Juancho Trivino and Joyce Pring are now married

by Arniel C. Serato
Feb 9, 2020
Juancho Trivino and Joyce Pring tie the knot after nine months of being a couple. The Kapuso stars exchange wedding vows in an intimate garden ceremony at the Sofitel Philippine Plaza on Sunday afternoon, February 9.
PHOTO/S: Courtesy: GMA News (Raffy Tima and Lhar Santiago) on Facebook

Ikinasal na sina Juancho Trivino, 27, at Joyce Pring, 27, ngayong Linggo ng hapon, February 9.

Ginanap ang kasal sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City.

Ang GMA News anchor at reporter na si Raffy Tima ay isa sa mga imbitado sa kasalan.

Post niya sa kanyang Instagram habang ongoing ang kasal: "Witnessing a beautiful union. Congratulations and best wishes Juancho and Joyce. #PringHomeTheJuan #juanchoyce "

Continue reading below ↓

Sa Sta. Rosa, Laguna sana ang unang venue ng kasal ngunit napinsala ang lugar dulot ng ashfall mula sa pagputok ng Bulkang Taal.

Bago maganap ang kanilang wedding, nag-post si Juancho kahapon, February 8, ng madamdaming mensahe sa Instagram para sa mapapangasawa.

Lahad niya, "You are my today and all of my tomorrow... See you tomorrow baby @joycepring #PringHomeTheJuan"

Continue reading below ↓

THE JOYCE PRING-JUANCHO TRIVINO LOVE STORY

Na-engage ang dalawa noong nakaraang August 3, 2019 sa Boracay.

Magkasama sina Juancho at Joyce sa GMA-7 morning program na Unang Hirit.

Noong 2018 sinimulang ligawan ni Juancho si Joyce.

Hindi kaagad sila nagkarelasyon dahil kailangan daw nilang kilalanin muna ang isa’t isa.

May 26, 2019 sinagot ni Joyce si Juancho.

Inamin ni Juancho na “fan” siya ni Joyce, at nagpakuha pa nga siya ng larawan dito may limang taon na ang nakararaan.

Bago naging Kapuso noong 2017, nakilala si Joyce bilang radio jock at online content creator.

Ang huling nakarelasyon ni Juancho ay isang non-showbiz girl, samantalang si Joyce naman ay naging girlfriend ng radio-TV host na si Sam YG.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino and Joyce Pring tie the knot after nine months of being a couple. The Kapuso stars exchange wedding vows in an intimate garden ceremony at the Sofitel Philippine Plaza on Sunday afternoon, February 9.
PHOTO/S: Courtesy: GMA News (Raffy Tima and Lhar Santiago) on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results