Inisa-isa ng isang financial expert ang mga rason kung bakit magandang mag-invest sa Modified Pag-IBIG 2 o MP2, na voluntary savings program ng Pag-IBIG o Home Mutual Development Fund.
Mas mataas kasi ang interes nito.
Kapag nagbukas ng MP2 account, mayroon itong five-year maturity period, subalit ang interes ng savings ay annual.
Tinalakay ni Vince Rapisura ang kagandahan ng MP2 sa kanyang YouTube channel noong June 2024.
Si Rapisura ay isang social entrepreneur in microfinance, speaker, book author, at finance and entrepreneurship professor sa Ateneo de Manila University.
Siya rin ang founder ng Social Enterprise Development Partnerships, Inc. (SEDPI), isang private organization na focused sa microfinance, social entrepreneurship, at financial education.
Batay sa kanyang video, lumalabas na ang tina-target na audience ni Rapisura ay mga income earners.
Read: What you need to know about Pag-IBIG Fund's MP2 Savings Program
FINANCIAL EXPERT ON ADVANTAGES OF MP2
“Bukas ito sa lahat ng members, kahit na retirees,” pahayag ni Rapisura sa paksang MP2 savings.
“Kahit na retirees pa tayo, puwede tayong magpatuloy sa MP2.”
Ang kailangan din lang ay PHP500 minimum contribution para makapagsimula ng MP2 account.
Kung ikukumpara raw ito sa regular Pag-IBIG savings, mas mataas ng .5 percent ang dividend ng MP2.
Tax-free ring makukuha ang dividends, na isang advantage ng savings program kumpara sa bagong direktiba sa mga bangko na may 20-percent percent na ipinataw sa interest income.
Bagama’t may five-year maturity period ang MP2 account, posible pa ring ma-pre-terminate ito nang hindi nape-penalize basta’t valid ang rason.
At ito ay dapat na may kinalaman sa kalusugan, disability, at death.
MP2 VERSUS STOCK MARKET
Sa kanyang video, ikinumpara ni Rapisura ang pag-i-invest sa MP2 at stock market.
Personally, mas madali kasing maunawaan ng karaniwang Pinoy ang MP2 investment kumpara sa stock market.
Gumawa ng chart si Rapisura at makikita ritong tumaas ang dividend rate ng MP2 mula nang simulan noong 2010.
Nagsimula ito sa 5.5% dividend noong 2010. Ang pinakamataas ay noong 2017 na umabot ng 8.1%. Noong 2024, ito ay nasa 7.1 percent.
Ang annual dividend rate nito ay nakadepende sa annual performance ng Pag-IBIG.
Punto ni Rapisura sa MP2, “Safe na safe ito dahil government guaranteed.”
Mas mataas din daw ang rate of return kumpara sa stock market.
Nagpakita ng chart si Rapisura ng annual comparison ng performance ng MP2 versus sa stock market.
Makikita ritong steady ang performance ng MP2 mula 2015 hanggang 2023.
Ang tanging taon na nags-spike ang stock market ay noong 2017. Umabot ito sa 25.11%, kumpara sa 8.11% dividend rate ng MP2.
Ang pinakamababa nitong dividend rate ay six percent noong 2021, at ang pinakamataas ay 7.41 percent noong 2018.
Ang stock market naman, sumadsad ng -11.60 percent noong 2018 at nakapagtala ng -1.77 percent nitong 2023.
Paliwanag ni Rapisura, sa stock market, ang tumatak sa mga nag-i-invest ay ang 25.11 percent return rate at umaasa silang maulit ito.
“Pray lang sila nang pray para maulit iyan,” ani Rapisura.
“Pero kung titignan mo nag-i-slump, ang dami niyang slumps. Mas marami yung negative returns compared sa MP2 na talagang napaka-consistent.
Conclusion ni Rapisura: “So para sa akin, iyan yung strategy natin sa investing. Para siyang love life, ang love life natin ay consistent and predictable. Hindi yung taas-baba, taas-baba.”

Bilang point of comparison, nagpakita ng isa pang chart si Rapisura ng dividend forecast batay sa ipinakita niyang MP2 versus stock market chart mula 2015 hanggang 2023.
Magkano ba ang maiipon kung nag-invest ka ng PHP1 million sa MP2 at stock market sa loob ng isang dekada?
“Yung pera natin sa stock market na PHP1 million, malamang ngayon ay nasa PHP870,000 na lang siya. So lugi pa tayo.
"Pero sa MP2 yung PHP1 million natin ay PHP1.82M na. So, very good. Mas maganda talaga siya, mas consistent and predictable yung returns natin, kaya gustung-gusto ko talaga, bet na bet ko ang Pag-IBIG MP2.
Based on the earlier chart, Vince forecasts that if you invest PHP 1 million in both MP2 and the stock market over a span of 10 years, the amount in MP2 will almost double, while the PHP 1 million in stocks will show little to no growth.
Binanggit din ni Rapisura ang options sa pagbubukas ng MP2 account, tulad ng physical visit sa Pag-IBIG branches, virtual o online. Maaari rin daw sa employer kung ikaw ay employed. Lapitan lamang ang Human Resources department.
Sa susunod, tatalakayin natin ang guidelines at details pagdating sa pretermination ng MP2 account nang walang penalty.
Read: What to do if money is deposited into your account by mistake
