PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto, mother of four, talks about adopted kids

She has no time for love life.
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 26, 2022
Claudine Barretto
Actress Claudine Barretto on adopting kids: "And I always say not because you adopt a child na yung you’re looking for happiness or love. Hindi, e, but the love that you can give. I always say na they are really my children. Walang difference from Santino. Hindi kailangan biological."
PHOTO/S: @claubarretto

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine Barretto sa opening ng Café Saranggola sa Tagaytay City noong July 30, 2022.

Kasamang dumating ni Claudine ang kanyang apat na anak—sina Sabina "Sab", 18, Santino "Saint", 15, Quia, 7, at si Noah, 3.

Si Sabina ay matagal nang legally adopted daughter ni Claudine, habang si Santino ay biological son ng aktres sa estranged husband na si Raymart Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Quia at Noah naman ay nakikitang kasama ni Claudine sa mga litrato na ipinu-post sa social media simula 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila ang pinagkakaabalahaang alagaan ni Claudine bago pa man siya nagbalik sa pag-arte.

Bakit niya naisip na mag-adopt muli?

Sagot ni Claudine: "Unang-una si Ate Sab at si Saint, gusto nila ng baby sister nung una. Kaya si Quia pinagdasal talaga namin.

"'Tapos, wala pang two weeks sinagot ni God. May tawag, may bata raw, ganyan, and yun na.

"'Tapos si Noah naman, hiniling ko talaga kay God na may bata pa.

"Pero hindi ako sanay sa lalaki. Sanay ako [sa babae], pinalaki ko sina Dani, Claudia, Julia. Si Leon hindi masyado kasi boy."

Ang tinutukoy ni Claudine na "Dani, Claudia, Julia, at Leon" ay mga anak ng kapatid niyang si Marjorie Barretto.

Patuloy ni Claudine: "So, nahirapan ako pati kay Saint na boy. 'Tapos sabi ko, 'Kapag binigyan ako ng boy ni God, siguro para sa akin talaga.'

"For some reasons sinabi ko talaga yun. Kasi mas gusto ko sana girl.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And then, ayun si Noah, inantay ko na a month bago ipinanganak. And then, napunta na sa akin."

Ayon kay Claudine, iba raw talaga ang pakiramdam maging isang ina kaya siya nag-aampon, at pinupuno raw niya ng pagmamahal ang mga ito.

"Ang satisfaction is of being a mother. Yung fulfillment noon hindi matatawaran.

"And I always say not because you adopt a child na yung you’re looking for happiness or love. Hindi, e, but the love that you can give.

"I always say na they are really my children. Walang difference from Santino. Hindi kailangan biological.

"I always say na we’re meant to be. Na itong mga ito, para sa akin talaga ito. Inilaan talaga ito. Pinaplano pa lang ni God ang buhay ko, kasama na sila.”

Read more stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BEING SINGLE

Sang-ayon si Claudine na mahirap ang magpalaki ng mga anak especially sa isang gaya niya na single parent.

Siyam na taon na rin ang lumipas mula nang maghiwalay sila ng estranged husband na si Raymart Santiago.

Pero tila hindi handa si Claudine na pumasok muli sa isang relasyon.

"Siguro medyo na-ano ako, na-trauma. Nagkaroon ng trauma sa pakikipag-relasyon.

"So talagang ang inano ko, binuhos ko lahat ng oras ko kay Santino at kay Sabina.

"I had to leave show business para may isang matira doon," saad ni Claudine.

Dagdag ng aktres, "Kasi mahirap yung naghiwalay kami ng papa nila.

"And then, walang nandoon para sa kanila to tend to their needs. It was a very painful decision na iwan ang show business."

Biggest reward na raw para kay Claudine kapag nakakarinig siya ng mga positibong comment sa pagpapalaki ng kanyang mga anak as a single parent.

Mula 1992 hanggang 2008 ay naging most popular star si Claudine ng ABS-CBN. Mula 2008 hanggang 2012 ay nagtrabaho siya sa GMA-7. Mula 2015-2017 naman ang stint niya sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUPPORTING BIANCA

Samantala, masayang sinabi ni Claudine na todo-suporta siya sa kaibigang si Bianca Lapus, na isa sa owners ng Café Saranggola.

"Nandito ako to support my good, good friend na si Bianca sa bago niyang business venture. Siyempre yung Asian Village ni Bianca at ni Kai Lapus, yung sister niya.

"So, lagi akong nandito sa Tagaytay. I always make it a point na makasama sina Bianca, sina Kai, and now, dito sa bago nilang business."

Isa rin ba siya sa business partners ni Bianca sa Café Saranggola?

"No," sambit ni Claudine. "Hindi muna ako magbi-business ngayon. Slowly bumabalik na ako [sa pag-arte]. Nagkaroon na ako ng guesting sa Wish Ko Lang."

Ang Wish Ko Lang ay ang public service drama anthology ng GMA-7.

Nabanggit din ni Claudine na may plano ang manager niya na mag-sign sa bagong TV Network na AMBS 2 ni Manny Villar.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Claudine Barretto on adopting kids: "And I always say not because you adopt a child na yung you’re looking for happiness or love. Hindi, e, but the love that you can give. I always say na they are really my children. Walang difference from Santino. Hindi kailangan biological."
PHOTO/S: @claubarretto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results