Sa kabila ng mga biyayang natatanggap kung ang sukatan ay materyal, masasabing napakapalad ng Kapamilya actress na si Dimples Romana sa kabila ng pandemyang nararanasan ngayon.
Bukod dito, tuluy-tuloy rin siyang napapanood sa telebisyon.
Sa huli nga ay sa Huwag Kang Mangamba at Oh My Dad! at ngayong buwan ay may sisimulan na namang bagong teleserye sa ABS-CBN.
Sa personal niyang buhay, larawan ng isang matagumpay at masayang pamilya ang meron siya.
Pero sa kabila ng lahat, bilang isang ina, hindi itinanggi ni Dimples na katulad din siya ng ibang mga nanay.
Nag-aalala rin daw siya, lalo na sa kanyang mga anak lalo na ngayong may pandemya pa rin sa bansa.
Ayon kay Dimples, “You know, I really wanna tell that I’m 100% okay, but that would be a lie.
"Because every day, I wake up... Kapag nanay ka kasi, you’re filled with a lot of worries at mga agam-agam sa buhay.
"You worry about your children, their future. What's supposed to be like in the world for them. What opportunities await them, di ba?
“E, yun ngang walang pandemya at walang covid, maalalahanin na tayong mga nanay, what more now na everything is not certain with us?”
Dasal daw talaga ang nagiging comfort niya, lalo na kapag may mga alalahanin.
“Ako lang, I found comfort in prayers and really thinking about today lang muna yung focus ko. It really helps me, e. When I take one day at a time.
"Sometimes kasi, when I think too far ahead, minsan nga, one week lang iniisip ko, parang, 'Oh, my God, next week, what's gonna happen?'
"Kapag may pumasok na package, parang natatakot ka na, e. Anywhere you can get [the virus].
"Di ba nga, some of our friends nga, they got it kahit na hindi sila lumalabas sa bahay?”
Mas nakakaragdag nga raw ng worry yung parang napakabilis na ng mutation ngayon ng virus.
Pero sabi rin niya, “Always worrying for my children really comes with me.
"But at the end of the day, I would thank the Lord that somehow I’m in a good place. We don’t have the disease. My family doesn’t have it. The closer family of us, they’re okay.
“Parang iniisip ko na lang na today is okay, it’s our focus. Parang living one day at a time.”
Nasanay si Dimples nang laging nagtatrabaho. Labing-dalawang taon pa nga lang siya ay nagtatrabaho na bilang artista.
At kahit nung nagkaroon na siya ng dalawang anak, hindi pa rin siya tumigil magtrabaho.
Kaya nung magkapandemya at napirmi siya sa bahay, pakiramdam daw niya bilang isang ina ay hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.
“I felt like I’m a fish out of the water,” natawang sambit niya.
“I didn’t know what else to do. I feel like I’m best as a mom when I’m doing something else. If nararamdaman din yun ng mga kapwa kong working parents.
“Di ba, you feel like na may mga taong mahusay sa ganito? Pero ako, feeling ko, mahusay akong magulang kapag may iba akong ginagawa. Parang dun ko nakukuha yung strength ko.”
May choice din naman daw siya kung katulad ng ibang artista ngayong pandemya na huwag munang tumanggap ng trabaho na kakailanganing lumabas ng bahay o mag-lock-in shooting.
Pero pinili ni Dimples na magtrabaho, dahil pakiramdam niya, makakatulong din siya lalo na sa kanyang team na magkaroon ng hanapbuhay ngayon.
GETTING TO KNOW HER CHILDREN WELL
Ngayong 24/7 niya halos kasama ang dalawang anak na sina Callie, 17, at Alonzo, 6, tinanong namin si Dimples kung meron pa siyang mga bagong nadiskubre sa mga anak.
Meron daw siyang “date time” sa bawat isa kahit nasa bahay lang sila.
“’Yang si Callie, joker ‘yan,” natawang sabi ni Dimples. “Pero yung humor niya, yung pang-bookish. Yung pang-librong humor.
"E, alam mo naman yung humor na kinasanayan ko. Diyos ko, alam mo naman, sa taping, ‘di ba?
“Kumbaga, natutuwa ako, actually, whenever I get to know her more.
"Kasi I know naman Callie and we get to spend time together. And si Callie, napansin ko sa kanya na she can really handle herself very well.

“Alam mo, I kept thinking nga, ano bang pagpapalaki ang ginawa namin ni Boyet dito?" banggit ni Dimples sa asawang businessman na si Boyet Ahmee.
"Kasi, gusto ko talagang ulitin kay Alonzo. I want Alonzo to be very independent as well.
"But I also acknowledge na magkakaiba ang anak namin. Hindi sila pareho and never will I ever compare my children with one another.”
Kung ang dalagang anak ay may pagka-mahiyain, si Alonzo naman daw ang talagang active at hindi mahiyain.
“Si Alonzo, nakilala ko naman siya as very mindful of people’s emotions,” saad niya sa kanyang bunso.
“Ano siya, noong isang beses, nagkukuwentuhan kami, may storytelling kami sa gabi, e. Sabi niya, ‘Mommy, doesn’t God have enough angels to fight covid?’
"How will you answer that, ‘di ba?
“Ito yung mga panahon na bilang magulang, mapapaisip ka talaga. And I kept telling him lang na if you have questions and you want an answer, just pray over it lang.
"Kasi, wala rin akong maisip na sagot sa kanya na makakatama sa hinahanap niyang sagot.

“Yung mga gano’n, na-realize ko lang na yung mga anak ko pala, very mindful sa pinagdadaanan ng iba, which I like.
"Kasi sa mundong ito, minsan nga, hindi na importante yung mahusay ka. Minsan, importante na lang na mabuti ka, e.”
THANKFUL FOR BOYET
“Sa totoo lang, ako, I really would like to thank Boyet.
"Kasi, my kids really grew up with Boyet, and Boyet really did an outstanding job raising my children, especially when he’s home.
"Kasi, most of our businesses don’t require Boyet to be there.”
At ipinagpapasalamat din daw niya sa mister niya na ina-allow siyang magtrabaho pa rin.
Nagpakasal at nagkaroon ng anak si Dimples sa edad na 18.
Ngayong June ay ipagdiriwang na nila ni Boyet ang kanilang ika-18 taong anibersaryo bilang mag-asawa.
Si Callie at 17, meron nang sariling negosyo, ang kanyang sariling line na Cal The Brand at mag-aaral ng pagka-piloto sa Australia.
Si Alonzo naman, katulad ni Callie ay ka-tandem na rin ni Dimples sa ilang endorsements.
Mababait, magagalang, at responsableng mga bata. May sikreto nga ba sa kung paano niya pinalaki ang mga anak?
“I think ang sikreto is really just to value family like it is the most important thing,” lahad niya.
“There was a time that it was really hard for me and Boyet. We went through a mount of criticisms and doubts, coming from left and right.
"Ang pinaka-painful pa, coming from [people] close to us. But okay, only time will be able to tell how we’ll be able to keep up our family.
“Pero kami ni Boyet, we’re very patient. Kahit sa mga unanswered prayer namin, we’re very patient.
"Kahit noong dumating kami sa isa’t isa na ayaw na namin sa isa’t isa. Parang first eight years namin ni Boyet, gano’n!
"Parang we don’t really like each other pero with Boyet and I, we were friends kasi before we were lovers. I think, the respect as friends never left us.
“Yun talaga ang sikreto namin, we respect each other bilang tao.
"Kunwari at some point na hindi na namin mahal ang isa’t isa, but I respect you enough that I will never hurt you. Pero kasi, that’s the beauty of marriage.”
Dugtong pa niya, “When you marry somebody, you marry them at the point na ito yung phase ng buhay nila.
"But the challenge there is, mamahalin mo ba ang taong ‘to if he or she’s growing to be the man or woman that they are going to be in the future?
"Are you gonna love them just the same?”
At tingin daw niya, yun talaga ang sikreto nilang mag-asawa sa pagpapalaki ng dalawang anak nila.
At kahit nga raw may mga nabibili silang properties, hanggang ngayon, sa unang bahay pa rin nilang mag-asawa sila nakatira.
CALLIE'S LETTER
Walang particular na Mother’s Day celebration sa nagdaang 17 taon na maipin-point si Dimples na pinaka-hindi raw niya malilimutan.
Pakiramdam daw niya, araw-araw naman siyang pinapahalagahan.
“I don’t know… I feel like, ito it’s no joke, but I feel like in my home, every day, I’m honored. I really feel it,” sambit niya.
“Siguro, yung pagiging kuntento ko rin ngayon, kasi nga, nararamdaman ko na nirerespeto ako bilang nanay rito sa pamilya namin.”
At sa bahaging ito ng interview namin sa kanya, naalala ni Dimples ang letters na Ibinibigay raw sa kanya ng anak na si Callie.
Nakalagay ito sa isang pouch niya at saka binasa ang isang letter na hindi raw niya makakalimutan.
Kasabay ng letter na yun, niregaluhan sila—siya, si Boyet, at si Alonzo ng tig-isang family ring na pera mismo ni Callie ang ginamit na pinambili.
Binasa ni Dimples ang ilang bahagi sa isa sa mga sulat ng anak sa kanya.
“'I promise one day, I will repay you guys. I will become the daughter that you have raised me to be and more. I will try and strive especially here first, at home.
“'I will work hard and imitate what you guys have done for me, Alonzo, and everybody else. This ring, wow!'
Natatawang sabi ni Dimples, “May wow pa, proud siya e, nakabili siya ng singsing.”
“'I hope will signify to you guys as it has for me, that no matter where we go, whether physical or not, even if mom becomes the most famous actress or dad, the most acclaimed businessman/vlogger, everything happens because of and lead to home...'”
Noong isang taon lang daw binigay ni Callie ang family ring. Kuwento pa ni Dimples,
“Hiniram niya yung pera niya. Sabi niya, 'Mommy, can I borrow this?' Sabi ko, 'Ang laki naman, para saan ba yan?' Sabi niya, 'Basta, mommy…'
"E, si Callie naman, hindi hingiin.
“So yun, ipinagpapasalamat ko yun that I am honored as a mother at nararamdaman ko kasi ‘yun.”
