PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili puts no pressure on Kris Lawrence for child support

"Kung mayroon, mayroon. Kung wala, wala."
by Melba R. Llanera
Published Mar 17, 2021
Child support is not a sore topic between ex-couple Katrina Halili and Kris Lawrence, who have a daughter named Katie. Smiling, the actress says, "Kung mayroon, mayroon. Kung wala, wala."
PHOTO/S: @katrina_halili on Instagram

Walang problema si Katrina Halili sa financial support na binibigay ni Kris Lawrence para sa kanilang anak na si Katie.

Hindi rin niya inoobliga si Kris na magbigay ng buwanang sustento para sa kanilang eight-year-old daughter.

Kuwento ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng pelikulang Abe-Nida, "Wala namang problema na ganun sa amin ni Kris.

"Kung mayroon, mayroon. Kung wala, wala. Pag minsan mayroon naman.

"Kung wala akong trabaho, lagot siya sa akin. Hindi, joke lang."

Hindi ba humihiling si Katie na magkabalikan sila ni Kris para mabuo ang kanilang pamilya?

Sagot ni Katrina, "Hindi naman. Sanay siya na dumadalaw lang si Kris."

Naganap ang story conference sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Center noong March 10, 2021.

KATRINA HALILI's BUHAy-MOMMY, BUHAY-PROBINSIYA

Nagkuwento rin si Katrina ng mga bonding moments nila ng anak lalo na ngayong pandemic.

Aniya, "Siyempre pag kumakain kami, gumagawa kami ng mga activities sa school. Mas maraming ginagawa ngayon dahil online. Isang oras lang 'tapos ikaw ang gagawa lahat ng projects."

Aminado ang Kapuso actress na iba ang fulfilllment na binigay sa kanya ng pagiging isang ina, pero kung tatanungin siya ay ayaw na niyang masundan pa ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Fulfillment? Ay sobra-sobra. Sa anak mo pa lang, busy ka na sa kasasaway. Magluto ka ng pagkain, ng breakfast, ng lunch.

"Masarap, fulfilling pero kung tatanungin ninyo ako kung gusto ko pa ng isa, ayoko na."

Pitong taon na rin ang nagdaan mula nung huling nagkaroon ng karelasyon si Katrina. Dahil ba ito sa natatakot siyang makatagpo ng lalaki na hindi naman siya seseryosohin?

Paliwanag ng aktres, "Hindi, e, kasi sobra kong busy. Nung pandemic sobra akong busy na magluto, busy mag-alaga ng anak.

"Ngayon busy naman sa probinsiya, buhay-probinsiya.

"Takot? Hindi naman, ayoko lang mag-aksaya ng oras. Parang, 'Sayang ang oras ko sa inyo.' Gusto ko na lang uminom ng pampatulog."

Nabanggit ni Katrina ang pagiging abala sa buhay probinsiya, ngayong naka-base na siya sa El Nido, Palawan.

Di tulad sa Maynila, walang COVID-19 virus sa El Nido.

Kuwento ni Katrina, "Sa amin sa El Nido, zero COVID case kaya mas happy. Pero siyempre kailangan pa ring mag-ingat. Need mo pa ring magsuot ng face mask."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa aktres ay hahayaan niya muna na mauna ang iba na makatanggap ng COVID-19 vaccine bago siya magpabakuna.

"Siguro unahin na muna natin ang ibang tao 'tapos check natin kung ano ang epekto.

"Ayoko muna, safety protocols muna tayo. Alagaan natin ang health natin."

KATRINA HALILI ON MOVIE ABE-NIDA: "Nakakakaba, nakaka-pressure."

Sa ngayon ay nasa pelikulang Abe-Nida ng BG Productions ang atensiyon ni Katrina Halili.

Dalawang karakter ang gagampanan ni Katrina dito bilang si Nida at Cecille.

Makakasama niya si Allen Dizon, at may mga daring at sexy scenes daw silang dalawa sa pelikulang ididirehe ni Louie Ignacio.

"Excited ako kasi matagal ko nang gustong magkaroon ng role na dual, magkaiba ang personality nila. Excited ako, saka siyempre Direk Louie, miss ko na iyan.

"'Tapos Allen Dizon na award-winning actor, medyo nakakakaba nga, nakaka-pressure.

"Pero happy ako kasi every time naman na makakatrabaho ko ang mga magagaling na mga artista, excited ako kasi alam ko na madadala ka rin kasi magagaling sila. Saka alam ko na marami akong matutunan sa kanila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paano niya pinaghahandaan ang sexy scenes nila ni Allen?

"Sexy scenes? Bahala na si Direk diyan, alam naman natin iyan. Bahala siyang mag-alaga sa amin."

Sa panayam kay Direk Louie ay binanggit nito na sa pelikulang Abe-Nida ay malaki ang chance na mabibigyan ng award dito si Katrina.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabing ito ni Direk Louie?

"Ngayong narinig natin, diyuskupo. Kinakabahan ako, sana.

"Skeptical ako sa mga awards kasi ang tagal-tagal ko na, never ako nagka-award. Nagka-award ako, the sexiest.

"Bakit hindi? Pero never kong inimagine na magka-award," pagtatapos ni Katrina.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Child support is not a sore topic between ex-couple Katrina Halili and Kris Lawrence, who have a daughter named Katie. Smiling, the actress says, "Kung mayroon, mayroon. Kung wala, wala."
PHOTO/S: @katrina_halili on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results