Nakahinga nang maluwag si Angelica Panganiban mula sa kanyang halos tatlong oras na pag-iyak dahil sa suhestiyon ng kanyang partner na si Gregg Homan.
Baka raw gustong makita ni Angelica ang "ate" niyang si Judy Ann Santos.
Read: Angelica Panganiban, Gregg Homan welcome their first child
Ngayong Miyerkules, September 28, 2022, ibinahagi ni Angelica sa Instagram ang ilang larawan ng bonding niya, kasama ang bagong silang na anak na si Baby Amila Sabine Homan, at ni Judy Ann at ang bunsong anak nitong si Luna Agoncillo.
Ayon kay Angelica, napawi ang tila “postpartum depression” na naramdaman niya sa ilang oras na bonding moments nila.
Dagdag pa ng aktres, mula nang ipaalam niyang buntis siya, wala nang tigil si Judy Ann sa kapapadala ng mga kung anu-anong bagay na makakatulong sa kanyang pagbubuntis.
Lahad ni Angelica (published as is), “Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate juday sa pagpapadala ng care packages. Kulang na lang siya magpaanak sakin.
“[face with hand over mouth emoji] isang araw habang dinadama ko ang pag iyak sa loob ng 3hrs. (Postpartum na kaya yun?) nag suggest si gregg na baka gusto ko makita si ate, para na rin sa mental health ko. Agad agad ko inavail ang offer niya.”
At ngayon, na-realize daw ni Angelica na totoo ngang isa na siyang pamilyadong tao.
May pabaon pa raw si Luna sa kanyang anak.
Pagpapatuloy niya, “At eto na nga ang itsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin.. (Luh,, may pamilya na talaga me) THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat.
"Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized minnie mouse doll at may dessert pa from chef luna [smiling face with hearts, drooling face emojis]
“We love you!!”
View this post on Instagram
Ipinanganak ni Angelica ang anak nila ni Gregg noong September 20, 2022.
