Ryza Cenon still experiencing postpartum depression after a year

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2021
Ryza Cenon on her one-year-old son, Night: “Super adorable at napaka-observant ni Night. Kapag may gusto siyag gayahin, nagagaya niya, hindi siya kailangang turuan. Nagugulat na lang kami dahil alam na niyang gawin at namimili siya ng kanyang gagayahin."
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram

Mag-iisang taon na mula nang isilang ni Ryza Cenon ang kanyang anak na si Night noong October 31, 2020.

Inamin ng 33-year-old actress na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin siya ng postpartum depression dahil sa kalungkutang bigla na lamang nararamdaman, pero nilalabanan daw niya ito.

Pagtatapat ni Ryza sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 25, “Yes, nararamdaman ko pa rin ang postpartum, ramdam ko yung pagod.

“Kapag sa tingin ko papunta na ako sa iiyak na ako malulungkot na ako, titingnan ko lang si Night, then hihinga ako nang malalim, tapos sasabihin ko sa sarili ko na, 'Kaya ko ito, magiging okay na ako.'

“Mahirap man, pero ito yung hirap na marami kang natututunan at additional siya sa experience mo sa life, at nakaka-proud kapag nalagpasan mo kasi hindi siya biro talaga na experience kaya saludo ako sa lahat ng mga nanay.

“Alam ko na hanggang ngayon nararamdaman ko ang postpartum, lalo na kapag ako lang mag-isa, tapos halos lahat ako yung gumagawa.

Continue reading below ↓

"Ramdam na ramdam ko kung gaano ka-strong ang mga nanay sa lahat ng mga pinagdaanan nila."

NEW DISCOVERIES ABOUT HER SON

Ipagdiriwang ni Baby Night ang first birthday nito sa October 31.

Habang lumalaki si Night, maraming natutuklasan si Ryza sa sarili at sa anak nila ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz.

Continue reading below ↓

“Na-discover ko sa sarili na, ngayon, kayang kaya ko na mag-multitasking!" natatawa niyang sabi.

“Na-discover ko naman kay Night na madaldal siyang bata, hindi siya introvert. Mabuti na lang, hindi siya nagmana sa amin ng kanyang Dada [Miguel].

“Super adorable at napaka-observant ni Night. Kapag may gusto siyag gayahin, nagagaya niya, hindi siya kailangang turuan.

“Nagugulat na lang kami dahil alam na niyang gawin at namimili siya ng kanyang gagayahin."

Patuloy ni Ryza, “Marami ang bonding moments namin ni Night. Naglalaro kami, kumakanta, nagsasayaw, at nagbabasa.

“Ang pinaka-favorite kong bonding namin, kapag pinatutulog ko siya sa umaga dahil super-lambing niya.

“Kapag idinuduyan ko siya sa stroller niya, titingnan niya ako, at yun na ang sign na hahalikan ko siya sa noo nang maraming beses hanggang makatulog siya. Gustung-gusto niya yun.”

Continue reading below ↓

MISSING ACTING

Huling napanood si Ryza sa TV5 action-drama series na Bella Bandida noong 2020. Nami-miss na ba niya ang pag-arte? Kailan niya balak bumalik sa showbiz?

“Super miss ko na ang acting," pag-amin ng StarStruck Season 2 winner.

"Ang feeling ko, kapag bumalik ako, mangangapa ako dahil almost two years na rin na hindi ako umaarte.

“Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik dahil struggle talaga ngayon. Wala akong kasama at mapag-iiwanan kay Night.

“Siguro kung may makukuha akong kasama, pero ang hirap din makahanap ng maayos, matino, at mapagkakatiwalaang helper.

“But once maayos ko, puwede na siguro akong makabalik paunti-unti.

"Kasi, as a mother, iba pa rin ang level ng kaba ko sa coronavirus. Napapraning din ako, natatakot ako para ka Night."

Mahusay na painter at magaling magluto si Ryza.

Sa katunayan, may catering business ang aktres noong dalaga pa siya.

Pero hindi pa niya nababalikan ang pagpipinta dahil okupado ang kanyang panahon sa pag-aalaga kay Night.

Continue reading below ↓

Kung nagluluto man siya, para lamang sa pamilya niya.

Saad ni Ryza, “Hindi pa ako nakakapag-start mag-painting kasi wala akong helper ngayon, so hindi ko maiwanan si Night.

"Pero nagluluto ako ng lunch, dinner, at saka baking."

Ano ang mga hindi niya makalilimutang karanasan habang wala siya sa showbiz at normal na namumuhay bilang isang ina at maybahay?

“Dati, puro work ang iniisip ko, kung ano kakainin ko, ano kaya ang mabibili ko na bagong damit, sapatos o makeup.

“Ngayong nanay at housewife ako, iniisip ko kung ano ang mga kakainin nila, kung may damit pa ba si Night na kakasya sa kanya?

“Good timing rin na pandemic kaya hindi ko makakalimutan ang mga nararanasan ko bilang full-time mom.

"Masaya pero mahirap lalo sa sitwasyon ng pandemic," sabi ni Ryza.

RELATED STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on her one-year-old son, Night: “Super adorable at napaka-observant ni Night. Kapag may gusto siyag gayahin, nagagaya niya, hindi siya kailangang turuan. Nagugulat na lang kami dahil alam na niyang gawin at namimili siya ng kanyang gagayahin."
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results