Nanghihinayang ang Kapuso host na si Kim Atienza na hindi siya nakadalo sa graduation ng kanyang anak na si Eliana Atienza.
Sa Instagram noong May 28, 2022, ibinahagi ni Kim na nag-leave pa naman siya sa kanyang trabaho para um-attend sa graduation ng anak na babae ngunit sa kasamaang palad ay nahawaan siya ng COVID-19.
Sabi niya sa kanyang Instagram post, “I took a leave for this day I was sooo looking forward to but covid took the better of me and I had to isolate at home.”
Gayunpaman, proud na proud pa rin ang 24 Oras segment anchor sa kanyang anak dahil magkokolehiyo na ito.
Mapalayo man daw sa kanila ng asawang si Felicia Atienza ang kanilang anak na babae, ito raw talaga ang naaayon para na rin sa kanyang tagumpay.
Saad ni Kim, “I love you and I am sooo proud of you @elianahatienza you are God's gift to mama and I and in a few months, you shall be in college far away from both of us.
“Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high..... far away from us. It is sad but that's what parents are designed to do.
“I love you and will always be proud of you my dearest baby @elianahatienza
“Kick ass and show them what you've got in @uofpenn!
View this post on Instagram
Ang inang si Felicia at kapatid na si Jose ang nakasama ni Eliana sa kanyang high school graduation.
Sa kanyang bagong post ngayong araw, May 30, sinabi ni Kim na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan niya at matatapos na ang kanyang home quarantine sa mga susunod na araw.
Saad niya, “Thank you for all the prayers guys. Day 4 in isolation and my situation is improving. I'll be up and about in a few days.”
