Goin' Bulilit star Carl John Barrameda, wife Nikolai expecting their first baby

by Arniel C. Serato
Sep 21, 2022
Carl John Barrameda, wife Nikolai first baby
Former Goin' Bulilit star Carl John Barrameda announces on Facebook today, September 21, 2022, that his wife Nikolai is pregnant with their first baby.
PHOTO/S: Courtesy: Carl John Barrameda on Facebook

Walang pagsidlan ang tuwa ng dating Goin’ Bulilit child star na si Carl John Barrameda, 28, dahil magiging ama na siya.

Sa Facebook ngayong araw, September 21, 2022, ibinahagi ni Carl ang sonogram kung saan kumpirmadong buntis ang misis niyang si Nikolai Cimatu Barrameda.

Sabi niya sa kanyang caption: “Thank you Lord! Tatay na ako! @nikolaicimatu”

Carl John Bautista sonogram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng Facebook messenger, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl.

Ayon sa kanya, “pa-eights weeks na po this coming Sunday” ang ipinagbubuntis ni Nikolai.

Sabi niya, nakaplano talaga na ngayon pa lang sila magbi-baby ng asawa matapos silang ikasal noong 2020.

Ano naman kaya ang gender na gusto niya sa kanilang magiging panganay?

Tugon ni Carl, “Mas gusto ko boy; ang wife ko, girl ang gusto. Pero kahit anong gender, basta healthy.”

Noong February 19, 2019 na-engage sina Carl at Nikolai sa Hong Kong.

Pitong taon na noon ang kanilang relasyon.

Ikinasal sila noong March 7, 2020 sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Quezon City.

Read: Goin' Bulilit’s Carl John Barrameda marries Nikolai Cimatu

Si Carl ay bahagi ng unang batch ng Goin’ Bulilit na nagsimulang umere sa ABS-CBN mula taong 2005 hanggang 2019.

Labing-apat na taon ang itinakbo ng show sa ere, at nagtapos noong August 4, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Goin' Bulilit star Carl John Barrameda announces on Facebook today, September 21, 2022, that his wife Nikolai is pregnant with their first baby.
PHOTO/S: Courtesy: Carl John Barrameda on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results