Chynna Ortaleza says it's hard to have LQs this pandemic: "Saan ka lalabas?"

by Rose Garcia
May 20, 2021
Chynna Ortaleza on husband Kean Cipriano: "Gusto ko siyang bigyan ng medal."
PHOTO/S: @chynnaortaleza on Instagram

Ngayong pandemya, ramdam na ramdam ni Chynna Ortaleza ang pressure ng pagiging nanay.

Kung gaano kasi siya ka-strong, ganoon rin siya ka-vulnerable.

Kasama si Chynna na humarap sa online mediacon ng GMA Artist Center nitong nagdaang Mother's Day.

Si Chynna at ang kanyang mister na si Kean Cipriano ay may dalawang anak, sina Stellar, 5, at Salem, 2.

Work from home ang aktres ngayon para sa kanilang music label na O.C. Records, at hands-on mommy rin siya sa kanilang mga anak.

"Hindi ako puwedeng mag-crumble.

Dahil masyadong unpredictable ang takbo ng buhay dahil sa coronavirus, ito ang nasambit ng 38-year-old star.

Aniya, “Feeling ko, iyong strength na nanggagaling sa situation natin ng pandemya is talagang na-realize ko na, shocks, taong-tao ako!

“Taong-tao ako sa panahong ito at sobrang lahat nararamdaman ko. So, kumbaga iyong pagiging nanay ko, magnifies it more.

"Kasi siyempre, iyong fears na nararamdaman ko every single second na kailangan kong iproseso ay hindi biro. Konting maliit na aksidente na nangyayari sa kanila, ibang klase iyong pakiramdam ko dahil takot na takot ako na ilalabas sila sa bahay kung sakali."

Continue reading below ↓

Kaya noong nagkabukol si Salem nitong March, abot langit ang kaba niya pero hindi siya puwedeng maging mahina.

Sa pagpapatuloy ni Chynna, “...kailangan ko kasing i-battle. Kung masyado akong dapat walang mangyari sa kanila, kawawa naman ang mga bata.

"So siguro, iyong strength na alam ko kung paano maging babae, lalo pa siyang naging 360. Bakit? Kasi, nalaman ko na puwede ka pa rin maging nanay kahit na lugmong-lugmo ka.

“May mga days talaga na ayaw ko na, pero kailangan kong i-push ang sarili ko dahil hindi ako puwedeng mag-crumble rito.

"Iyong combination, iyon ang blessing for me ng pandemic. Iyong combination ng feeling mo na you’re so strong and really understanding why you’re strong is because of all the bad things that you have to digest every single day or the bad news that you have to digest, but, still, you have to keep on going.

“Iyon siguro ang sa akin, mas lalo akong nagiging in tune sa sarili ko at dahil din doon, mas nagiging mabuting tao ako at mas maging maayos na nanay pa ako.”

Continue reading below ↓

CHYNNA ON KEAN: "gusto ko siyang bigyan ng medal"

Malaking bagay na naiintindihan siya ng asawa.

Dahil nga stuck sila sa bahay, hindi maiiwasan ang LQ or Lovers' Quarrel.

Aminado rin siya na minsan ay mahirap siyang pakisamahan. Mabuti na lang at kayang mag-adjust ni Kean sa kanya.

Sabi niya, “Kaya niya pong mag-adjust. Kaya niya akong intindihin. Oh my gosh!

"Dati kasi, may break. Kung minsan, 'Hindi ko na yata kaya, labas muna ko ha, alis muna ko.' Pagbalik, good na kayo.

“E, ngayon, saan ka lalabas? And I’m not the easiest person to live with, honestly.

"My gosh! My moods and my characters are not easy to live with, so my husband adjusts every day, and is able to understand every day.

"But, at the same time, para ko siyang tatay!

“Alam mo iyong kapag ang feeling niya, 'She’s getting out of hand.' Iyong masyado na itong pinasok ng pagka-pessimist niya. Kasi ganoon ako, pinanganak ako na pessimist.

Continue reading below ↓

“Iyon lang naman ang sa akin. Hanep, gusto ko siyang bigyan ng medal. Thank you talaga, kinakaya mo."

Limang taon nang kasal sina Chynna at Kean.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chynna Ortaleza on husband Kean Cipriano: "Gusto ko siyang bigyan ng medal."
PHOTO/S: @chynnaortaleza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results