay nurse in UK ordered jail time

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If retirement is on your mind, these four tips can help you prepare.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results