PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza: "Network wars bring nothing but hatred between fans."

Kim Atienza responds to netizen who says his GMA show is "walang kalaban."
by Bernie V. Franco
Published Feb 15, 2022
kim atienza
Kim Atienza is against network wars: “Wala talaga dapat kapamilya, Kapuso o kapatid."
PHOTO/S: YouTube (GMA News)

Napa-react si Kim Atienza matapos ang makahulugang komento ng isang netizen tungkol sa kinabibilangang Kapuso news magazine show ng TV host.

Masayang ni-repost ni Kim ang tagumpay ng Dapat Alam Mo! sa ratings kumpara sa mga katapat na shows nito noong Valentine’s Day, February 14, 2022.

Ang Dapat Alam Mo! ang ipinalit sa timeslot ng Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.

Umeere rin ang programa ni Kim, kasama sina Emil Sumangil at Patricia Tumulak, sa GTV.

Base sa ratings, 7.2 percent ang combined ratings (GMA at GTV) ng Dapat Alam Mo!, mas mataas sa mga katapat na programa nito sa ibang channels.

Ang TV5 news program na Frontline Pilipinas ay nakakuha ng 2.3 percent, habang ang PBB Kumunity Season 10 ng A2Z at Kapamilya Channel ay nakakuha ng 0.8 percent.

Ang ratings ay base sa NUTAM People Ratings (Nielsen Phils TAM).

Ipinost ni Kim ang art card ng kanilang tagumpay sa kanyang social media accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Twitter, isang netizen ang nag-tweet ng ganito kay Kim: “Wala naman kayong kalaban e.”

Hindi malinaw kung ang komentong ito ay minaliit ang show ni Kim o minaliit ang mga katapat nitong shows.

Pero batay sa info ng Twitter account, ito ay pro-ABS-CBN, na dating kinabibilangang network ni Kim.

Sumagot si Kim at sinabing walang mabuting naidudulot ang banggaan ng networks.

Mensahe ni Kim: “Wala talaga dapat kapamilya, Kapuso o kapatid.

“Network wars bring nothing but hatred between fans that are better off enjoying ALL channels.”

kim atienza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, naging masipag si Kim sa pagpapasalamat sa mga bumati dahil sa mataas na rating ng kanyang infotainment show sa GMA-7.

Kahit ang mga nanunukso sa kanya ay maayos niyang pinasalamatan.

Sa Instagram, ipinost din ni Kim ang art card.

Caption niya: “LORD THIS IS YOUR SHOW!”

At pinasalamatan ang supporters.

Sa comments section, dinugtungan ng isang netizen ang caption ni Kim.

Sabi ng netizen: “THIS IS YOUR TIME.”

Hindi na itinuloy ng netizen ang karugtong niyon, na tagline sa It's Showtime, ang ABS-CBN noontime show na kinabibilangan dati ni Kim.

Gayunpaman, binati ng nagbirong netizen si Kim sa tagumpay ng show nito, at isang “thank you” naman ang isinagot ng Kapuso host.

kim atienza

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Kim ay labimpitong taong naging bahagi ng ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA-7 noong October 2021.

Bukod sa Dapat Alam Mo!, host siya sa morning talk show na Mars Pa More at may segment din siya sa 24 Oras.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza is against network wars: “Wala talaga dapat kapamilya, Kapuso o kapatid."
PHOTO/S: YouTube (GMA News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results