PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili says new business is additional source of income

Katrina on Kris: "Madali para sa akin na meron akong katuwang kay Katie."
by Arniel C. Serato
Published 2 days ago
Katrina Halili talks about her new business
Katrina Halili on opening a new business: "Hindi naman po tayo puwedeng umasa sa isang ano lang, isang income lang. So kailangan natin bilang nanay, kailangan na nating may iba pa, may iba pa tayong pagkukuhaan."
PHOTO/S: Arniel Serato

May negosyong ipinundar si Katrina Halili na nakapangalan sa anak niyang si Katie, ang Katie's Balm and Cologne.

Para kay Katrina, malaking bagay ang pagkakaroon ng iba pang sources of income bukod sa kinikita niya sa showbiz.

"O, di ba? Siyempre ano, hindi naman po tayo puwedeng umasa sa isang ano lang, isang income lang.

"So kailangan natin bilang nanay, kailangan na nating may iba pa, may iba pa tayong pagkukuhaan."

Katrina Halili's business
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisip daw niya ito kasi may mga panahong wala siyang ginagawa.

Dagdag niya: "Ano talaga kasi parang, yun nga, may mga times na minsan, wala kang trabaho.

"Minsan, di ba, parang inisip ko na parang meron pang iba, hindi lang yung pagiging artista ko, di ba? Para rin naman kay Katie."

Read: Alex Gonzaga announces pregnancy after third miscarriage

KATRINA HALILI SAYS DAUGHTER IS HER AND KRIS LAWRENCE'S "lucky charm"

Natuwa nga din siya sa kanyang anak dahil ang sipag nitong mag-promote ng kanilang negosyo.

Sa panayam kay Katrina noong presscon ng Kapuso series na Kamao, sinabi niyang si Katie ang dahilan kaya siya nagpursige siyang magtayo ng negosyo. Ang dami raw kasing nagmamalasakit sa anak niya, base sa mga mensaheng natatanggap nilang mag-ina sa social media.

"Naisip ko talaga kasi ang daming nagmamahal kay Katie.

"Sabi ko, 'Parang kailangan ko maglabas ng product namin ni Katie kasi parang may magic kasi yung word niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag sinabi niyang, 'Bili kayo, parang mapapabili ka.'

"Yes, ang daming sumusuporta, nakakatuwa po lalo na pag nagla-live kami, dami naming nabebenta."

Natutuwa rin ang mga followers ni Katrina at naging maayos na ang relasyon niya sa ex-partner na si Kris Lawrence.

Sabi ng aktres, "Siya talaga yung lucky charm namin talaga."

Patungkol sa kanila ni Kris, "Kaya siguro minamahal ng tao kasi nagtutulungan kami para sa anak namin, di ba?

"And yes, mas madali para sa akin na meron akong katuwang kay Katie."

Samantala, mapapanood na ang Kamao sa May 25, 2026, 3:20 ng hapon, Mondays to Fridays, sa Afternoon Prime ng GMA.

Katrina Halili during Kamao's cast introduction.
Katrina Halili during Kamao's cast introduction.
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gaganap si Katrina bilang nanay ng bidang aspiring boxer na gagampanan naman ni Anton Vinzon.

Read: Katrina Halili clarifies relationship status with Kris Lawrence

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili on opening a new business: "Hindi naman po tayo puwedeng umasa sa isang ano lang, isang income lang. So kailangan natin bilang nanay, kailangan na nating may iba pa, may iba pa tayong pagkukuhaan."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results