PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach proud of Atasha, Andres living independently abroad

He adds, "Nagiging responsable ang mga anak namin."
by Melba R. Llanera
Published Mar 5, 2022
Aga Muhlach, Andres Muhlach, Atasha Muhlach, Charlene Gonzales
Aga Muhlach on twins Atasha and Andres: "Dahil sila lang ang nandun, natututo silang kumilos mag-isa, mag-ayos ng kuwarto nila, magluto, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat."
PHOTO/S: @agamuhlach317 / @itsmecharleneg Instagram

Si Aga Muhlach at ang asawang si Charlene Gonzalez na lang ang magkasama sa kanilang bahay dahil nagdesisyong mag-aral sa ibang bansa ang mga anak nilang sina Atasha at Andres—parehong 21 years old.

Si Atasha ay nag-aaral ng kursong may kinalaman sa business sa isang unibersidad sa Nottingham sa United Kingdom.

READ: Aga Muhlach and Charlene Gonzalez get emotional after Atasha leaves for U.K. to study

Si Andres ay nag-aaral ng kolehiyo sa Spain.

READ: Andres Muhlach off to Spain for college studies

Ayon kay Aga, naging madali sa kanila na pakawalan ang mga anak.

"Hindi naging masyadong mahirap para sa amin ni Charlene na umalis ang mga anak namin at pumasok sa kolehiyo dahil mula nung nag-asawa kami ni Charlene, napag-usapan na namin iyan.

"'Na at the the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga. Ang mga anak natin ay nilikha natin, nilikha ng Panginoon.

"'Pero ang ibig kong sabihin, ang anak natin, paglaki ng mga iyan, mag-aasawa, iiwan din tayo, magpapamilya. Importante, tayong dalawa magkasama talaga.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nasanay kami nang ganun," lahad ni Aga.

Malaking bagay din na may video call at iba pang messaging apps ngayon.

"Also, at the same time, napakaganda rin ng nangyayari sa ngayon because of the internet also, hindi mahirap.

"Puwede kayong mag-usap araw-araw, puwede kayong magkita on this Facetime, with all these apps, para magkita-kita kayo at magkausap.

"Pamilyang malayo sa isa't isa, nandiyan lahat iyan."

Si Aga ang tipo ng magulang na nais na lumaking independent ang kanyang mga anak.

"Plus again, nung kalagitnaan ng pandemya sa Europa at America, medyo bukas sila nang kaunti so mas nakakaikot ang mga anak ko dun.

"Masaya kami kaysa nakakulong sila dito, mabuting nandun sila at nakakagala sila.

"Pangalawa, masaya rin kami more than malungkot dahil alam namin ang mga anak namin, nagiging independent.

"Dahil sila lang ang nandun, natututo silang kumilos mag-isa, mag-ayos ng kuwarto nila, magluto, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malinaw na malaki ang tiwala ni Aga sa mga anak.

"Habang nangyayari iyan, alam namin na mahirap para sa kanila mag-isa, pero alam namin sa ikabubuti nila.

"Dahil sa alam namin yun, maganda ang pakiramdam ng puso naming mag-asawa.

"Parang nagiging responsable ang mga anak namin," dagdag niya.

Nakapanayam si Aga noong March 3, 2022, sa virtual mediacon ng Bida Ka Kay Aga, ang upcoming magazine show ng Net25.

ON COVID-19 EXPERIENCE

Inamin ni Aga na nagkaroon pala ang buong pamilya nila ng COVID-19, at ipinagpapasalamat niyang nalagpasan nila ito.

"Nung pandemya, like everyone else we all tried to be careful.

"But unfortunately, we all got it. Atasha got it. At some point Andres got it. I got it, too, my wife nagkaroon din. So lahat kami dinaanan namin iyan.

"We're trying to be careful. Pero at least naayos na namin iyan. We're all okay, we're all good."

Umaasa si Aga na tuluy-tuloy na ang paghupa ng pandemya para sa kaligtasan ng bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm happy also not just world, but our country especially kahit papaano binubuksan-buksan na.

"And hopefully, at some point, everything will turn to normal. We know that COVID is still there. Mag-ingat na lang tayong lahat."

Ani Aga, kailangang manumbalik ang sigla ng ekonomiya para sa kapakanan ng mga naghahanap-buhay.

"I see people has started working again. Sabi nga, di ka mamamatay sa COVID, pero mamamatay ka naman sa hirap sa buhay.

"Slowly and slowly we are getting there. Unang-una laging sinasabi kapit lang, God is good you know.

"May darating talaga para sa atin, and now, slowly, we are getting back to normal."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach on twins Atasha and Andres: "Dahil sila lang ang nandun, natututo silang kumilos mag-isa, mag-ayos ng kuwarto nila, magluto, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat."
PHOTO/S: @agamuhlach317 / @itsmecharleneg Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results