Joyce Pring 19 weeks pregnant; Juancho Trivino "iyak nang iyak"

by Jojo Gabinete
Feb 9, 2021
Joyce Pring and Junacho Trivino are expecting. The couple makes the announcement on their first wedding anniversary.
PHOTO/S: @littleheartbeatphotography on Instagram

Ngayon, February 9, 2021, ang unang anibersaryo ng pagpapakasal nina Juancho Triviño at Joyce Pring na nangyari noong nakaraang taon sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

Ngayong araw din nila ipinaalam sa publiko na magiging mga magulang na sila.

Malaki ang kinalaman ng Unang Hirit sa love story nina Juancho at Joyce dahil una silang nagkasama sa morning program ng GMA-7 bilang mga segment hosts kaya pinili nilang i-announce ang magandang balita sa naturang programa.

Continue reading below ↓

"We cried. Actually, gusto namin kayong i-surprise today kasi yung mga family namin, talagang sinurprise namin. And ako, sinurprise ko rin si Juancho on our anniversary dinner. So iyak nang iyak si Juancho,” ang kuwento ng soon-to-be mom sa live interview sa kanila ni Juancho ng mga Unang Hirit hosts, na sa sobrang excitement ay nakalimutang itanong kung ilang buwan na ang sanggol.

Isang malapit sa mag-asawa na tinanong ng Cabinet Files ang nagsabi na 19 weeks pregnant si Joyce.

Whirlwind of emotions naman ang naramdaman ni Juancho nang sabihin sa kanya ni Joyce sa kanilang dinner date na buntis ito.

But as a whole, maligayang-maligaya siya, "Isa sa mga best feeling na naramdaman ko in life. Parang it was a special dinner date at nag-Unang Hirit pa ako noong umaga.

"After noon, nang nag-uusap na lang kami, sabi niya may, ‘May mga surprise ako sa iyo.’ Ibinigay niya sa akin yung pregnancy test, na-shookt ako.”

Continue reading below ↓

#PringHomeTheJuan ang hashtag nang magpakasal ang dalawa, at ngayong magkakaroon na sila ng anak, #PringHomeAnotherJuan ang ginamit ni Juancho na hashtag.

Ang sabi naman ni Joyce, "This is our first time to talk about it publicly, and we wanted it here dahil dito naman nag-start yung love story namin.”

Hindi sinabi ng mag-asawa ang kasarian ng kanilang ipinagbubuntis dahil magkakaroon pa sila ng gender-reveal announcement.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joyce Pring and Junacho Trivino are expecting. The couple makes the announcement on their first wedding anniversary.
PHOTO/S: @littleheartbeatphotography on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results