Watch Now

Gladys Reyes and Christopher Roxas on having a "perfect family": "Wala namang perpekto."

by Jerry Olea
May 23, 2022
gladys reyes christopher roxas family
Christopher Roxas on being acknowledged of having a perfect family with wife Gladys Reyes: “Siguro, alam lang namin yung gusto namin talaga sa buhay. E, ako, wala naman akong hiling sa buhay ko kundi maayos na pamilya. So, ayun, ibinigay naman sa akin. So, sabi ko nga, e, yung pamilya, 'yan ang totoong biyaya ng buhay. Yung iba, bonus na lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Labimpitong (17) taon na ang pagsasama nina Gladys Reyes at Christopher Roxas bilang mag-asawa, at biniyayaan sila ng apat na mga anak.

Read: Gladys Reyes, Christopher Roxas look back on their three-decade relationship

Kinuha ang kanilang pamilya bilang endorser ng ProtectPlus alcohol dahil sa kanilang pagiging huwaran at iconic, at tinawag na "perfect family."

“Nahihiya ako siyempre pag sinasabing perfect,” pagpapakumbaba ni Gladys sa product launch ng alcohol brand nitong Mayo 20, Biyernes, 2022, sa Marco Polo-Ortigas, Pasig City.

“Wala namang perpekto. Pero nakakatuwa lang na ina-acknowledge po nila kung gaano ka-strong kumbaga yung bond po ng relationship namin ni Christopher.

“And then this time, meron na kaming apat na mga anak… ahh, yun po, siyempre nagpapasalamat kami, unang-una sa Panginoon po na stable yung amin pong relasyon sa isa’t isa, pati na rin po yung pundasyon ng aming pamilya.

“Malaking bagay po siyempre dun ang aming faith. Lagi naming sinasabi sa mga anak namin na napakalaking bagay po talaga ng panalangin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat naman po tayo, ganun din, di ba? Ano man yung mga pagsubok, hindi tayo matitinag dun, e, basta manalangin ka.

“Magugulat ka na lang, biglang may darating na sagot dun sa panalangin mo. So, siguro yun po ang pinakamalaking factor talaga, ‘no?

“Sabi ko nga — prayers, patience, and partnership — yun po ang tatlong para sa akin, kaya siguro hanggang ngayon ay maayos naman po.

“Hindi perfect, e, talagang may dadaanan kang rough patches. Pero ang importante po, yung nakaka-survive ka after that.

“Yung nakaka-recover ka after that. Yun po yung importante siguro.”

Pag-ayon ni Christopher, “Ahh, yun nga po, gaya ng sinabi ni Gladys, na hindi po kami… Gaya rin po kami ng mga lokal na pamilya na magkasama.

“Siguro, alam lang namin yung gusto namin talaga sa buhay. E, ako, wala naman akong hiling sa buhay ko kundi maayos na pamilya.

“So, ayun, ibinigay naman sa akin. So, sabi ko nga, e, yung pamilya, 'yan ang totoong biyaya ng buhay. Yung iba, bonus na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OVERCOMING TRIALS DURING PANDEMIC

Paano nila nilagpasan ang mga pagsubok sa panahon ng pandemya, halimbawa’y sa kanilang negosyo?

“Yun nga po ang nakakatawa sa amin, e,” mabilis na tugon ni Christopher, na Sommereux ang totoong apelyido.

“Parang mas bumuhos ang biyaya sa amin nung panahon ng pandemya.

“Ang realization namin, mas nakita namin yung importansiya ng… kasama mo yung family mo, yung mga taong dapat mahalin mo talaga.

“So, may mga ibang part ng negosyo namin na mas nabigyan namin ng tutok at napalaki.

“Plus eto nga, nasa pandemya pa naman tayo, dahil nga siguro may awa ang Diyos, kinuha kami ng ProtectPlus. So, we’re very grateful.”

Sambot ni Gladys, “Yung pagsubok po, imagine, February 2020, ni-launch namin yung catering namin. Tapos, nag-lockdown nang March.

“So, isa po yun sa pagsubok. Andami na sana naming events nun, na nagpa-reserve. Medyo ilang months kaming nagpahinga.

“Nag-isip kami. So, ang ginawa namin, instead na sa event nagke-cater… delivery!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kailangan lang po medyo mag-a-adjust ka, mag-a-adapt ka dun sa current situation.

“And from there, hindi po kami makapaniwala na mas maraming oportunidad po ang dumating during the pandemic, ano?

“Kahit nga sabihin mong nahinto ang mga tapings po noon and delikado, di ba? Dun naman po nag-umpisa yung mga social media endorsements din namin.

“At gusto nila, gumawa kami ng mga content as a family, o minsan po individuals, ano? Pero tuluy-tuloy po yung mga dumating na opportunity sa amin.

“Pati po sa pagnenegosyo, we are now into franchising, yun pong aming That’s Entertain-meat na frozen meat na products po namin, na meron pong all-day breakfast. Hindi lang po siya distriburship.

“Isa pa po sa pagsubok, when my father passed away noong October. Wala po akong time noon to grieve.

“Kasi, inaasikaso ko yung burol, magte-taping ako ng Pepito Manaloto.

“Magpapatawa ka, tapos babalik ka na naman sa burol hanggang sa libing, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos siguro right after that, dun lang po yung biglang bumuhos ang emosyon mo.

“Pero hindi siya puwedeng bumabad, kumbaga po, ‘no? Kailangan, pag nailabas mo na… oh, ahon ka na ulit.

“At salamat naman po sa Diyos, kung nagkaroon man po ng napakalaking pagsubok nung nawala ang father ko ay napakarami pong dumating na pagpapala, 'ika nga po.

“At dahil nga po sa kanya, we named after my father yung Filipino restaurant namin na Sonyer. So, that’s him, named after my late father.

“So, yun nga po, nakakatuwa na ang dami pong opportunities despite this pandemic...

“And we just can’t believe na totoo na ito. Pandemic pa rin tayo, hindi pa rin tayo lubos na malaya sa pandemic.

“Pero eto, may bago po kaming ambassadorship...”

PROTECTING THEIR CHILDREN

Paano nila ginagabayan at pinoprotektahan ang kanilang mga anak considering na exposed ang mga kabataan sa internet? Hanggang saan nila hinahayaan sina Christophe, Aquisha, Grant, at Gavin sa paggamit ng gadgets?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para sa amin ni Christopher, iba yung parenting sa amin noon, di ba? Yung time natin, iba sa parenting ngayon,” tugon ni Gladys.

“Napakahirap. Kasi, hindi na uubra sa kanila yung… ‘Grant!’ pandidilatan mo. Ang isasagot sa ‘yo, ‘Why?’

“Nagugulat siya, ‘Why?’ — bakit mo pinandidilatan. Noon, pag pinandilatan tayo ng nanay at, ‘Pssst!!!’ tapos pinandilatan ka pa niya, alam mo na, be-behave ka na.

“E, ngayon, hindi nila naiintindihan! Yung… [nandilat]… ‘Grant!’ Why?’ Ganun. Iba, iba ang way of parenting.

“Siyempre, halimbawa, gadgets. Siyempre, ang mga bata ngayon, wala na yatang…

“Well, ang four-yea- old ko, hindi siya gaanong ka-attached sa mga gadget. Nagwa-watch lang paminsan-minsan.

“Pero sila, constant reminder of course na dapat limit lang talaga yung paggamit nila.

“Tuwing makikita ko si Grant, ang tanong ko, ‘Did you finish your task? Did you finish your assignment?’

“So, ganyan, gagawa kami ng assignment sa Filipino. Nag-aral din ako ng pandiwa, patinig, mga ganyan,” natatawang kuwento ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng aktres, “Ng mga pangngalan, di ba? Pang-abay, di ba? Tatanungin ako, ‘What’s pang-abay?’ ‘Barong!’ Di ba?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Pero hindi, kasi kailangan, e. Medyo, di ba, sasabay ka nang konti.

“Pero sasabay ka in such a way na maipakita mo sa kanila, hindi naman lahat ng uso ngayon, di ba, kung hindi naman makakabuti, sasabay tayo. May ganun.

“Piliin mo pa rin. So, alam mo yun, mixed ang parenting namin. Modern, but at the same time, medyo may pagka-old school pa rin.

“With Christophe, wala kaming problema pagdating dun sa gadget. And proud kami, kasi first honor 'yan, and president ng Student Council.

“Hindi na namin kailangang sabihan na mag-review, ganyan. He’s very responsible.

“And since kuya naman 'yan, e, di ba? Pinaka-kuya. Kaya we’re so proud of him and imagine, yun nga, nasu-showcase pa niya yung talent niya sa music.

“Sabi ni Christopher, mana raw sa kanya. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Iba-iba yung characteristic nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya siguro yung pagiging protective, innate na yun pag nanay ka, di ba? Nandun na yun... protective talaga ako bilang nanay.

“Pero siguro, I would like to believe na may hangganan din naman yung pagiging protective ko.

“Kasi, merong mga times na kailangang pabayaan mo rin, di ba? Hindi puwede yung ahhh… kahit madadapa, hindi na kailangan, di ba?

“Pero kailangan kasi maranasan din nila. Minsan, merong time na magko-commute din, ganyan. Para maranasan din, di ba?

“Hindi palaging nasa comfort zone nila. Yun ang importante po, balanced lang, kumbaga.”

Read: Anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na si Christophe Sommereux, sasabak na rin sa showbiz?

Pagbuntong-hininga ni Christopher, “Ahh, ako po, ang inaano ko sa kanila parati, yung respeto sa bawat tao.

“Mataas man o mababa ang estado nung tao, pareho ang respeto mo. Tapos, tinuturuan ko sila kung paano sa financial literacy, ganyan.

“Kasi, hindi naituro yun sa atin nung bata tayo, e. So, tinuturuan ko sila kung paano mag-handle ng kita nila, ng ipon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Plus alam na nila yun, na bawal sa aking mamuhay nang masyadong bago. Kasi, mas gusto ko silang palakihin sa old school na palaki.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christopher Roxas on being acknowledged of having a perfect family with wife Gladys Reyes: “Siguro, alam lang namin yung gusto namin talaga sa buhay. E, ako, wala naman akong hiling sa buhay ko kundi maayos na pamilya. So, ayun, ibinigay naman sa akin. So, sabi ko nga, e, yung pamilya, 'yan ang totoong biyaya ng buhay. Yung iba, bonus na lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results